-MONICA EUNICE- Kasalukuyan na kaming kumakain ng almusal. Pagkagising ko kanina ay wala na si Vincent. Mukhang mas maaga siyang umalis. "Ang bilis ng araw. December na bukas," wika ni Liezel habang kumakain. "Oo nga. Hanggang kailan na lang ang pasok ninyo?" tanong ni Nanay Karen. "Ang alam ko po ay hanggang December 11 na lang po ang pasok namin. Halos Dalawang linggo na lang po! Malapit na ang Christmas vacation!" excited na tugon ni Liezel. "Ang tahimik mo yata, Eunice. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Nanay Karen. "Okay lang po ako. Hindi po pala ako papasok bukas. May pupuntahan lang po ako," paalam ko sa kanila. "Ganoon ba? Saan ka naman pupunta?" tanong ni Nanay. "Basta po. Huwag ninyo na pong isipin. Babalik rin po ako," nakangiting sagot ko. "Sige, kung i

