Ross POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Ilang linggo na din ang nakaraan mula nang mangyari ang sagutan namin ni Herald. Ikinatuwa ko na hindi siya nagalit sa akin. Dahil dito ay sinikap kong makabawi. Palagi ko nang pinapaalam sa kanya ang schedule ko para di na siya magtaka kung sakaling di ako makauwi ng bahay. Masasabi kong unti unti ay nakakasanayan na namin ang set up naming naming. Kahit sabihing tahimik lang si mama alam kong may nilulutong planu yun, kung kaya kailangan namin ni Herald na maging handa kung sakasakali. Hindi ako yung tipo nang taong nag aalmusal sa umaga, pero dahil palaging nag hahanda si Herald ng agahan ay hindi ko matanggihan. Kung kaya kahit papanu ay nakakasanayan ko na. Ayaw ko ding isipin nya na nasasayang yung effort niya. Ayaw ko ding muling sumama ang loob niya.
Kapansin pansin din yung pagiging maalalahanin ni Herald. Palagi na nya akong pinaaalahanan nang mga bagay bagay gaya nang kumain sa oras, mag iingat pag uwi at madami pa. Simpleng mga paalala na nagbibigay saya sa akin na hindi ko naman alam kung bakit. Siguro dahil ngayun lang uli may taong nag aalala sa akin.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung anu at saan si Herald nagtatrabaho. Gusto ko sanang alamin dahil ayaw ko man aminin ay nag aalala din ako. Palagu nalang kasing gabi na aiya umuuwi. At palaging pagod. Tapos maaga pa siya nagigising upang magluto nang agahan. Ayaw ko namang mag tanong dahil baka ma ungkat pa yung nakaraang away namin. Sinabi ko na kasing ayaw ko nang maulit iyon dahil di maganda sa pakiramdam.
Kasalukuyan akong nasa office ko. May tinatapos akong mga report nang tumunig ang phone ko hudyat na may tumatawag. Agad itong sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.
"Hello? " Bungad ko ang masagot na ang tawatawag.
" Hi Ross my darling, are you free tonight? Would you like to hangout? " sagot nang nasa kabilang linya. Hindi ko na tinanong kung sinu ang nasa kabilang linya. Sa boses palang niya ay kilala ko na ito.
"Sorry Irene, I need to go home early today." apologetic na sabi ko sa babaeng nasa kabilang linya. Irene is one of my fling na matatawag. Kung baga pampalipas oras lng. No strings attached.
Simula din kasi nang magkaayos ni Herald ay di na din ako naglalalabas. Lalo na kay Irene. Mahirap din kasi pag nalaman ni mama.
Hindi rin nagtagal ang pag uusap namin ni Irene at nagpaalam na ako sa kanya. Balik trabaho na ulit sa ako nang muling mag ring ang phone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay muli ko itong sinagot.
" Yes, Pare? " Sagot ko.
"Pare daan ka mamaya dito, bonding naman tayong tatlo ni Jake. " Boses iyon ni Exel. "tagal mo na kayang di nagpaparamdam.
Matagal tagal na din kasing nagsama kaming tatlo. Di ko pa tuloy nasasabi sa kanila na sinunod ko ang payo ni Jake. Masyado ko na kasing isinusubsub ang sarili ko sa trabaho. Well alam naman nila yung dahilan. Kung anu man yon sa aming tatlo lang yun.
"Cge, dadaan ako jan."
"Sure yan ha. Hehehe. Susugurin ka namin pag di kanagpunta dito. " pagbabanta pa ni Excel.
"Kulit mo, Pre! Pupunta nga ako. Cge na nang matapos ko na tong ginagawa ko. " pagtatapos ko sa aming usapan. Napangiti ako nang matapos kung maibaba ang phone.
Subrang laki kasi ang naitulong ng dalawa kong kaibigan nang may mangyari sa akin. Sila lagi ang na palapitan at nakakasama ko sa mga oras na di ko kinakaya ang mag isa. Tinignan ko ang orasan sa aking bisig. Mag aala singko na din pala. Nag inat ako nang katawan at mayamaya pa ay inoff ang laptop at isinilid ito sa bag, nag ayos din ako nang mga kalat sa ibabaw ng table at nag disisyong umuwi muna upang makapagbihis.
Herald POV
Sinong mag aakala na dalawang buwan na pala akong nag tatrabaho sa bar na ito. Noong una ay waiter lang ako dito pero nang lumaon nang malaman ni boss Dom na may alam ako sa bartendering at pagiging barista ay inilipat nya ako. Kinabahan nga ako noong unang sabak ko dito. Buti nalang ay mababait at supportive ang mga kasamahan ko at hindi naman ako na a-out of place. Maging ang mga costumers dito ay disiplinado din. Kahit mayayaman ay mukhang nakukontrol naman.
Sa loob nang Dalawang buwan kong pagtatrabaho dito ay masasabi kong madami akong natututunan. Maging ang kumilos mang mabilis at maging alerto ay na gamay ko din. Nag search pa ako sa internet nang iba pang drinks ba pwedeng gawin since bartender na ang title ko sa bar na to.
Laking pasasalamat ko kay boss Dom dahil kung hindi nya ako tinanggap dito baka wala na akong pantustos sa sarili ko. Buti nalang talaga. Ngunit ang higit kong pinasasalamatan sa trabahong ito ay dahil dito nakakalimutan ko ang nararamdaman ko kay Ross. Yung bang kahit sabihing magkasama kami at nagkikita tuwing umaga ay pag ganitong nasa trabaho ako nawawala siya pansamantala sa sistema ko. Nagiging busy kasi ako masyado at hindi siya nagkajaroon nang uras na sumagi siya sa isip ko.
"Oy! Herald tawag ka ni boss." Rinig kong tawag nang isang waiter sa akin.
Napag alaman ko kasing nandidito ang dalawang Bestfriend niya. Nakilala ko na rin naman yung isa, yung makulit na bestfriend. Na curious nga ako kung sino yung isa kasi, hindi daw ito madalas nagpupunta...
"Bakit daw? May sinabi ba? " tanong ko naman sa tumawad sa akin. Nagkibit balikat lang ito at nag senyas na hindi nya alam. Kung kaya nagbilin nalang ako sa kasama ko at nagsabing tinatawag ako nang boss namin.
Bago paman ako makaalis ay nahagip ng mata ko ang babaeng nasasayaw sa dance floor. Hindi ako nagkakamali. Nakita ko na kasi ang babaeng yun. Di ko lang matandaan kung saan at kelan. Pero di ko kasi maalis sa isip ko ang babaeng yun.
Kasalukuyang binabaybay ko ang kinaroroonan ni boss Dom. Pinilit kong wag isipin ang babaeng nagsasayaw pa din sa gitna.
Nang marating ko na ang room na kinaroroonan ni boss Dom na abutan kong nagtatawanan silang tatlo. Kasama niya si sir Jake at isang lalaking nakatalikod.
" Boss tawag nyo raw ako? " agad kong tanong. Wala nang excuse excuse, tutal naman ay kagaanan ko na rin nanan sila nang loob at ganun din sila sa akin. Maliban syempre sa isang kasama nila na di ko pa nakikilala.
"Oh Rald, nanjan kana pala." nakangising bati nya sa akin. Gwapo tong si boss Dom. Maloko nga lang. Walang araw na di ito manlalambing sa akin mula nang pumasok ako dito lalo na nang nalipat ako sa pag mimix ng mga alak.
"Pare, ito yung kinukwento namin ni Jake na subrang galing mag mix." may pagmamalaking baling nya sa nakatalikod na lalaki na napansin kong busy pala sa kanyang phone.
"Naku boss, baka maniwala yang kaibigan nyo. Hindi naman ako magaling, may alam lang. " pagtatanggi ko dahil baka mapasubo ako sa kaibigan nila ni sir Jake. Nakita kong isinilid nito ang kanyang phone sa bulsa at kinuha ang basong may lamang alak at tinungga iyon, saka ako nilingon.
Tila tumigil ang lahat nang makita ko kung sino ang lalaking yun. Nagulat ako at pakiramdam ko ay namanhid ang buo kong katawan. Hindi ako makakilos. Bakit kasi di ko na isip na pwedeng mangyari ito. Hindi ko talaga ito napaghandaan. Sinu ba kasing mag aakala na yung best friend nina boss dom at sir Jake ay walang iba kundi si Ross.
"Ikaw!!! " Sabay naming sigaw. Nakikita din sa mata at mukha niya ang pag tataka at pagkagulat.
"Teka, magkakilala ba kayo Ross? " dinig kong tanong ni sir Jake
Sasagot na sana ako nang biglang tumayo si Ross at hinila ako palabas. Dahil sa pagkabigla ay nagpatianod nalang ako. Agad naming narating ang office ni boss Dom. Sound proof kasi iyon kaya di naririnig ang ingay sa labas.
"Dito ka nagtatrabaho? Bakit di mo sinabi sa akin? " Agad niyang tanong na hindi parin binibitawan ang kamay ko na nooy nakakaramdam na nang sakit dahil sa higpit ng hawak niya.
" Eh hindi ka naman nagtatanong. Saka wala namang masama kung dito ako magtrabaho ah. " Rason ko sa kanya. Pilit kong kinakalma ang damdamin ko. Di ko kasi alam lun anu ang mararamdaman sa oras na to.
" Excel and Jake are my best friends. Kilala sila ni mama at lalong alam ni mama ang lugar na ito dahil isa kimi sa mga stock holder ng bar na ito. Panu kong makita ka nya dito? " may halong inis na litanya ni Ross.
"Aba naman Ross pati ba naman trabaho ko dapat ina approvahan pa ng mama mo? Hindi pa ba sapat na I give up my job para lang mapangarawanan ang pagkukunyari natin. " nainis na ako. Pakirdam ko nanliliit ako. Yung tipong lahat na lang eh kailanfan may approval nya at ng mama nya. "Pumayag akong maging Lover mo "kunu" dahil gusto kitang tulongan, pero hindi nangangahulogan na pwede mo na akong kuntrolin. " Nakita kong natigilan siya. Mula sa likod niya ay iniluwa nang pinto sina boss Dom at sir Jake. Pero di parin nawala ang inis ko. " Kung ganun naman palang maraming makikitang mali at panget sa akin ang mama mo, bakit hindi nalang yang mga kaibigan mo ang pinalong mo sa problema mo." sigaw ko. Agad kong hinila ang kamay kong hawak hawak niya at agad na lumabas ng office.
Masyadong nakakasakal ang gabibg ito para sa akin. Akala ki magiging ok na kami pero heto nanamaan kami. Hindi nya ba ako kayang ipagtanggol man sa mama nya kung saka sakali? Agad akong lumabas ng bar upang makasagap ng hanging magpapakalma sa akin.
Ross POV
" Kung ganun naman palang maraming makikitang mali at panget sa akin ang mama mo, bakit hindi nalang yang mga kaibigan mo ang pinalong mo sa problema mo." yun ang huling salita na bimitiwan ni Herald bago umalis. Gusto ko sana siyang sundan pero hindi ko nagawa. Feeling ko kasi masyado ko siyang pinagsasalitaan nang hindi naririnig ang paliwanag nya. Naiinis tuloy ako sa sarili ko.
" Pre, ayun? Kilala mo ba si Herald? " Dinig kong ranong ni Ecxel.
"May hindi ba kami nalalama sa iyo Ross? " tanong naman ni Jake.
Umupo ako sa isa sa mga upuan. Huminga ako nang malalim at tumingin sa dalawa kong best friends. Kitang kita sa kanilang mga mata ang pagtataka.
" Herald is my friend, and he is living with me. " pagsisimula ko. Matapos ang ilang minuto ay na ikwento ko na din sa kanila ang lahat nang may kinalaman sa pag kakakilala namin ni Herald hanggang sa pagpayag nya na magpanggap na Lover ko.
