Chapter 15 (Part 1) Birthday Nakailang stop over din kami on the way to Tagaytay. Si Allan naman ay humiwalay saglit nung pagkatapos naming kumain sa isang mall, may kakilala raw kasi siya rito at sakto nasa mall din iyon kaya kinita niya muna saglit. After non ay bumalik na kami sa van para ipagpatuloy ang biyahe. Naririnig ko ang mahihinang bulungan ng tatlo. Hindi lang clear sa pandinig ko kung anong pinag-uusapan nila dahil hindi ko iyon masyadong marinig. “Music?” Tanong ni Angelo sa akin habang in-offer sa akin ang isang piece ng airpods. Nakalagay na kasi sa tenga niya iyong isa. Kinuha ko iyon tiyaka nilagay sa tenga ko. Pansin ko lang na ang sarap pala sa pakiramdam yung nagtatravel, yung wala sa bahay. Kapag kasi nasa bahay ako, ang bigat sa pakiramdam pero sa oras na um

