-MONICA EUNICE- Maaga akong gumising ngayon dahil maaga rin ang pasok namin. Ang baby ko naman ay gising na rin. Ang sabi ni Nanay ay ganiyan daw talaga ang mga bata. Hinayaan ko lang siyang maglaro sa loob ng crib niya at naligo muna ako. Mabuti na lang ay hindi siya umiiyak. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay binalikan ko na si Mat-mat. Hinilamusan ko ang mukha niya bago kami bumaba. Dumiretso kami sa silid-kainan. Rinig na rinig ko agad ang boses ni Liezel. Ang aga-aga ay ang hyper na niya. Pagpasok namin ay nakita ko sina Nanay Karen, Liezel, at Nina. Kaya pala ang hyper ni Liezel dahil nandito si Nina. "Good morning sa inyong lahat!" bati ko sa kanila. Bigla namang tumawa si Mat-mat habang pumapalakpak. "Why are you happy, Baby Mat-mat?" nakangiting tanong ko. Nakakahawa pal

