bc

ESCAPING THE RUTHLESS MAFIA KING

book_age16+
651
FOLLOW
2.3K
READ
dark
love-triangle
HE
opposites attract
mafia
mystery
loser
like
intro-logo
Blurb

Nang magising si Kylie, ang naalala lang niya ay ang taong nagpatumba sa kanya. Nakatakas siya at nakita ang isang napakagandang lalaki sa monasteryo na nakalimutan ang kanyang pitaka. Kinabukasan ng umaga, bumalik siya sa apartment para magbayad ng renta ngunit hinabol siya ng lalaking inaakala niyang pagkatapos ng kanyang buhay. Nakatakas siya sa pamamagitan ng pagtatago sa trunk ng van. Nagkataon na pagmamay-ari ito ni Richard, ang may-ari ng wallet.

Ngunit sa likod ng kanyang guwapong mukha, itinatago ang malupit na hari ng Mafia na ginawa ang kanyang buhay na isang buhay na impiyerno sa pamamagitan ng paggawa sa kanya ng isang s*x slave at paglilibing sa kanya ng buhay. Nang bumalik ang kanyang alaala sa tulong ni Kevin, ang kanyang kasintahang inakala niyang pagkatapos ng kanyang buhay, nangako siyang ipaghihiganti ang Mafia King na labis niyang kinaiinisan.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Nakahandusay si Kylie sa lupa at walang malay matapos siyang suntukin sa tyan ng isang lalaki at kinaladkad sa isang lumang apartment. Nang mataman ang kanyang mukha ng sinag ng araw, unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tumingin siya sa kanyang paligid at hindi niya nakita ang lalaking kumidnap sa kanya. Subalit nagkaroon siya ng memory loss at nakalimutan niya ang kanyang nakaraan maliban sa kanyang pangalan. "Kailangan ko na talagang umalis sa lugar na ito. Kailangan kong bumangon bago niya ako patayin!" nanginginig na sabi ni Kylie. Dahan-dahan niyang iniyapak ang kanyang mga paa at binuksan ang pinto para tingnan ang paligid. Damn! Ang lalaking kumidnap sa kanya ay nasa pintuan ng hindi kalayuan at may hawak siyang baril. Sa bingit ng takot, isinara ni Kylie ang pinto, binuksan ang bintana, at tumalon mula roon. Sa kabutihang palad, nahulog siya sa trak ng basura at walang nakitang gasgas sa katawan. Bukod rito ay hindi siya napansin ng driver. Nang maglaon, nakita niya ang isang lumang monasteryo na pamilyar sa kanya. "Sandali lang. Bakit parang pamilyar sa akin ang lugar na ito? Sa pakiwari ko ay nagpunta na ako dito dati. Marahil ay ito ang huli kong pinuntahan bago mawala lahat ng memorya ko!" Huminto ang trak ng basura dahil sa traffic kaya bumaba si Kylie sa lumang monasteryo na nakayapak. Naglakad siya hanggang sa makarating siya sa harap ng isang estatwa ng santo, lumuhod sa kanyang mga tuhod, at pumikit para manalangin. "Pakiusap gabayan mo ako. Hindi ko alam kung sino ako. Ang natatandaan ko lang ay ang pangalan ko at ang mukha ng lalaking sumuntok sa tiyan ko at kinaladkad ako papunta sa apartment niya. Takot na takot ako pero alam ko na nasa panganib ang buhay ko. Alam kong sobra-sobra ang hinihiling ko pero sana bigyan mo ako ng milagro at ibalik ang alaala ko?" Sa gilid ng kanyang paningin, nakita ni Kylie ang isang napakagwapong lalaki na pumunta sa front seat para magdasal ng tahimik. Napalingon siya sa inosenteng itsura nito kaya muli siyang tumayo at pinunasan ang mga tuhod niya. Ngunit sa sandaling lumingon siya, ang lalaki ay biglang nawala na parang bula. Naramdaman niya ang sobrang bilis ng t***k ng puso niya at namutla ang mukha niya. "Ang lalaki na yon... sobra niyang pinabilis ang t***k ng puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Para bang malapit siya sa akin!" Pumunta siya sa upuan niya at nakita niya ang wallet ng binata at pagkain na nakapatong sa upuan. Agad niya itong kinuha at sinigawan ang lalaki upang ibalik ang naiwan niya. Sa kasamaang palad, hindi niya ito naabutan. Dumating na ang gabi at nanatili siya sa monasteryo at dala ng kanyang gutom, kinanin niya ang pagkain ng lalaki. Binuksan niya ang wallet nang lalaki at nakita niya ang malaking halaga ng pera nito pati na rin ang I.D niya na may address. "Richard pala ang pangalan niya- Napakagandang pangalan. Isa siyang gwapong lalaki na nakatira sa Azalea Village. Iniisip ko kung madalas ba siyang pumunta sa lumang monasteryo na ito. Ngunit ang katotohanan na siya ay may maraming pera ay nangangahulugan na siya ay isang mayaman!" Habang kumakain, biglang tumunog ang phone ni Kylie sa bulsa. "Hoy Kylie, saan ka nagpunta? Kailangan mong bumalik dito at magbayad ng renta mo!" Hindi na matandaan ni Kylie kung sino ang nag-text sa kanya at hindi niya namalayan na may selpon siya. Hindi niya pinansin ang text ngunit nakatanggap siya ng tawag mula sa numerong iyon at agad niya itong sinagot. "Where the hell are you? Sinusubukang mong tumakas sa lugar na ito nang hindi ako binabayaran!? Mayroon kang pang lakas ng loob na gawin iyon? Ang kapal naman ng pagmumukha mo, Kylie!" Bakas sa mukha ni Kylie ang pag-aalala habang sinusubukang alalahanin ang ilang mga bagay sa nakaraan ngunit walang epekto. Biglang napangiwi ang ginang sa telepono at ikinairita nito ang tenga ni Kylie "b***h! Ano bang meron sa sira-ulo mong utak at umalis ka sa lugar na ito nang hindi nagbabayad ng rent payment mo!? Nagtiwala ako sa'yo dahil naaawa ako sa'yo at ngayon ito ang makukuha ko?" Hininaan ni Kylie ang boses niya. "Pasensya na ma'am, wala akong maalala sa nakaraan. Pwede ko bang malaman kung sino ka?" Napabuntong-hininga ang matandang babae. "Stop pretending that you don't know me, yung dating umalis sa apartment ko ng hindi nagbabayad ay ginawa na rin niyan kaya hindi na gagana ang trick na yan. Kailangan mong pumunta dito para bayaran ang utang mo!" "Ngunit sinasabi ko sa iyo ang totoo, wala akong maalala sa aking nakaraan!" Sabi ni Kylie sa matigas na boses. "I apologized for acting this way pero hindi ako nagsisinungaling!" "Lockwood Village, Salcedo street. Villa Rosa Apartment. Iyan ang address!" "Magkano ang utang ko sa iyo?" tanong ni Kylie. "10,000 pesos kasama na ang buwis. Kung hindi ka pupunta para bayaran ako, hindi ako magdadalawang isip na isumbong ka sa Pulis. Naiintindihan ba iyon?" Sinubukan muli ni Kylie na umapela sa matandang babae. "Pero wala akong kahit isang sentimo sa aking bulsa, maaari mo ba akong bigyan ng mas maraming oras upang mabayaran ko ito?" "I take no excuses. May mga bills din akong babayaran kaya kailangan ko ng pera. Wala akong pakialam kung makuha mo ito sa mabuti o ilegal na paraan. I'll patiently wait until 10 p.m. tomorrow, walang extension!" "Teka, bigyan mo pa ako ng palugid para magbayad kung may utang man ako!" "Ayoko nang maulit. It's either magbabayad ka o mabulok ka sa kulungan habang buhay!" "May isang lalaki sa building na iyon na gustong k-" Bago pa matapos magsalita si Kylie ay ibinaba na ng babaeng may-ari ang tawag. "f**k! Napakasakit talaga sa ulo ng landlord na iyon. Saan ako kukuha ng pera pambayad sa kanya?" Tanong ni Kylie sa sarili habang nakatingin sa wallet na nakapatong sa mesa. "Sa tingin ko hindi ako napansin ng lalaking nawalan ng wallet. Siguro kailangan ko munang gamitin ang pera niya saka ko ibabalik kapag mayroon akong pagkakakitaan. Mukha naman siyang mabait at maiintindihah naman niya ako kapag nagpaliwanag ako eh." Napabuntong hininga si Kylie na nagdadalawang isip kung kukuhain ang pera ng wallet o hindi dahil inuusig siya ng kanyang konsesnya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

Cheers to Revenge

read
13.3K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
70.7K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
43.3K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook