Chapter 31 (Part 2) Smile Hindi ko alam… Hindi ko na alam kung tama pa ba ang desisyon kong lumaban kung hindi pa nagsisimula ay nawala na ang pag-asa kong manalo? Paano pa ako lalaban ngayong nawalan na ako ng rason para lumaban pa? Pero mali pala ako… Naramdaman ko ang pagpisil ni Angelo sa kamay namin na mahigpit na magkahawak pati na rin ang paghalik niya sa ulo ko, marahan ang paghalik niya na para bang pinapakalma ako sa lahat ng mga bagay na naiisip ko. Na para bang senyales iyon na alisin ko ang mga negatibong bagay na tumatakbo sa isip ko at ipagpatuloy ko ang laban. Tama. Bakit ako biglang susuko sa laban kung kagaya nga ng sinabi ko ay hindi pa nagsisimula ang laban? Bakit ko susukuan kaagad dahil lang sa tingin ko na magiging problema habang lumalaban ako. May mga ra

