Chapter Sixteen

1610 Words
Herald POV   Hindi pa rin ako halos maka kilos sa inasal ni Ross. Sinu ba namang mag aakalang matalik na kaibigan pala ng boss ko itong kumag na ito. Ni di ko nga akalaing sasabihin ni Ross ang mga bagay na yun kanina. Hindi ko alam kung anu anu ang sasabihin. Lulan kami ngayon ng kanyang kotse at tinatahak ang daan pauwi ng condo. Walang nag lakas loob na mag salita sa loob ng sasakyan. pakiramdam ko nga ay tila na bibingi na ako sa aming katahimikan.   Minabuti ko nalang na wag umimik dahil hindi ko alam kung dapat bang pag usapan ang nangyari kanina. Ramdam ko pa rin ang hindi mapaliwanag na saya dahil sa ginawa nito. Pero alam kong sinusuyo lang ako nito dahil galit ako kanina. Kung totousin nga ay hindi na nya dapat dinawa iyon. Isang sorry lang mula sa kanya ay bibigay na ako. Pero yung kanina, Promise subrang kilig ang naramdaman ko. Hahaha, lumalabas ang pag ka bading ko. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa mga tanawin sa labas kahit wala namang magagandang nakikita. Ilang sandali pa ay nilamon na ako nang kadiliman.   "Herald, we're here." Paggising sa akin ni Ross. "Are you OK?" nag-aalalang tanong nito.   "Ok lang ako." Sagot ko at binuksan ang pinto ng sasakyan upang makababa na ako. Ganun din ang ginawa nya.   Sabay kaming naglakad patungong Lobby ng Building. Narinig kong binati kami ng guard. Tanging kaway lang naman ang sinagot ni Ross. Narating namin ang elevator nang walang imikan. Bakit ba nagkakahiyaan pa kami. Haist na iilang na ako ha!   "Sorry again kanina, nabigla lang ako. Hope di kana galit." Pag babasag ni Ross ng katahimikan.   Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya. "wala yun. Ganun naman talaga yung mag kaibigan diba, paminsan minsan nag kakasamaan ng loob." Sagot ko sa kanya. Ayaw kong mag bigay ng impresyon na galit parin ako o nagtatampo pa rin ako sa kanya.   " Alam ko na nahihirapan ka pa rin na mag adjust para magmukhang may relasyon tayo, kaya dapat ako din mag adjust. Ako ang may gusto nito kaya dapat mag effort din ako. Sorry." Litanya ni Ross na humaplos sa puso ko. Ramdam ko kasi ang sinsiridad ng kanyang sinasabi.   "Bawi bawi na lang pag may Time, Ross, hehehe"   Muling bumalot ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ewan ko ba. Parang may lambol nanaman sa loob ng aking dibdib. Nagulat nalang ako nang akbayan ako ni Ross at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.   Halos hindi na ako huminga upang makuntrol lang ang sarili ko. hindi ko makayanan ang ganitong eksena. Naku Ross naman, Di ka alam kung lasing lang o nananadya lang ang lukong to eh. Bakit ba ang landi nito ngayon. Ito yata ang epekto na ininum nya kanina. Hanggang sa makarating na kami sa aming unit.   Umayos si Ross nang tayo dahil ako ang nagbukas nang pinto. Di ko pala nasabing siya pala ang may dala ng bag ko. Ok lang naman magaan naman yun. No big deal sa kanya yun, malaki naman ang katawan niya. (Teka bakit ba sa katawan tayo na punta? Naku Herald napaka "L" mo.)   Edi yun nga ako ang nag bukas ng pinto. Hindi pa man kami lubusang nakapasok ay bumungad na sa amin ang isang malaking maleta at ang taong dahilan kung bakit kamio tila nag babahay bahayan sa condong ito ni Ross. Walang iba kundi ang dakilang mama niya.   "Saan ba kayong dalawa nanggaling ha? Kanina pa ako dito." Maoturidad na tanong na mama ni Ross. Yung kaninang kilig na nararamdaman ko ay napalitan nang kaba. Nilingon ko si Ross at napansin kong nagulat din ito. Saglit lang iyon dahil kita kong pilit na pinakakalma nito ang sarili.   "Why are you here Ma?" Walang ganang tanong ni Ross sa ina.   "Is that the proper way to greet your Mom, young man?" tila yamot na wika ng mama niya. Pansin kong pareho silang wala sa ayos ang matres ay nag isip na ako nang eksena. Baka kungf saan pa kasi mapunta. grabe lang kasi ang tataas ata nang ere ng dalawang ito. Itong si Ross ni hindi man lang nagpakita nang pagka miss sa ina. Mukhang ok na naman sila nang huli naming pag kikita ah. anu bang nangyari?   "Good evening po tita. Sorry po sinundo po kasi ako ni Ross. Kumain na po ba kayo?" Drama na kung drama. Sabihin nang plastic pero kailangan itong gawin. Pinilit ko nalang kumilos nang natural.   Narahan akong tinignan ng mama ni Ross. Bahagya itong ngumiti. " Don't worry hijo, kumain na akjo ba pa pumunta dito." wika nito.   " Whats with that?" may halong inis na tanong ni Ross na kakaturo sa maleta.   "Oh, nag papinta kasi ako ng bahay, alam mo naman na hindi pwede sa akin ang amoy ng pintura kaya dito na lang muna ako. Ok lng naman yun kay Herald diba Hijo?" sabay baling sa akin.   "Naku wala pong kaso yun, akin na po yang maleta at nang ma ipasok na po natin sa kwarto." magalang na prisinta ko.   Dali dali kong kinuha ang maleta at dinala sa guest room. buti na lang at naka pag linis  ako nang bahay at nakapag palit ako ng bedings. Teka, kung dito sa guest room matutulog si tita, eh san ako matutulog? wag nyong sabihing magsasama kami ni Ross sa kwarto! HINDI!!!!!!!!! Sigaw ng isip ko. "Naku kung maka hindi wagas pero gusto mo naman." panunukso ng isang parte nang isip ko. Sige na nga lang bahala na nito si batman at superman.   Ross POV   "Bakit di mo man lang ako inabisohan ma na pup0unta ka dito? Naiinis kong tanong kay mama. alam kong may kung anu nanamang pinaplanu ito. kung kaya siya naririto.   "Bakit kung tinatawagan naman kita hindi ka naman sumasagot ah." May halong panunumbat na sagot nmi mama." At saka, ilang linggo na ba kitang hindi nakikita? ni hindio mo nga ako kinakamusta sa bahay."   "You know why I'm avoiding you."   Nandito kami ngayon sa sala. si mama ay prenteng naka upo sa pang isahang upuan saman talang ako ay nasa glass window nakatayo. Naiirita ako dahil hindi ko inaasahan na gagawin ito ni mama. sinong loko ang maniniwala sa kanya? Isang part owner ng hotel chain makikisiksik sa condo ng anak. Alam kong may niluluto talaga itong kalokohan. Buti na lang at nag kaayos kami kaagad ni Herald kung hindi malaking problema ito para sa akin.   "How long will you stay here by the way?" Tanong ko kay mama.   "Saglit lang ako dito, anak. One week lang. Enough na yun para mawala ang amoy na pintura sa bahay." May lambing na sagot ni mama.   "What Ma? One week! Are you Kidding me?" Di makap[aniwalang bulalas ko.   "Aba Ross, Kung maka reach ka diyan akala mo naman hindi mo ako nanay. Sabihin mo kong ayaw ma ako dito at maghahanap ako nang matutuloyan!"   "Hindi naman ma sa ganun, pero pareho kaming may trabaho ni Herald, walang kang makakasama dito." Pagpapaliwanag ko sa kanya. kahit papano kailangan ko pa rin namang alohin siya dahil baka biglang magtampo sa akin, mahirap na.   "Anu naman, dito parin naman kayo umuuwi diba. Saka kaya ko naman ang sarili ko." Dipensa ni mama.   Napabuntong hininga nalang ako. alam ko naman na wala akong magagawa dahil buo na ang disisyon nitong dito manatili. Pero one week? makakasurvive ba kami nito nang kasama siya?   Speaking of Herald, nasa guest room siya ngayon at inaayos ang tutulogan ni mama. Panu kaya yan, ibig palang sabihin nito ay magkakasama kami ni Herald sa iisang kwarto. Napa iling nalang ako. wala namang dapat kasing ikabahala dahil pareho na man kaming lalaki. "Baka nakalimutan mong bading si Herald, Ross" Pag uusig na utak ko sa sarili.   "Infareness naman ha, mas ok palang nandidito si Herald sa unit mo. Naging malinis ang bahay mo. Di tulad noon na magulo." Dinig kung komento ni mama. Binaling ko ang sarili ko sa kinaroroonan niya. napailing nalang ako nang makitang iniikot na pala ang buong kabahayan.   "Tita, ok na po yong guest room." Biglang sulpot ni Herald mula sa pintoan ng guest room.   "Oh good, Papanu mauna na ako matulog. late na kasi eh. Good night." Dali daling tinungo ni mama ang kwarto at isinara ang pinto. Naiwan kaming dalawa ni herald sa sala.   Ross' mother POV   Nagtataka siguro kayo kung bakit ko naisipang dito tumuloy sa condo nang anak ko no? Well yung totoo eh wala naman akong paki alam kung sino o anu pa man ang makarelasyon ng anak ko. Nakikita naman na mabuting tao si Herald. Kahit papanu eh pansin kong naaalagaan niya si Ross nang maayos. Kaya lang eh parang may kulang sa kanilang dalawa. Kung kaya nagdisisyon akong mag stay dito nang isang linggo upang alamin kung anu ang kulang sa kanila. hindi kasi convincing ang pinapakita nilang dalawa.   Epic nga ang mga mukha ng dalawa kanina nang makita ako pag bukas nang pinto. hahahaha. Ayaw pa akong paniwalaan na anak ko. buti na lang at alam ko ang kahinaan niya. Pero totoong nag papinta ako nang bahay pero hindi naman iyon kalakihang bahagi. Gusto ko lang makasiguro eh.   Kahit papaano ay nakaka abot sa akin ang mga kalokohan ng akin anak. di ko tinatangging na lagay ako nang m,ata na mag babantay sa mga whereabouts ng anak ko. Lalo na nitong nakalipas na dalawang buwan.   Anu man ang tinatago nang dalawa sa akin ay titiyakin kong malalaman ko. Malakas ang pakiramdam kong may hindi tama sa kanilang dalawa. May chemistry sila Oo, pero hindi may something eh. kung anu man yung something na yun, yun ang aalamin ko. Sa ngayon, natutulog na muna ako. hahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD