Chapter 14 (Part 2) Tagaytay Akala ko noong una, sa mga palabas o kaya sa mga librong nababasa ko lang mangyayari ang mga ganitong eksena. Hindi ko lubos akalain na pwede palang mangyari sa akin yung ganito, may isang tao pala na magpapa sa totoong buhay sa lahat ng mga nababasa't napapanood ko. Akala ko rin noon, lahat ng mga lalaki manloloko. Na lahat ng mga lalaki ay iiwan ka lang din. Katulad ng mga nakikita ko noon sa mga kaklase ko. I've seen how they cried so much when they broke up. Na kahit nasa loob sila ng classroom ay todo ang iyak nila. Nong una, I thought they were just overacting since why would they cry that much just for a guy? We're just in senior high school, how could they say that what they felt was love? But I guess, love didn't come for ages. Maybe, we're jus

