Herald POV
This will be a very long night. Ito kaagad ang pumasok sa aking isipan. Kahit sa bihain na sa iisang bahay lang kami nakatira ni Ross ay never pa kaming natulog sa iisang silid. Hindi ko alam kung anu ang mangyayari ngayong nandidito ang mama nya.
" Ikaw na ang matulog sa kama, sa sofa na lang ako." wika ni Ross nang makapasok kami sa kanyang silid. tinungo niya ang isang closet nya at mula roon ay nilabas niya ang isang kumot at tinungo ang kinaroroonan ng sofa.
"Oy, sure ka? Nakakahiya naman, ako nalang jan. ikaw na sa kama baka mahirapan kang makatulog." Pagtanggi ko. Kahit papanu ay may hiya parin naman ako. Kaya kmatulog sa kahit saan dahil di naman ako mayaman upang mag inarte. Siya ang inaalala ko. Baka di siya sanay sa higaan. Tutungo na sana ako sa sofa nang iharang nya ang kanyang mga kamay sa akin.
"Anu ka ba, ako na dito. Ok lang ako promise." Bahagya niya akong itinulag papuntang kama. nagpatianod nalang ako." Alam ko na mas pagod ka kesa sa akin kaya dapat komportable ka sa pag tulog." nalumanay na wika nito.
Hindi nalang ako nag komento pa dahil alam ko namang wala na akong magagawa. Inayos ko na lamang ang higaan upang makapag pahinga na rin.
Maya maya pa ay nakita kong tinungo ni Ross ang banyo. Marahil ay maliuligo ito upang maginhawahan ang sarili. Naiwan akong nagmamasid sa kabuuhan ng silid. Palaisipan parin sa akin kung anu ang layunin nang pag punta nang mama ni Ross dito. Nakaka amoy na ba ito na nagkukunwari lang kami? Anu kayang balak ngayon ni Ross? Nakakagulo sa ulo talaga.
Napasinghap ako nang makitang lumabas si Ross sa banyo na tanging sando at boxer short lamang ang suot. Bakat ang magandang hubog nang katawan nito sa suot. bukas naman ang aircon pero tila pakiramdam ko ay mainit. bakit ba kasi ito nag suot nang ganito. Hindi ba nito na isip na kahit papanu ay bading parin ako. Kinikilig sa kunting gesture, nag iinit sa kunting pagpapakita nang laman. (anu daw? landi mo din nuh!)
Kasalukuyang nagpapatuyo si Ross ng buhok gamit ang twalya. ako naman ay di mawari ang gagawin dahil sa nakikita. Kung kaya upang maiwasan ang kung anu mang kalaswaang naiisip ko, napag pasyahan ko na lang na pumasok sa banyo upang maka ligo na rin.
Patungo na ako sa banyo nang maalala kong wala pa ang mga damit ko dito kundi sa kabilang kwarto. Napatigil ako at muling humarap kay Ross.
"Ah, Ross yung gamit ko pala nasa kabila panu yan?" Nag aalalang tanong ko.
"Wag mo nang problemahin yun." aniya at tinungo ang closet kung saan nakalagay ang mga damit niya. Nakita kung kumuha ito nang isang damit at boxer short. "Ito oh, gamitin mo muna, Diko pa yan nagagamit kaya ok lang." Sabay abot mang mga damit na pinapagamit niya.
Pag ka kuha ko ng mga damit ay agad akong pumasok sa banyo. Ramdam ko ang awkwardness sa aming dalawa. Pero may isang parte nang puso ko ang na diriwang. Ewan ko. kailangan ko na sigurong magsimulang mag bilang ng tupa upang agad na makatulog mamaya.
Ross POV
Aminado akong nakakaramdam ako nang awkwardness sa pagitan naming dalawa ni Herald. Gusto ko mang lusawin iyon ay hindi ko alam ang dapat gagawin. Hindi ko napag handaan ang bagay na ito. Kahit papanu ay Bading parin si Herald at Lalaki ako. Nakikita ko kaninang tila naiilang siya sa akin.
Aaminin kong may bahagi nang pagkatao kong natutuwa sa nangyayari. Iniisip ko kasing ito ang pagkakataong makakapag lapit kaming dalawa at magagampanan namin ang pagpapanggap naming dalawa.
Maya maya pa ay lumabas na nang banyo si Herald suot ang pinahiram kong damit. Napangiti ako dahil tila parang nahihiya pa itong lumabas na pinto dahil marahil sa hindi ito sanay na mag suot ng sando at boxer, pero ang cute nyang tignan. hahaha( Seriously Dude? Cute?)
Masasabing kakaiba ang bubog nang katawan ni Herald. Tamang tama lang ang build up nito at nasa tamang pusisyon ang mga muscles nito. Kung tutuosin nga ay parang pambabae ang katawan nito. Kahit sa malayuan ay makikitang alagang alaga ito sa katawan.
Dumeretso na ito sa kama samantalang ako ay nakapwesto na ako sa sofa. Alam ko kasing pagod na ito at kailangan niya nang maayos na higaan kung kaya ,inarapat ko nang matulog na lang sa sofa kahit hindi ako sanay. This will be the first time.
Akmang papatayin ko na ang ilaw nang magsalita si Herald.
"Tabi nalang tayo Ross." Rinig kong sibi ni Herald. Hindi ako kaagad naka sagot. Tinignan ko siyang tila nangungusap kunmg tama ba ang dinig ko.
"Wag ka nang mag-isip diyan at pumunta ka nalang dito." Nakangiting wika nito. Ako pa ba naman ang aayaw? Syempre ayo ko din namang matulog sa sofa kaya.
Agad akong tumayo at lumipat sa kama. Umayos naman siya nang higa upang magkaroon ako nang space. Malaki naman ang kama ko kaya maluwang ito para sa dalawang tao. Tinignan ko siya upang makita ang expression ng kanyang mata.
"Oh bakit mo ako tinitignan?" usisa nito sa akin. Umiling nalang ako at nakangiting humiga.
"Papatayin na ba nati ang ilaw?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw, baka di ka sanay matulog na may ilaw?" Sagot naman niya.
"Iwan nalang nating nakabukas yung isang lamp shade para kahit papanu may liwanag." At umayos na kami nang higa.
Nasa magkabilang sulok kami nang kama. Magkaharap sa isat isa nagtititigan. Para kaming mga ewan. Napangiti ako sa naisip.
"Bat ka ngingiti ngiti jan?" takang tanong niya.
"Wala naman. Naisip ko lang na Isang linggo din tayong magtatabi pala."
"Meaning nandidito yung mama mo ng isang linggo? " bigla siyang napaupo. Di niya ata inaasahan na magtatagal si mama dito nang isang linggo.
"Yup. Bakit parang na bigla ka? Ok kana naman kay mama ah. " nakangising biro ko.
"Nakakatakot kaya yung mama mo. Kanina nga eh, kala ko mag sasagutan pa kayo. " Parang batang nagrereklamo ang itsura ni Herald. Di ko alam kung nag papaka inosente lang siya o sadyang natural lang sa kanya ang ganung reaksyon. Isang bagay na masasabing nagustuhan ko sa kanya bilang isang kaibigan syempre. "Matulog na tayo at maaga pa ako bukas. Saka alam kong pagud kana."
Bumalik si Herald sa pag kakahiga. Muli kaming nagkakatitigan. Maya maya pa ay nagsara na ang mata nya. Bago paman siya tuloyang maka tulog ay nagbitiw pa siya ng mga salita.
"Goodnight babe. " aniya na tila humaplos sa aking puso nang aking madinig. At tuloyan na itong nakatulog.
Kanina pa nakatulog si Herald ngunit ako ni ayaw dapuan ng antok. Tila kasi namamagnet ang mata ko na pagmasdan ang natutulog na katabi ko. Hindi naman ito malikot matulog. Ilang beses palang nga ito gumalaw.
Kung tutuusin malaki na ang pinagbago ni Herald. Nakapag adopt na ito sa buhay dito sa kamaynilaan. Maging ang pananamit nito at pananalita ay nabago na din. Sibalit nananatili parin ang pagiging maalalahanin at pag ka inosente nito. Nakaharap parin ito sa akin habang natutulog. Naalala ko nanaman yung nangyari kanina sa bar. Alam kong nagkukunwari lang kami pero kailangan naming magmukhang kapanipaniwala sa lahat. Kung kaya nagpasya na nga akong bumawi sa kanya. At bukas, magsisimula na ako.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Humarap ako sa kisame at muling nag isip nang mga nangyari sa akin. Mula sa pangyayaring iyon, yung planu ni mama at ang pagtatagpo namin ni Herald. Sino ba namang makapagsasabing ang mahiyaing probinsyanong nakilala ko sa Pampangga ay heto at katabi ko nagpapanggap na lover ko.
Muli akong humarap kay Herald na ngayoy himbing nang natutulog. Medyo na ka uwang ang bibig. Sa di malamang dahilan napatitig ako sa kanyang bibig. Mapupula ang kanyang bibig para talagang pambabae. Napailing ako nang mabilis. Damn, what's happening to me? Hindi ako dapat nakakaramdam nito. Pinagmasdan ko muli ang kabuohan nang kanyang mukha. Hindi ko mapigilan eh. Nakakarelax tignan, hahaha(yuck so gay).
Kahit anu man, nagpapasalamat ako na nakilala ko si Herald. Sa sitwasyon ko ngayon, tanging siya lang ang lubos na nakatulong sa akin. Magaan siya sa loob. Kahit sa bihing totoong bading siya at ako bilang lalaki ay hindi ako nakaramdam ng pag ka ilang na makasama siya. Ni hindi ko nga nakirang pinag iinteresan niya ako. Marahil siya ang pinadalang Guardian Angel para sa akin. Gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil sa naisip. Talagang nag papasalamat ako na sa loob nang aming pagsasama, nagkukunwari man kami at nagkakaroon ng di pagkakaintindihan, nananatili parin siyang nasa tabi ko. Pinaninindigan ang pangkong tutulongan ako. Sa ngayon ang kailangan kong gawin ay maging masaya dahil di ako nag-iisa. Dapat ay hayaan ko nalang muna ang sarili na magpatianud saga nangyayari. I need to grab every moment with Herald. Dahil di ko alam kung hanggang kelan aabutin amg palabas na inumpisahan namin.
Tumingin ako sa orasan naka patong sa side table. Pasado na alas dose. Naririnig ko na ang mahinang hilik ni Herald. Mabuti pa siya nakatulog kaagad. Alam ba nyang siya ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog? Pinagpasdan ko ulit ang tulog na katabi. Yung agwat sa pagitan namin ay medyo malapit na. Kusang gumalaw ang aking kamay at inabot ang isa niyang braso
Dahan dahan ko siyang hinila papunta sa akin. Iniunan ko ang isa kong braso sa kanyang ulo. Nagtataka man ang isip ay niyakap ko si Herald. Pinikit ko ang aking mata. Nanunuot sa aking ilong ang mabangong amoy galing sakanya. Inaamin ko, masarap sa pakiramdam ang mayakap siya. Dumaan pa ang sandali at nakaramdam na ako ng antok. Nilamon na nang kadiliman ang aking diwa. Nakatulog ako nang yakap yakap ang taong nagiging dahilan nang pagtalo nang isip at puso ko.
Herald POV
Hindi ako maka pag concentrate sa pagluluto nang almusal. Sinong hindi mawawala sa katinuan kung ang bagay na bumungad sa iyo ay mukha nang taong nagpapabilis ng t***k ng puso mo. Idagdag pa ang eksenang magkayakap kayo. Oh san ka nun dba. Hindi ko yun kinaya. Parang gustong lumabas ng puso ko literally.
Napa iling ako upang mawaksi sa aking isipan ang tagpong yun. (kung makaarte kala mo naman hindi siya natuwa. Kinilig ka nga eh.) Oo na kinilig ako kanina. Yung tipong unlimited mong mapagmamasdan ng malapitan ang mukha ni Ross.
Hindi ko talaga expected na mahahantong kami sa ganun. Oo inaya ko siyang sa kama nalang din siya matulog dahil nakokonsensya ako. Ayaw kong maakusahang walang puso. Isa pa ay malapad naman ang kama. Pero yung kanina, parang super kitid ng kama dahil para kaming takot maholog sa sahig. Ang alam ko kasi nasa magkabilang dulo kami ng kama. Paanong nangyari na magkayakap na kami paggising ko. Take note, naka unan paako sa bisig niya. Alam kong magjowa ang drama namin pero konyari lang naman yun. Baka sabihin ni Ross tini take advantage ko na siya.
"hijo yang niluluto mo masusunog na ata! " napabalik ako sa wisyo dahil sa boses ng mama ni Ross. Mabilis kong inayos ang aking sarili. Kanina pa ba siya gising?
"Go-good morning po tita. " nauutal pa ako. " gusto nyo po ba nang coffee? "
"It's alright, I can manage. " Sabi nito at dumeretso sa lagayan ng tasa at kumuha nang coffee sa coffee brewer. Ako naman ay binalik ang atensyon sa pagluluto. Ramdam kong nakatingin sa akin ang mama ni Ross. Pilit kong binalewala ang kanyang presensya upang maging maayos ang aking pagkilos. Nabalot ng katahimikan ang tagpong yaon.
"Kumakain na ba ng almusal si Ross? " May halong pagtatakang tanong ni tita. (tita na close na rin naman kayo!) "Alam mo bang di yan kumakain ng agahan nang nasa bahay pa siya. "
"Hindi ko na din po kasi natanong noon. Basta po nagluluto nalang ako , e kinakain naman nya kaya nag expect nalang ako na sadyang kumakain siya ng agahan." nagalang na sagot ka kay tita. Naramdaman kong unti unti nang kumakalma ang sarili ko. kahit papanu ay ramdam kong bukal sa loob ni tita ang makipag usap sa akin.
"Kung sabagay, kahit ako din naman ay naninimago sa kanya." Napansin kong humugot nang malalim na hininga si tita. Maya maya pay inaya ko na siyang mag almusal na sinang ayunan niya naman. Hindi ko alam kung anung oras lalabas si Ross pero pinagwalang bahala ko na lang iyon dahil alam ko namang lalabas din ito. At hindi nga ako nagkamali.
Napakunot ang noo ko nang mapansing hindi itonaklabihis at halatang kakagising lang nito. Kinukusot nito ang kanyang mata habang papalapit sa lamesa. Ang sexy nya tignan nakaka dagdag nang attraction ko sa kanya.
"Hindi ka ba papasok anak?" tanong ng kanyang mama. Ako naman ay tumayo upang kumuha nang tasa at nilagyan nang kape. Automatic na kasi sa katawan ko ang ganung galaw. sa loob ng ilang buwang pagsasama namin at na sanay na ako sa pag- aalaga sa kanya at sa buong bahay.
Napagitla ako nang walang anu anu ay mula sa likad ay may kamay na yumakap sa aking bewang. Hindi ko naman dapat pang alamin kung sinu iyon dahil sa amoy palang ay alam ko nang si Ross iyon. Inihilig pa nito ang kayang ulo sa aking balikat. Ramdam ko ang milyong milyong boltahe na dumaloy sa aking katawan nang mga sandaling yun. Feeling ko ay nag iinit ang aking mukha. Sinabayan ito nang pag dagundong nang aking puso. Ross anu ba tong palabas na ginagawa mo, Please tigil mo baka madala ako huhuhu.
"Goodmorning Babe." rinig kong bati niya. Pinilit kong maging normal ang reaction pero sadyang di kinaya nang powers ko lalo pat nang nilingon ko siya ay nakita kong papalapit ang mukha niya sa mukha ko. AHHHHH! Anung gagawin nya? Parang nag slow motion ang paligid kung kaya napapikit nalang ako habang dahan dahan siyang lumapit at namalayan ko nalang na naglapat ang kanyang labi sa aking labi. BOOM! BOOM! BOOM! Pakiramdam ko ay may nagpuputukang fireworks sa paligid. Ayaw kong isipin na ginagawa lang ni Ross ito dahil nakatingin ang mama niya. Ayaw kong isiping palabas lang ito dahil gusto kong tumatak ito sa isip ko nang may magandang impresyon. First Kiss ko yon eh, bawal epal.