Ross POV
"Kanina ko pa sila kausap eh, Napagbigyan ko na rin naman sila. Siguro naman hindi naman sila magagalit kung..."
"ikaw naman ang bigyan ko nang oras."
Kumunot ang noo ni Herald nang marin ig ang sinabi ko. Kahit nga rin ako eh, nabigla din. Ewan ko nga kung bakit yun ang lumabas sa aking bibig. " Gust nababading ata ako sakanya." nasabi ko sa sarili. " Shut up! Hindi ka bading, Friendly ka lang." saway nang kabilang parte ng isip ko.
Nang iwan kami ni Herald kanina ay nag kwentohan kami nang konte ni kagawad kasama ang iba pa naming kainuman. Nakailang tagay na rin ako at kahit mataas ang tolerance ko sa alak ay medyo natatamaan na ako. Sino ba namang hindi kung ang mga kainuman mo ay barang tubig lang ang pakiramdam sa TANDUAY Rhum. Kung kaya kahit nahihiya ako ay nagpaalam na ako kina kagawad na pupuntahan ko si Herald.
Nakita ko siyang nakaupo sa upuan sa tapat ng bahay ni kagawad habang nakatingin sa mga batang naglalaro sa daan. Pinagmasdan ko lang siya buhat sa kinatatayuan ko. Hindi ko mawari sa sarili ko kung anu bang meron sa kanya at parang gusto ko siyang makilala. There is sometime on him, is it the eyes or the smile? Hindi ko na alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. siguro naaawa lang ako sa kanya. Kahit papaano ay na pag usapan din kasi namin yung tungkol sa kanya sa inuman. Ikaw ba mawalan ng ina na buong buhay mong kumalinga sayo.
Lumapit ako sa kanya dahil nang unti unti umiyak. Pakiramdam ko ay nadarama ko ang sakit na nararamdaman nya. He's trying to be strong yet it isn't enough. Inabot ko ang panyo na mula sa bulsa ko. Naugalian ko na kasi iyong gawin ang magdala ng extrang panyo sa bulsa.
Umupo ako sa tabi nya at sinamahan siyang panuorin ang mga batang nag tatawanan habang naglalaro.
"Sorry ha, nakakahiya man aminin pero iyakin talaga ako eh" Pagbabasag nito sa katahimikan.
"Anu ka ba naman, walang nakakahiya sa ginawa mo. Natural lang naman ang umiyak.Lalo na kung may nararamdaman ka dyan sa loob." Sagot ko sakanya habang tinuturo ang dibdib nito.
Tinugunan nya ako ng isang ngiti. Ngiting napakalunkot. Agad ko naman syang nginitian na para bang sinasabing magiging OK din ang lahat.
"Mga Kuya Herald, sali kayo sa amin, maglalaro kami ng patintero." Wika nang isang bata na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa amin. " Sige na kuya, dati naman sumasali ka sa amin eh."
Tinignan ako ni Herald na animoy nag tatanong kung ayos lang sa akin ang maglaro nang pambatang laro. Kaya naman tumayo ako at hinila siya papunta sa mga bata na agad namang nag hiyawan nang makarating kami.
"Kuya Herald magkakampi tayo tapos ikaw kuyang pogi sila kakampi mo." Pagpapaliwanag ng batang nag aya sa amin.Na sinang ayunan naman naming dalawa.
"Oh mga kuya mag jack en poy na kayo para malaman na kung sinu yung taya."
At yun nga. Natatawa ako sa totoo lng masaya ako. Matagal na rin nang naramdaman ko itong ganitong kasayahan. Medyo nakalimutan ko na nga kung anu yung mga ginagamit na sign kung nag ja jack en poy hehehe. at dahil sa hindi nga ako naka pag handa e talo ako kaya ang grupo ko ang taya. Nasisi pa ako nang mga bata tuloy. Sina Herald naman ay nagtatataloy habang nag sisigawan.
Sa unang pagkakataon nakita ko si Herald na tumatawa na walang halong lungkot. Para akong tanga na naka tingin lang sa kanya habang tinitignan siya. Napabalik nalang ako sa sarili nang kinalabit ako nang mga kakampi ko upang pumesto na .
Heralds POV
Nakalimutan ko kahit sandali ang pag eemo ko. Salamat sa mga batang ito na nagpapasaya sa akin. Kahit dati pa naman ay naglalaro na ako sa kanila. Ang ikinagulat ko lang ay yung pati si Ross ay napasali nila.
Halatang naninimago siya marahil ay ito ang una nitong pagkakataon na maglaro sa gitna nang daan. Para nga siyang ewan lalo na kung pinagsasabihan siya nang mga kasama niya kung anu ang gagawin. hehehe Umu oo lang siya sa lahat nang sinasabi ng mga kasama. Ang ending ng laro? Talo sila. Pero halata namang na enjoy nya ang laro kahit na kinakantyawan siya nang mga bata. Hindi ko tuloy mapigilang tumawa.
Nandito kami ngayun sa plaza. Nagyaya kasi ang mga batang pumunta doon. Dahil mukhang game talaga si Ross dahil sa nakikipaghabulan pa ito sa kanila samantalang ako ay nakasunod lang sa kanila. Pawisan na si Ross pero parang bata itong walang kapaguran. Nagulat nalang ako nang nag paikot-ikot sila sa akin habang hinahabol siya nang mga bata.
Pagdating namain sa plaza ay umupo ako sa isang bench. Mayamaya pay lumapit na si Ross. Napagun na siguro dahil humihingal na ito. Pawisan parin ito.
"Tama na yang pakikipag laro mo ROss, basa na yung damit mo oh." Sabi ko nang makalapit na ito sa akin.
"Ok lang naman. Saya nga nilang kalaro. Sa totoo lang ngayon lang ako ulit nag laro nang ganito." Tugon niya. At huminga ito nang pagkalalim lalim.
" Lalim ah. Baka hindi ka na nyan maka akyat pag nahulog ka jan." Biro ko sa kanya ay tinugonan lang niya ako nang ngiti.
" Minsan ba pinangarap mo bang sana bata ka nalang palagi?" Tanong niya habang dahan dahan itong umupo sa tabi ko. " Yung bang wala ka nang iisipin kundi maglaro na lang."
"Minsan, naisip ko din yan." Sagot ko sa kanya sabay tingin sa mga batang iniwan ni Ross na patuloy paring naglalaro. " Naisip ko rin na kung mananatili akong bata, hindi ko kaylangan problemahin yung mga mabibigat na mga bagay."
"Yung iisipin mo nalang eh, yong kakainin mo at lalaruin mo lang" Dugtong niya.
"Pero sa kabila nun, idinasal ko parin na sana mabilis akong lumaki, alam mo ba kung bakit?" Tumingin ako sa kanya at tumingin din siya sa akin na tipong nagtatanong. "Dahil nakikita kong napapagud na ang nanay ko." Nginitian ko siya." Pakiramdam ko kasi nakakadagdag ako nang hirap nya. Kung kaya nagdadasal akong sana ay lumaki na ako agad para ako naman ang kumalong ng mga problema at makapagpahinga naman siya."
"Hindi mo naman kailangang kalungin lahat eh. Sa tingin mo ba gusto nila yung makitang nahihirapan ang anak nila?" Naiiyak ako sa totoo lang pero pinipigilan ko.
"Ikaw, Anu bang tunay na dahilan at napadpad ka dito?" Tanong ko sa kanya. At Bumuntong hininga naman siya at tumingala.
"My mother wants me to marry girl I don't love."Nalumanay nyang sabi. "Wala sa planu kong pumunta dito pero sa tingin ko ginawa ito nang pagkakataon para makapag-isip isip ako."
"Wow, grabe naman. Uso pa pala yung pilitan?" sagot ko. Para kasing sa mga tele serye ko lang yun nakikita. Hindi ko akalaing sa totong buhay ay may nagyayari din pala.
"Kaya kailangan kong maka isip nang madadahilan sa mama ko para hindi nya iyon ituloy. One Valid reason lng ang kailangan ko at makakatakas ako sa kagustuhan ni mama." Kitang kita sa mata nito na seryoso siya sa sinasabi.
"Kung may maitutulong ako sabihin mo lang." Sabi ko naman. Kahit na ngayun lang kami nag kasama ay ramdam ko talagang gusto ko siyang tulongan.
Ross POV
"Kung may maitutulong ako sabihin mo lang." Puno nang sinseridad niyang sabi. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko akalaing handa parin siyang tumulong sa iba kahit na may pinagdadaanan pa ito. "ganito ba talaga siya?" Tanong ko sa sarili.
Sa hindi malamang dahilan may biglang sumingit sa aking isipan. Hindi ko alan kung bakit pero umalingawngaw ito sa isipan ko.
"What if sabihin mo sa mama mong BADING KA? At hindi ka sang ayon sa gusto nya dahil may boyfriend ka na mahal na mahal mo."