Chapter Eleven

848 Words
Ross POV   Hindi ko inaadahang ganito kaaga magkukrus ang landas ni mama at Herald. Kinakabahan talaga ako. Si mama ay normal lang ang pinapakitang mukha. Mukhang inaasahan na ata niya ito.   "Are you not going to greet me, hijo!" sarcastic na wika ni mama.   Tinignan ko si Herald na nakatingin pala sa akin. Isang pilit na ngiti ang ginawad nito. "Wala akong maisip na sasabihin" aniko sa sarili.   Kinalma ko ang sarili at tumingin kay mama.   "Sorry ma, nagulat lang ako, what are you doing here by the way? " tanong ko sa kanya.   "Son, this is a supermarket, what do you think I'm doing here? " sagot niya. "Are you not going to introduce your friend?"   Napatingin ako ulit kay Herald. " This is it. " sabi ko sa sarili. Kaya dahan dahan akong lumapit kay Herald, kinuha ko ang kamay niya. Nanlalamig ang mga ito. Nginitian ko sya at nilingon si mama.   " Mama, this is Herald, my lover. " pagpapakilala ko sakanya. Nakita kong tumaas ang isang kilay ni mama at napatingin ito kay Herald.   " So sya pala ang dahilan ng di mo pagpayag." komento ni mama tila kinikilatis si Herald.   "Ross hindi mo naman sinabi sa akin na sinabi mo na pala sa mommy mo tungkol sa tin? " Tanong ni Herald. Agad ko namang na unawaan ang gusto nitong palabasin.   "Sorry babe, kailangan kasi sabihin. " Wika ko naman. Upang maging kapanipaniwala ay nilagay ko ang palad ko sa pisngi niya at nag itinulis ang nguso habang nakaharap sa mukha niya.   "Ross, umayos kayo! You're in public place." Saway ni mama na palinga linga. Tinitignan ata kung may mga nanunuod. Buti nalang at kunti palang ang mga tao.   "Sorry ma, hindi ko pa kasi nasasabi kay Herald na alam nyo na yung tungkol samin. " Nakangisi kong wika kay mama. Alam kong kinagat nito yung palabas namin.   "Sorry po maam." dinig kong wika ni Herald. Napansin kong na mumula pala ito. Halatang nahihiya. Makakatotohanan naman yung acting nya. Hahaha.   ***** Herald POV   Sinong mag-aakalang ganito kaaga kami magkikita ng mama ni Ross.  Kinabahan talaga ako. Pakiramdam ko ay pagpapawisan ako ng malamig. Pero kailangan kong ayusin ang sarili ko dahil baka makahalata ang mama nya.   "Ross hindi mo naman sinabi sa akin na sinabi mo na pala sa mommy mo tungkol sa tin? " malambing kong wika. "acting to the max na ito. " sabi ko sa sarili.   Nagulat ako nang lumapit si Ross sa akin.  Dahan-dahan nyang hinawakan ang kamay ko. Tila milyong milyong bultahe ng koryente ang dumaloy na nag pa abnormal ng t***k ng puso ko.  Sinalubong nya ang aking nga tingin. Mata sa mata na tila nag-uusap.   "Sorry babe, kailangan kasi sabihin. " sagot niya sa akin at naramdaman ko nalang ang kanyang malalambot na palad na dumapo sa aking pisngi sabay pout pa ng labi nito. Ang cute lng tignan.  Parang kimilig ako.   Buti nalang at sinaway kami ng mama niya.  Dahil kung hindi ay baka matunaw ako. Napansin kong na kangiti paring nakatingin sa akin si Ross.  Pilit naman akong ngumiti at humingi ng pa umanhin saama nya.   Nang makapagbayad na kami sa counter ay niyaya kami ng mama ni Ross sa isang coffee shop.   Dahil madami kaming pinamili ay hinatid muna ni Ross ang mga yon nag alangan pa nga siya ngunit sinabihan kong ayos lang. Samantalang nauna na kami ng kanyang mama sa coffee shop.   Lalo akong kinabahan. "Sana naman di ako gisahin ng mama ni Ross. " dalangin ko sa sarili.   "So, how long have you been in relationship with my son?" mabilisang tanong ng mama ni Ross. "hot seat kaagad? "   Malamya akong ngumiti. " Mag to-two months po maam." sagot ko. Kahit papanu nakapag practice naman kami ni Ross kung saka sakaling may ganitong mangyayari. Pero iba pari pala kung actual. Parang makakalimutan ko yung pinaghanhaan namin. Nakita kanang tumango.   "And where did you two met?" sunod nyang tanong.   " Sa Pampanga po.  Its an accident nga po eh."   Ang tanong na sinagot ko ay muling pang nasundan ng madami pang tanong.  Mauubusan na ako ng palusot.  At lalo pa nadadagan ang kaba ko. Buti nalang at natanaw ko Ross na pumasok sa shop.   "Nandito na pala po si Ross maam. " pag-iiba ko ng kwento. Agay naman siyang lumingon at kumaway sa anak nya.   " Sorry for keep you waiting. " saad ni Ross at humalik ito sa mama nya.  Nagulat pa ako nang pati ako ay hinalikan din sa pisngi. Ngumiti lang ako upang matago ang pag ka awkward na nadadama ko.   Hindi na rin nagtagal ang mama  ni Ross at nag paalam na ito.   "Nice to see you Herald. I have to go. " Paalam niya.   "Ingat po maam. " masaya kong sagot.   " Oh, please call me tita nalang." nakaramdam ako ng tuwa. Pakiramdam ko ay successful ang first encounter ko sa mama ni Ross.   Hinatid ni Ross ang kanyang mama sa labas.  Ako nama'y naiwan sa loob ng shop. Napabuntong hininga ako. "Thank you Lord, hope you give me more strength for the next encounter. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD