Chapter 14 Yellow Wedding. Sounds nice. Pero ayokong paasahin ang sarili ko sa wala, alam ko na hindi naman mangyayari ang araw na iyon kahit gaano pa namin kagusto. Dahil may mga bagay na kahit gaano mo kagusto kailanman ay hindi mapapasayo, kailanman ay hindi mangyayari. Napuno nang kuwentuhan at asaran ang lamesa habang kumakain kami. Ngayong araw ko lang din naramdaman ang magkaroon ng kasalo sa hapag-kainan. Madalas kasi ako lang din mag-isa ang kumakain kina tita, minsan lang kami magkakasabay-sabay. Kaya ibang pakiramdam talaga ang hapag ngayon para sa akin. Pagkatapos naming kumain ay sabay-sabay rin kaming bumalik sa mga room namin. Nauna sina tita Devin since mas naunang daanan ang room nila. Kaagad na pumasok ang tatlo sa kwarto namin, iniwan nila kaming dalawa Angelo sa h

