Chapter Twelve

999 Words
Herald POV   Naging maayos naman ang mga pangyayari nang mga sumunod na araw. Pero hinahanda ko pa rin ang sarili ko. Just in case na magkita kami ulit ng mama ni Ross.  Nakakatakot baka mabuking kami.   Ilang araw na rin akong nakatira sa condo ni Ross. Malaki ito at mayroong dalawang silid. Kompleto ang kagamitan at talagang mamahalin.   "Wow!!!" sigaw ni Lorilai. Naririto siya sa condo. Matagal na rin kasi noong huli naming pagkikita. Buti nalang wala si Ross.   "Grabe naman, makasigaw wagas. Baka naman gusto mong hinaan yang boses mo, nakakahiya naman sayo yung mga kapit-bahay" saway ko sa kanya.   "Sorry naman, na carried away lng,  grabe ang yaman talaga ni Ross, Herald. Parang gusto kong tumira dito." excited na pahayag nito.   "Tumigil ka Lorilai. Kung anu anung pinagsasabi mo. " saway ko sa kanila. Nguniti lang siya.  Mayamaya ay nang usisa na ito ng mga kagamitan.  Magtatanong ng kung anu anu.   "Naku Lorilai,  wag mo akong tanungin.  Nandito na yan nang dumating ako." Inis kong sagot sa kanya.   "oh kamusta ka naman pala?" pag iiba nya ng kwento.   "Ok lng naman.  Nakakahinga pa kahit papanu. " walang kalatoy latoy na sagot ko.   "Parang sinabi mo na ring na nahihirapan ka na nyan.  Hindi kasi halata eh." nakakunot noo niyang tugon. Isang buntong hininga lang ang sinagot ko.   "Saglit maghahanda ako ng miryenda." pag iwas ko sa tila nag tatanong na mga mata ni Lorilai. Agad akong tumalikod upang tumungo sa kusina.   "Hoy! May di ka sinasabi sa akin no! " biglang sabi ni Lorilai na kasunod ko lng pala.   "Anu ba naman, kailangan mang gulat?" Nagulat talaga ako.  Muntikan na akong napatalon sa bigla nitong pasasalita sa likod ko. Sarap nyang bangasan minsan,  pero dahil friend ko siya di ko rin magawa.   "I-kwento mo na kasi. Kahit di mo sabihin ay alam kong may kung anu kang iniisip. Kilala na kita Herald, alam ko takbo ng iniisip mo." mahabang litanya ni Lorilai. Kahit kelan wala akong maitatago sa kanta. Eh siya lng naman kasi ang kaibigan ko.   Ang totoo, pinipilit kong maging ok sa tuwing magkasama kami ni Ross.  Lalo na kung kaming dalawa lang. Kahit magkaiba kami ni Ross ng silid, pakiramdam ko ay may kung anu akong nadarama.  Sinung matatahimik kung pilit sumisiksik sa isipan ko ang imahe ni Ross. Yung bang tuwing wala siya,  hinahanap mo siya, at kung magkasama naman kmi, nagiging abnormal ang t***k ng puso ko. Tulad nga ngayun,  dalawang araw nga siyang hindi umuwi. Nagtxt naman sya na magiging busy sya kaya di siya makakauwi. Naiintidihan ko naman pero, di ko mapigilang hanapin ang presence nya.   "Ahhh,  now I know. " wika ni Lorilai na nagpabalik sa akin sa wisyo. Kumunot nanaman ang noo ko. At nakita ko nanaman ang matang tila nanunuri.   "Anu nanaman yan?  May pa now I know,  now I know ka pa?" tanong ko sa kanya.   "ikaw umamin ka nga, Nagkakagusto ka na kay Ross no?" Walang pakundangang sabi ni Lorilai na ikina gulat ko naman.   Natigilan ako sa tinuran niya. Hindi ko alam kung anu ang sasabihin. Posible ba yun?   "Naku,  yang mga ganyang mukha, confirmed na talaga. Naku Herald mukhang gulo yang pinasok mo ah." muling wika ni Lorilai.   "Tumigil ka na nga.  Ayan cake oh,  kumain ka na." ayaw ko mang aminin pero talagang napaisip ako sa tinuran ng Bestfreind kong ito. Kaya para tigilan nya ako ay pinalamun ko na siya. " Banyo lang ako." dagdag ko at tinungo ang banyo. Kailangan kong makapag isa.  Sasabog ata ako.   Nagkaka crush naman ako at may magugustuhan din.  Pero hindi ko binigyang pansin. Itong nararamdan ko bakit hindi ko napansing nagkakagusto ako sa kanya.  Hindi pwde, anu nalang sasabihin ni Ross.  Oh baka naninibago lng ako.  Tama,  nanininago lng ako.       Kahit na nakaalis na si Lorilai ay patuloy parin ang pag uusig ko sa sarili ko tungkol sa nararamdaman ko. kinukumbinsi ko ang sarili kong naninibago lang ako. Kaibigan ako ni Ross kaya maling magkagusto ako sa kanya. Baka kung anu pa ang isipin nya.   Lumipas ang araw, eksaktong isang linggo na hindi umuuwi si Ross sa bahay. wala na man sa aking kaso iyon kasi mas maiging di ko muna siya makita habang may kung anu akong nararamdaman sa kanya. Nagtitxt din naman siya sa akin, nangangamusta.   Nagpasya akong mamasyal sa labas. Kailangan ko nang hangin upang makapag isip. Titingin tingin na rin ako nang maaaplayang trabaho. Dahil Nakakahiya na rin kay Ross kung Parating sa kanya nalang ako umaasa. Yung konting ipon ko din naman ay nababawasan na rin. Ilang minuto pa ay binabaybay ko na ang pasilyo ng isang mall na malapit lang naman sa condo. Habang palinga linga na nagbabakasakaling may mahagip akong mga paskil na nangangailangan ng trabaho. Sa paglingalinga ko ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na taong kumakain sa isang resturant kasama ng isang magandang babae. nagtago ako sa di kalayuan upang siguraduhing kilala ko nga ang taong yon. Hindi ko ma ipaliwanag kung anu ang nararamdaman ko nang mapag tantong si Ross nga ang lalaking yun na masayang nakikipag usap sa magandang babae. Nagtatawanan sila at tila di alintana ang mga taong nagdadaanan. Inilagay ko ang aking kamay sa dibdib, pinakiramdaman ko. Nasasaktan ako. Hindi ko alam na tumulo ang butil ng luha sa aking mata. Dali dali akong tumalikod at mabilis pa sa alas kwatrong umalis sa kinakaroonan ko.   Ngayun aking napagtanto, nahuhulog na nga ako sa kanya. Pero wala naman akong karapatang masaktan nang dahil sa kanya. Lalaki naman talaga siya. Nagkukunwari lang naman kaming kami dahil ayaw nyang magpakasal. ayaw nyang pinakikialaman ng mama niya ang buhay niya. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit hindi ako nag-ingat. ni hindi ko napansing nahuhulog na ako sa kanya. Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa na karating ako sa isang bar. Nakita kong may signage na nakapaskil. WANTED BARTENDER/WAITER. Di na ako nag patumpik tumpik pa at pumasok na ako upang magtanong. Kailangan ko ng distruction. Distruction na makakapag palimot nang nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD