Chapter 11 Love Habang paunti-unting tumataas ang ikot ng ferris wheel kasalungat ito ng aking nararamdaman—aking nararamdaman sa lalaking kaharap ko ngayon. Dahil kung paanong tumataas ang aming sinasakyan ay iyon naman ang unti-unting paglalim ng aking nararamdaman. Patuloy lang ang pagkuha ng pictures sa akin ni Angelo habang nasa loob kami, bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Pabiro kong tinakpan ang camera dahil narealize ko kung anong itsura ko doon habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Para akong batang namamangha sa harap niya dahil iyon talaga ang nararamdaman ko. Pagkamangha. Dahil isang rason kung bakit hindi pa ako nagkakaboyfriend noon pwera sa mas inuuna ko ang pag-aaral ko ay dahil takot ako. Takot ako na mahulog sa isang bangin na walang kasiguraduhan kung may pagbab

