Kumunot ang noo ni Kylie sa sinabi sa kanya ni Mark, "At sino naman ang tinutukoy mo? Wag mo sa akin sabihin na buhay talaga ang asawa ni Richard at darating siya rito para pahirapan din ako kagaya ng ginagawa ni Richard?" "No! I guarantee you na matagal ng patay ang asawa ni Richard at wala na siyang ibang mamahalin kundi ang naging asawa niya lang." "Kaya pala matindi ang galit niya sa akin dahil sa sinabi ko tungkol sa asawa niya!" "Totoo ang bagay na iyan, Kylie... so please pwede mong isumpa ang buong pagkatao ni Richard pero iset aside mo ang asawa niya!" "Ano ba ang dahilan ng pagkamatay ng asawa ni Richard?" tanong ni Kylie. "Well... si boss lang kasi ang pwedeng magsabi ng sagot sa tanong na yan. Isa lamang akong hamak na naninilbihan sa kanya. But if there is something that

