CHAPTER 5

1014 Words
Samantala, pumunta sa mansyon si Kevin, ang lalaking humahabol kay Kylie kasama ang kanyang naghihingalong ama na si Edgar para ihatid ang masamang balita. Pero humarang ang bodyguard ni Edgar. "Mr. Kevin, with all due respect, the President is resting. Can you wait for tomorrow morning para makausap siya?" "Sorry, this news can't wait any longer. I really need to deliver this one to him right now!" "At tungkol po ba ito saan? Sa nawawalang anak po ba ni Sir?" "Tama ka. Pero medyo pagod ako ngayon kaya gusto ko lang siyang makausap ng diretso. Tsaka sa pagkakaalam ko masyado itong personal para madamay ka dito!" Diretso ang tingin ng bodyguard sa kanyang mga mata. "Bagama't totoo na hindi ako pinapayagang malaman ang mga karagdagang detalye, hindi pa rin ako papayag na istorbohin mo ang kanyang pahinga. Kung gusto mo, maaari kang mag-iwan ng isang note at kapag nagising siya, hahayaan ko siyang basahin ang tungkol dito! " Itinulak ni Kevin ang malaking bodyguard at bahagyang nagtaas ng boses dahil sa pagkairita. "Sorry, I don't want to be rude but I'll take care of things. Go somewhere else or I will ask the president to fire you right this instant!" Tumayo ang bodyguard at humingi ng tawad. "Pasensya na sir, maari po kayong pumasok sa loob pero huwag niyo po akong subukang tanggalin sa trabaho, may pamilya po akong pinapakain!" "Hindi ako tanga para tanggalin ka. Gayunpaman, huwag mo nang subukang magdulot ng anumang problema!" "Sige po sir!" Pumasok si Kevin sa kwarto at nakita niya si Mr. Edgar na seryosong nakatingin sa kanya. Huminga siya ng malalim habang papalapit sa ama ng babaeng mahal niya. Umupo siya sa upuan at nagsimulang magsalita. "I am glad na gising ka na, Mr. President!" "Huwag kang mag-alala sa akin, ihatid mo lang ang masamang balita!" sabi ni G. Edgar. "I'm sorry sir. Muntik ko nang maibalik si Kylie pero nakatakas siya. Hindi raw niya kilala kung sino ako!" Nangunot ang noo ni Edgar sa pagkalito. "What are you talking about? Syempre alam niya kung sino ka!" "Well, after her heart transplant she started to act weird. I think she was not doing that on purpose!" "Siguro dahil nagdala ka ng baril, sinabi kong huwag mo siyang babawiin gamit ang dahas!" "Sorry sir, I resorted to a stupid plan like this. I just couldn't find another way to get someone who is not willing to settle down to talk things out!" "Makinig ka sa akin, Kevin, malapit nang kunin ng cancer ang buhay ko pero bago mangyari iyon gusto kong hanapin mo ang anak ko para patakbuhin niya ang kumpanya ko. Alam mo namang siya na lang ang natitirang pamilya na mayroon ako!" "I am well aware of that sir. Although, I sincerely regret forcing her to marry me!" "Nakalimutan mo na ba na ako ang nagpilit sa anak ko na pakasalan ka? At ako rin ang nagsabi sa kanya na makipagrelasyon sayo!" "Siguro hindi natin dapat sisihin ang sarili natin sa mga nangyayari. I am still praying na may milagrong mangyari sa iyo, Mr. Edgar. Kailangan ka ng kumpanya at nag-iisang anak mo!" "I am trying my best to fight the cancer but somehow, my weak body is on the verge of giving up. Kung tutuusin, nararamdaman ko na talagang malapit na akong bawian ng buhay. Nakiusap ako sa iyo... mangyaring huwag kang sumuko sa paghahanap sa aking anak. Ipinagkatiwala ko sa iyo ang misyon na ito dahil naniniwala ako na magagawa mo ito!" "Thank you for trusting me Mr. President. Can I have some questions?" "Ano ang iyong tanong?" "Gusto kong malaman kung ang iyong pamilya ay may dementia o anumang kasaysayan na nagiging sanhi ng pagkawala ng iyong memorya?" "Sa pagkakaalala ko, walang sinuman sa aking pamilya ang may ganoong karamdaman. Malalaman mo lamang iyon kapag nagkita kayong muli ng aking anak. Hayaan siyang makita ang iyong mga larawan na magkasama kayo at kung wala pa rin siyang maalala kahit isa tungkol sa nakaraan niya, dalhin mo siya dito at magpapakonsulta tayo sa isang psychologist!" "Salamat sir. I swear, sa susunod na pagpunta ko dito ay dadalhin ko na ang anak ninyo. Let us hope that she is in a good condition right now dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya!" "Ako rin, lalaban ako hanggang sa mapalitan niya ako sa kumpanya ko!" "I really appreciate your time Mr. President!" Pagkasara na pagkasara ni Kevin ng pinto ay nginitian niya ang bodyguard. "I am done talking to Mr. President. Sorry kung naging maangas ako kanina, masyado lang akong na-stress!" "That is fine sir Kevin. Nag-aalala na rin ako kay Ma'am Kylie. Mabait siyang tao kaya naguguluhan pa rin ako na umalis siya sa hindi malamang dahilan!" At the back of his mind, Kevin wanted to speak about the truth that Kylie left because she refused to marry him pero naalala niyang sinabihan siya ni Edgar na ilihim ito hanggang sa bumalik si Kylie, "Ganun ba? Maniwala tayo na kusa siyang bumalik dito. As of now, let us pray that she is in good hands. Seriously, mahirap talagang maghanap ng nagtatago!" "Paano kung tumingin ka sa ilang simbahan o monasteryo? Madalas pumunta si Ma'am Kylie sa mga ganoong lugar. Baka doon mo siya mahahanap!" Biglang napangiti si Kevin sa sinabi ng guard sa kanya. "Now that you have mention it, I remembered that she was looking at the old monastery near in the Wallington village. I think I should try see her to that place tomorrow morning. Thank you for suggesting that, it really helps a lot!" Isang makahulugang ngiti ang ibinigay ng body guard. "Walang anuman ginoo!" Aalis na sana si Kevin nang may maalala siya. "Isa pa bago ako umalis!" "Ano po yun sir?" Tanong ng body guard. "Please check the President from time to time. I could feel from his voice that he is too weak. Inform me immediately kapag may nangyaring masama sa kanya!" Iniyuko ng bodyguard ang kanyang ulo. "No problem sir, gagawin ko ang sinabi mo. Sana ay magtagumpay sa isa iyong misyon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD