Heralds POV Kung ilang oras na akong umiyak ay di ko napansin. Gusto ko lang umiyak upang maibsan ang sakit na nadarama ko. Nagpapasalamat nalang ako na kahit papanu ay hinayaan lang ako ni Excel. Lihim akong nagpasalamat na naririto siya. Kahit di man siya nagsasalita ramdam ko ang kanyang pag-uunawa. Hindi ko talaga inaasahan ang tagpong iyon. Si Ross at Anna, magkasama at masayang nag-uusap. Diba't kahapon lang ay halos isumpa ni Ross ang babae dahil sa pag iwan nito sa kanya. Hindi niya maunawaan ang n as nangyayari. Buong araw akong nag alala dahil hindi ko siya macontact. Sa halip na isipin ko ang sarili ko ay mas iniintindi ko ang kalagayan niya. Tapos ang ending magkasama lang pala sila ni Anna. Inaamin kong wala akong karapatan na masaktan pero sa lumipas n