" Swerto mo at pumayag siyang magpanggap, Pre. " si Jake. "hindi ko akalain na papatusin mo yung advice kung yun. "
" Pero hindi maganda yung ginawa sa kanya. Tama sya, magpapanggap lang siyang lover mo, wala doon yung kailangan mong pakealan yung personal nyang buhay. " may halong sumbat na sabi ni Excel. " Para mo kasing sinabi sa kanya na dapat syang kumilos ayun sa gusto mo at sa gusto ni Tita. Hindi na nya kasi iyon problema as long na nanatili siyang nagpapanggap."
"Dapat nga you act that you support him." dugtong ni Jake.
Wala akong masabi dahil alam ko namang tama silang dalawa. Ginagawa ni Herald yung part nya bilang lover ko dapat ako din sa kanya. Tumayo ako at nagpaalam na lalabas upang hanapin siya.
Herald POV
Bumalik ako sa bar. Nagdadagsaan na ang mga tao kayat balik mixer na ako. Ayaw komg mag paapekto sa inis na nadarama ko kay Ross. Ang taong pilit ko mang alisin ay patuloy ba bumabalik sa isip ko at puso ko. Nasaktan ako sa sinabi nya kanina, pero hindi ko naman magawang magalit sa kanya. Parang binubulong ng puso ko sa isip ko na intindihin ko sya. Nilunod ko muli ang sarili sa pag mimix ng inumin. Salamat nalang at di natitigil ang order ng mga costumers kaya hindi rin ako natigil sa kakamix.
Maya maya pa ay napasinghap ako nang makitang nasa harapan ko sina boss Dom, Jake at Ross. Pinagigitnaan nila si Ross. At yung dalawa naman ay mukhang mga ewan, nakangisi lang habang nakatingin sa akin at kay Ross. Si Ross naman ay iritang irita ang pagmunukha. Lihim akong napangiti sa pinaggagawa nila.
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy nalang sa ginagawa kong pag mimix ng mga inumin.
"Hindi mo ba kami papansinin? " malakas na sigaw ni Boss Dom. Na agad kong hinarap. Nakita ko si sir Jake na naka nguso na tinuturo si Ross na lumalagok ng alak. Tinignan ko si Ross, hindi ito nakatingin sa akin. Namumula na ito dahil sa dami ata ng nainum nito. "bakit ba di ko matiis ang lokong ito. " tanong ko sa sarili. Isang malakas na pagbuga nang hangin ang pinakawalan ko. Wala eh, mahal ko eh.
Agad akong lumapit sa kinaroroonan ng tatlo. Lalagyan pa sana nang lokong Ross ang kanyang baso ng panibagong alak na agad ko namang pinigil. Bigla itong napa angat nang ulo. Mata sa mata ang nangyari,walang nagpatinag walang gustong sumuko. Matira matibay. Nakakaloko lang dahil bigla itong ngumiti na parang abnoy lang.
"Sorry Babe! " malakas na sabi nya na ikinagulat ko naman. Napakunot noo ako habang patuloy siyang tinititigan.
" Yun ohhhh... " Sigaw nang dalawang olopong na katabi nya. Samantalang si Ross ay nananatiling naka ngiti sa harap ko.
" Don't worry babe, alam na nila." nabigla pa ako nang biglang abutin ni Ross ang kamay ko. " Starting today,I will be the best lover that you want to be. And I will be supporting you what ever you want to do. " seryosong wika ni Ross.
Naramdaman ko nanaman ang pag uunahan ng t***k nang puso ko. May karera ata sa loob. Hindi naman ako naka inum pero nang iinit ang pisngi ko. Wala akong lakas na mag salita. Naku Ross wag kang ganyan. Di ba nakikita nang lalaking ito na madaming nakatingin sa amin.
" Naku! Oh Herald, iuwi mo na yang lover boy mo. Malala na ang tama." panukso ni boss Dom.
" Oo nga, lakas nga nang tama sayo. Hahaha! " biglang tugon ni sir Jake. Ang mga walang hiya talaga. Ginatungan pa ang drama nang loko. Napansin kong may mga mangilan ngilan na osyoso na nakikinig sa amin. Nakakahiya man pero isa lang ang di ko maitatago sa sarili ko. KINIKILIG AKO!!!