Third Person POV Ilang beses nang sinubukang tawagan ni Herald ang cellphone ni Ross. Ngunit gaya ng mga naunang pagsubok ay hindi parin niya ito ma-contact. Nagtataka ito kung bakit hindi man lang ito nagpaparamdam gayong buong gabi siyang hindi na kauwi. Kung hindi lang talaga mapilit ang kambal na sina Mickey at Harley na manatili siya sa hospital upang masigurong ok na talaga siya. "Wag mong isipin ang gagastuhin dahil kami nang bahala ni Harley."Sabi pa ni Mickey. Hindi nalang siya umimik pa dahil alam niyang para iyon sa ikabubuti niya. Biglang tumunog ang phone niya. Mabilis niya iyong sinagot sa pag aakalang si Ross ang tumawag. Bahagyang nadismaya siya nang mapagtantong si Excel ang tumawag. "Asan ka?" Bungad na tanong nito. Nasapo niya nag kanyang noo nang maalalang

