Chapter 15 (Part 2) Surprise Totoong nawala sa isip ko ang birthday ko. Ilang taon na rin akong hindi nagcecelebrate nito. Noong nakilala ko si Triscia, kumakain lang kami sa may session o kaya sa SM Baguio para i-celebrate namin ang birthday ko. Iyon lang, parang isang normal na araw lang iyon na natrip-an lang namin kumain since wala namang espesyal doon. Wala rin naman nakakaalala sa pamilya ko sa birthday ko kaya hindi ko na lang din ito pinapansin, ordinaryong araw lang din naman para sa iba. Wala naman special, ito yung araw na pinanganak ako na sana ay hindi nalang nangyari dahil mamatay lang din naman pala ako. Iyan lagi ang iniisip ko noon pero unti-unting nagbabago dahil kay Angelo. Nalala ko pa nga noong last kong hinintay ang birthday ko. Hinintay ko talagang mag alas-do

