Chapter 10 (Part 2) Skyranch “HA! Sa Sabado?!” OA na sigaw ni Triscia habang nasa SM Baguio kami. Dapat ay ihahatid ako ngayon ni Angelo ang kaso nga lang ay sinabi ko sa kanya na may lakad pa kami ni Triscia, message ko nalang siya mamayang tapos na kami lalo na at susunduin ng boyfriend niya si Tris. Sinabi ko kasi kay Triscia ngayon na pupunta kami ni Angelo sa Pampanga para i-meet ang pamilya niya. Kaya rin nagyaya ako ngayon na pumunta sa SM Baguio para bumili ng susuotin ko, nakakahiya naman kasing pumunta sa kanila ng hindi man lang prepared. Sabi ni Angelo ay sa Sunday pa ang event kaya mag-stay muna kami sa isang hotel sa Pampanga. “Oo nga. Sa Sabado.” Naririnding sagot ko kay Triscia, naglalakad ba naman kami sa gitna ng mall at bigla niyang sinigaw iyon kaya may iilan na t

