Herald POV Dahil opening shift ang schedule ng trabaho ko ay wala pang six o'clock ay nakalabas na ako ng resto bar na pinag tatrabahohan ko. Napagdisisyunan kong magluto ng hapunan kung kaya dumaan pa ako sa super market upang mamili ng lulutuin. Hindi na ako nagtext pa kay Ross dahil sasaglit lang naman ako. Nang marating ko ang super market ay hindi na ako nahirapan pang kunin ang dapat kung bilhin dahil kabisado ko na ang pamilihan. Sa pag mamadali ko ay hindi ko na namalayan ang taong na kayuko na tila may inaabot sa pang ilalalim na parte ng display area. Nabunggo ko ang taong yon na naging dahilan nang pag kakadapa ko at gumulong sa isang display island ng isang de lata. Bigla akong kinabahan nang makitang isa-isang nahuhulog ito pabagsak sa akin. Bawat tama ng lata ay r

