Ross POV Hindi ko naramdamang mag isa. Matapos ang di inaasahang pagkikita namin ni Anna ay pinaramdam ni Herald na hindi ko kailangang magmukmuk at umaktong affected. Pero may pagkakataong nakakaramdam ako nang sakit. Pinapanalangin ko nalang na wag na sanang maulit ang pagkikitang iyon. Ngunit sadyang mapagbiro talaga ang kapalaran. Naririto ako ngayon sa board room ng companya. Pinag-uusapan ang pagiging sponsor nang dance concert ng company ni Anna. Tinignan ko si mama at umaasang mag eexplain ito. Nagkibit balikat lang ito at halatang hindi rin ito alam. Pagkatapos ng meeting at agad akong tumungo sa sariling office. Mas lalo akong nagulantang nang bumungad sa akin ang taong ayaw kong makita. Nakaupo ito katapat ng mesa ko. "What the hell are you doing here? " bigla k

