Ross POV
Sa ilang araw na iginugol ko dito sa Pampanga masasabi kong naging masaya ako. Sinong mag aakalang ang disinasadyang pag punta dito ay mauuwi sa bakasyon.
Kahit nagtatampo ako sa mama ko ay tumawag parin naman ako sa kanya upang sabihing hindi ako makakauwi. Kahit di ko nakikita si mama alam kong di mapinta ang mukha nito. Parang dudugo nga ang tenga ko dahil sa kakasermon nito. Pero dahil mahal ako ng mama ay nauwi na ito sa pagpapaalalang mag ingat. Pero bago pa man matapos ang pag uusap namin at isiningit parin niya ang tungkol sa engagement na ipinagbuntong hininga ko nalang. Sinabi ko nalang na pag-iisipan ko pero wag muna siyang umasa na pagbibigyan ko siya. Ang gulo ko diba. Basta. Muli ay napaisip ako nang idadahilan ko kay mama upang tumigil na siya.
Paminsan minsan ay namamasyal kami ni Herald kasama yung bestfriend nyang maingay. Hahaha. Kung nasa bahay naman kami ay puro kain lang ginagawa namin. Feeling ko tuloy tumaba ako. Hindi din mawawala yung paglalaro sa mga bata tuwing gabi.
Pinasali din ako ni kagawad noong magdaang araw sa liga ng basketball. Kulang daw kasi ang players nila na lalaban sa kabilang baranggay. Hindi ko yun tinanggihan dahil na miss ko din ang pag lalaro. Kelan ba huli kong hawak ng bola ng basketball? Bago gumraduate ata.
Huling araw ko na dito kina Herald. Nandito ako nakatayo sa pintoan habang nagmamasid sa paligid.
"Ross, pwede ba kita muna maiwan sandali?" dinig kong sabi ni Herald.
Liningon ko siya at napansin kong nakabihis ito.
"Where were you going?" tanong ko sa kanya.
"Dadalawin ko lang si nanay." sagot nito. Lumantay ang lungkot sa mata nito kahit na pilit nlitong ngumiti. May kung anu akong lungkot na nadama. Alam ko kasing dinadamdam parin nito ang pagkawala nang nanay niya.
"Tara sasamahan na kita. Hapon na din kasi." bigla kong sabi at nauna na akong lumabas.
Hindi na sya nagprotesta pa at sinarado nalng niya ang pinto at sabay na kaming tumungo sa simenteryo.
*****
Herald POV
Kasalukuyan kaming nasa puntod ng nanay. Kasama ko si Ross na tahimik lang sa tabi ko. Nagsindi ako nang kandila at nagdasal. Nakadama nanaman ako nang lungkot. Nagbabadya nang maglabasan ang mga luha ko.
Nagpapasalamat talaga ako kahit papanu dahil dumating si Ross. Minsan naiisip ko na sinadya ata nang tadhana na mapunta siya dito para magkakilala kami. Landi ko mag-isip. Pero pwera biro, salamat kay Ross dahil kahit papanu gumagaan ang loob ko pero babalik na siya sa Maynila. May kung anu sa loob loob ko na tila nalulungkot. Aaminin ko na nagulantang ang mundo ko at nararamdaman ko nang dating siya. Yung tipong mga simpleng gawain ko noon nagiging espesyal sa pakiramdam. Hindi ako ganito dati, nakakapanibago. May mga oras nga na nalalaman kong nakatitig na pala ako sa kanya. At kung magkakadikit kami kahit di sinasadya ay may animong paruparu sa loob ko na hindi ko mawari. Hay napanu na ako. Masyado akong naaapektuhan ni Ross. At ngayung aalis na siya di ko alam kung anu na ang mangyayari sa akin.
"Lalim nang iniisip mo ah." Rinig kong puna ni Ross. Kanina pa pala niya ako pinagmamasdan. Nagtama ang aming nga mata ngumiti ako sa kanya, nagulat ako nang bigla nalang nya akong niyakap.
" Wag ka nang malungkot, di kasi bagay sayo. Mas ok sayo ang nakangiti." Dinig kong sabi niya habang hinahaplos yung kamay niya sa likod ako. at di ko0 na na napigilan ang mga luha ko.
" oh bakit ka naman umiyak? Baka sabihin ng nanay mo inaaway kita ha."
" Wala ito, naaalala ko nanaman kasi ang nanay eh. Sorry nabasa ko ata ang damit mo." Nasabi ko na lang at kumalas na ako sa pagkakayakap dahil nagiging abnormal ata ang t***k nang puso ko talo nat magkadikit kami.
Hinawakan niya ang mga balikat ko at tumingin sa akin. Nakangiti lang siya. " Dapat maging malakas ka. Sa tingin mo ba, matutuwa ang nanay mo habang nakikita ka nyang nagkakaganito?" dinig kong sabi nya." Huwag mo sanang ikulong ang sarili mo sa pagluluksa at pagkalungkot. Hindi ko alam kung dapat kong sabihin to sayo , Herald hindi naman magagalit ang nanay mo kung palalayain mo siya dyan sa puso at alaala mo."
Alam ko kung anu ang ibig nyang sabihin. Gusto niyang ipagpatuloy ko ang buhay na tanggap na mag-isa nalang ako. Tama naman siya. masyado kong kinulong ang sarili ko sa alaala ni inay. Sa totoo lang may isang parte nang puso kong hindi tanggap na wala na siya. Marahil ay tanggap ko nang wala si inay pero hindi ko pa siya ganap na pinapalaya sa puso ko. Wala akong lakas nang loob na gawin yon dahil ang totoo natatakoy akong mag-isa. At ngayong babalik na si Ross sa kanyang pinagmula lalo akong natakot. Tama siya, kailangan ko nang pakawalan ang kung anu meron sa loob ko st tanggaping mag-isa ko nang haharapin ang hinaharap.
Niyaya na akong umuwi ni Ross at di naman ako nag atubili. Nandito kami ngayon sa gawi kung saan tumirik ang kotse nito. Huminga ako ng malalim at lumigil. agad naman siyang humarap sa akin nang mapansing huminto ako.
"Ross, Nasabi ko na ba sayong nagpapasalamat ako kasi dumating ka?" Pagsisimula ko. "Na sa maikling panahon nang pamamalagi mo rito ay naging masaya ako."
"Ako din, nagpapasalamat na nakilala kita. Sana sa pagkikita natin uli wag mo akong kalimutan. Naging mabuti kang kaibigan, kaya salamat." tugon ni Ross. Punong puno iyon nang sinseridad. Inabot niya ang kamay niya sa akin, nagtaka ako. "Friends?"
Natawa ako nang mahina sa ikinilos niya. Panung hindi, eh aalis na nga siya mamaya eh kung umasta parang kakakilala lang namin. Tumaas ang kilay nitong tumingin sa akin. Halatang nagtataka sa pagtawa ka.
" Why are you laughing?" Nagtatakang tanong nito.
"Sira ka talaga, isang linggo na nga tayo mag kasama ngayon ka palang makikipag kaibigan sa akin?" Napakamot nalang siya nang ulo. Sabihin nang gayagaya ako pero ang cute niyang tignan.
"Wag kang mag alala, kaibigan na ang turing ko sayo nung una paman." Sinabi ko at inabot ko na din ang kamay ko sa kanya upang makipag kamay. " Ngayon Opisyal na tayong mag kaibigan, kaya Ross natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sayo?" Tanong ko sa kanya habang magkahawak ang aming kamay.
"Alin doon?" Tanong niya.
" Na kung anu mang tulong ang kailangan mo. Handa akong tumulong sayo." pagpapaalala ko sa kanya.
"Same here." Sagot niya.
" Oh tara na, dumidilim na." Sabi ko habang hinihila ko ang kamay niya.
Parang ayaw ko nang bitawan ang kamay niya, para kasing nakakaramdam ako nang saya kapag hawak iyon. Nang makarating kami nang bahay ay kinuha na niya ang gamit niya at isinakay iyon sa kotse nya. Salamat kay kagawad at nakahanap ng professional na gumagawa nang sasakyan. Di ko nga magets nong una kung bakit pa naghanap eh nabutas lang naman yung gulong.
"Oh papanu? Mauna na ako?" wika nito habang nakatayo sa pintuan nang kotse nya.
"Mag-iingat ka ha, dalaw ka ulit dito kung may oras ka." tugon ko sa kanya.
At sumakay na ito sa sasakyan at sinimulang paandarin. Ako namay kumaway at pilit itinatago ang lungkot na nadadama. Nagtaka ako nang hindi pa nakakalayo ang kotse nya ay tumigil ito. Nakita kong bumaba siya at patakbong bumalik. May dala itong paper bag.
"Oh may nakalimutan ka ba?" Nagtatakang tanung ko sa kanya.
"I forget to give you this." sabat abot nang dala nitong paper bag. Pagka abot ko nito at nagulat ako sa sunod nitong ginawa. pakiramdam ko nga ay tumigil ang mundo at parang naramdaman ko ulit ang mga paruparu. Si Ross hinalikan ako sa pisngi. Naramdaman ko ang milyong milyong butahe nang mailapat niya ang kanyang bibig sa aking pisngi. Namalayan ko nalang na tumatakbo na ito papunta sa kotse nya at muling pinaandar ang kotse. Habol tingin na lang ang ginawa ko habang palayo ito habang hawak ang pisnging hinalikan nito. Napangiti nalng ako.