Chapter 31 Together Hindi ko alam kung saan ako unang titingin, literal na kwarto na ito at hindi na siya pang hospital kung wala lang ang mga machine at ang amoy ng mga chemical ay hindi mo aakalain na nasa hospital room pala ako. “Do you like the design?” Tanong ni tita Devi tiyaka kami nilapitan ni Angelo para igaya nila akong mag-ina papasok sa kuwarto dahil hindi ako halos makagalaw sa design ng kwarto. Parang sobra...parang hindi ko deserve. “You know you can tell us what design you’d prefer? If you want to design it with this room or your room in our house?” Teka sandali, hindi pa masyadong nagpaprocess sa akin ang room na ito anong room sa house nila? “P-po?” Gulat na tanong ko, mukhang nagulantang ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi niya. Inosente akong tinignan ni tita

