Chapter 6.1: Familiar

2683 Words
Chapter 6 Familiar Katahimikan ang naghari sa amin pagkatapos ng pinagsaluhan naming halik. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong pakiramdam niya pagkatapos non. Pero isa lang ang pumapasok na tanong sa isipan ko ngayon. Did I do well? That’s my first kiss, he’s my first kiss! I don’t have experience kissing other guys. Samantalang siya, kung makahalik ay parang ilang beses niyang pinractice iyon! Medyo nahiya ako sa part na iyon, pero alam naman niya na first kiss ko iyon kaya sana kapag okay na kami, I mean yung dating biruan namin, hindi niya ako lokohin kung paano ako naestatwa kanina na para lang siyang humahalik ng pader. Yumuko ako tiyaka tiningnan ang small black notebook na hawak ko—kung saan nakasulat ang mga bagay na gusto kong gawin o bucket list bago ako mamatay. Kanina kasi tinitingnan ko ito, kung matutupad kaya lahat? Pero ayos lang kung hindi lahat, at least may mga nagawa naman akong bago para sa sarili ko. Hanggang sa tumawag na si mama kaya hindi ko namalayan na nabitbit ko na pala ito. “Gusto mo mag Ramyeon?” Binasag ko ang katahimikan sa aming dalawa. Inangat ko ang aking ulo tiyaka ko siya tiningnan sa tabi ko at tipid na ngumiti sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagkalito pero hindi matatakas don ang pagkamangha. “You really had something.” Umiiling na sabi niya habang nakitaan ko siya na may multong ngiti sa kanyang labi. It’s like de ja vu, just like when we first met, he saw me at my weakest point, umiiyak din ako non. Then, I invited him to eat corn dog with me. Ngayon naman ay inaanyayahan ko siya na kumain ng ramyeon. Since may katabing carinderia pero pang korean, ang waiting shed. Sakto ang malamig na panahon sa mainit na ramyeon. Tumayo na siya pagkatapos ay yumuko para tumingin sa akin. Inangat ko pa tuloy ang tingin ko since nakatayo siya sa harapan ko. May bakas pa rin na multong ngiti sa labi niya, ano bang ngingiti-ngiti niya? “You should wear it first.” Wika niya tiyaka marahan na hinubad ang itim niyang jacket tiyaka iyon nilagay sa balikat ko, inayos niya pa iyon. Mukhang wala siyang balak na alisin ang kamay niya hangga’t hindi ko nasusuot kaya napairap nalang ako at inunat ang kamay ko para masuot na ang jacket niya. Tumayo na rin ako tiyaka naunang pumunta sa carinderia for korean, sumunod siya sa akin. Hindi masyadong kalayuan ang carinderia, as in katabi lang siya ng waiting shed. Umupo kami sa may bandang gilid kung saan makikita ang mga sasakyan, car wash din kasi ang katabi nito. Si Angelo na ang nag-order. Nang makarating na ang order namin ay pinicture-an ko muna ito, ewan at least bago ako mamatay. Matingnan ko ang mga pictures ng ginawa namin. Kanina ko lang din naisipan, na siguro ang sayang alalahanin ng masasayang ala-ala kapag nararamdaman ko nang titigil na ang paghinga ko. “Why don’t you capture me instead?” Mayabang na tanong ni Angelo. I rolled my eyes pero tinapat ko rin sa kanya ang camera. Gusto ko lang ng pruweba bago ako mamatay na kailanman ay hindi ilusyon si Angelo na laging nasa tabi ko. Kaagad niyang hinawakan ang bowl of ramyeon, medyo napaso pa siya dahil sa pagmamadali niyang pagkuha pero hindi niya pinansin iyon. Itinaas niya banda sa ilalim ng baba niya ang bowl of ramyeon habang may hawak na chopstick sa magkabilang kamay tiyaka matamis na ngumiti sa camera. Automatic na napangiti ako dahil sa ngiti niya. “Tayo namang dalawa!” He insisted then placed the cup of bowl on the table again. Akala ko ay sa cellphone pa kami magpipicture pero kaagad niyang kinuha ang cellphone niya. Kaagad niyang nilagay iyon sa camera pagkatapos ay umusog palapit sa akin para magkatabi kami. Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko pero pinagsawalang-bahala ko na lang iyon pagkatapos ay ngumiti na lang sa camera. Nakailang pose kami hanggang sa naramdaman ko ang labi niya sa pisngi ko, hindi ko inaasahan iyon kaya nakuhanan talaga sa picture ang pagkagulat ko. “Hey! Ano ba!” Reklamo ko sa kanya. He chuckled. Inalis na niya rin ang pagkaka-akbay sa akin pagkatapos ay tiningnan ang mga pictures namin sa camera roll niya habang ngiting-ngiti. Naalala ko tuloy kung paano kami nagkatampuhan, totoo bang na-attach na talaga siya sa akin? Malungkot akong ngumiti habang nakatingin sa kanya, habang siya ay umaabot ang saya sa mga mata niya habang sinaswipe ang screen niya para matingnan ang mga kinuhanan naming pictures kanina. “May problema ba?” Umangat ang tingin niya sa akin, kaagad akong umiling sa tanong niya. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya ng matagal. Angelo is so pure I couldn’t handle If I’ll hurt him. He deserves all the good things in this world. His name fitted to him so well. He’s like an angel from above that sent for me, to live my remaining days with sweetness despite the bitterness I’m feeling everyday. “Wala! Kumain na nga lang tayo! Baka lumamig pa ang sabaw hindi na masarap!” Saad ko tiyaka kinuha ang chopstick sa lamesa.I started eating it ganon din si Angelo. Tahimik lang kaming kumakain, ang sarap sa pakiramdam ng mainit na sabaw habang humahaplos sa balat mo ang malamig na simoy ng hangin. Kahit na naka-jacket ako, hindi pa rin maipagkakaila ang lamig ng gabi sa Baguio. “If you need someone to talk to, you could talk to me.” Ngayon ay si Angelo ang bumasag sa katahimikan. Sandali akong natigilan dahil naalala ko kung bakit ko nga ba siya tinawagan. “You know, I’m a great listener.” He chuckled. Natawa na lang ako pero tama siya. Magaan nga sa pakiramdam kapag nag-open ako sa kanya, kapag sinasabi ko kung anong nararamdaman o sama ng loob ko sa kanya. Alam ko na ilang araw palang kaming magkasama pero nasabi ko na sakanya ang mga bagay na hindi ko pa nasasabi kahit sa nag-iisang kaibigan ko. Ewan ko, magaan ang loob ko sa kanya. Humugot muna ako ng malalim na hininga para makakuha ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nangyari kanina. “Nag video chat kami nina mama kanina.” Ngumiti ako ng malungkot sa kanya pero bago ko ituloy ang sasabihin ko ay kumain muna ako ng noodles. “Ahm. Medyo nagtataka na rin kasi si tita sa madalas kong pag-ubo.” I shrugged my shoulders while I’m still wearing my sad smile. “Uh-huh.” Hindi ginagalaw ni Angelo ang pagkain niya, nakahalukipkip ang kanyang kamay sa dibdib niya habang seryosong nakikinig sa akin. Mukhang interesadong-interesado talaga siya sa bawat salita na sasabihin ko. “Huy! Kain ka rin, hindi na masarap iyan kapag malamig,” Puna ko sa kanya. “You know you can eat while listening to me.” Nginuso ko ang bowl niya dahil baka mawalan ang init nito, hindi niya madadama ang sarap ng mainit na ramyeon. “No. I don’t want distraction. You told me to always prioritize my priority.” Napaawang ang labi ko sa sagot niya. Ayokong mag-over think sa mga sinasabi niya dahil baka sabihin ulit ng utak ko na iwasan ko siya dahil natatakot akong masaktan siya. At gusto ko rin na nasa tabi ko lang siya. How selfish of me but I really need and want him to be beside me all the time. Kasi siya na lang ang taong handang makinig sa akin, handang puntahan ako ano man ang oras at saan mang pagkakataon. Isang tawag ko lang sa kanya ay makakatakbo siya pabalik sa akin. And it’s scary. Kung masasanay kaming laging kasama ang isa’t-isa ay siya rin ang mahihirapan, makakahirapan makalimot at bumangon ulit. Samantalang ako, wala na. Hindi na ako makakaramdam ng sakit. Tapos na. “You can continue.” Seryoso pa rin siyang nakatingin tiyaka marahan niya pang sinenyas ang kanyang kamay para ipagpatuloy ko ang kuwento ko kanina. “Ayon. Sinabi ni mama na kung mamatay man ako ay kasalanan ko na para bang ginusto kong magkaroon ng sakit.” Pilit akong ngumiti. Ramdam ko ang pamumuo ng luha ko pero pinalitan ko iyon ng maliit at pilit na tawa. “Siguro ay masyado lang akong sensitive.” Natatawang sabi ko at agad na pinunasan ang tumulong luha sa mata ko sa mabilis at mapagbirong paraan. “You’re not, do not invalidate your feelings. It’s yours, don’t mind other people. You’re not sensitive, you’re just hurt by those words that spit on their mouth without thinking about your feelings.” Pangagaral niya sa akin. Him and his words of wisdom. “You’re not sensitive, they were just insensitive and they were just capable of saying hurtful words.” He added. “I never did hear them being concerned with me, they were just concerned if I got a lowest grade and blame me for everything misfortune happened to us.” I smiled bitterly. “Dahil lang sa mabang marka parang utang na loob ko pa sa kanila na nabuhay ako sa mundo.” “Your life is never a debt. Always remember that it’s not a debt, it’s their responsibility from the very beginning.” And somehow, I have to admit that he indeed has a point. “Pero hindi ba utang na loob natin sa mga magulang natin ang ating buhay?” I asked him. I understand what he wanted to convey but I want to know more about his opinion on this topic. “Never nating magiging utang na loob ang mga binibigay nila sa atin, Artemis.” Mahinahon na sabi niya. “Yes, we should be thankful to them, na dahil sa kanila ay nandito tayo sa mundo pero lahat ng materyal o hindi materyal na bagay na binibigay nila sa atin ay hindi kailanman naging utang na loob sa kanila.” He explained. “Artemis, that thing is their responsibilities as parents. Responsibilidad nila tayo, hindi natin hiniling na mamuhay sa mundong ito pero sila hiniling nila tayo para magkaroon sila ng anak.” He explained it carefully, maybe he thought that I might get the wrong idea. “That is why I don’t understand some parents…” he paused. “Kung bakit sinusumbat nila sa anak nila ang araw-araw na pinapakain, mga damit, pang binigay at iba pang materyales na bagay. Bakit mo isusumbat iyon sa anak mo gayong alam mo na responsibilidad mo iyon bilang magulang? Totoo ba na business ang course netong kausap ko? Parang bagay siya sa Psych. Tumahimik ako sa sinabi niya dahil may punto nga siya. Gusto ko sana na hindi ko ipararanas sa magiging anak ko kung ano man ang nararanasan ko ngayon pero mukhang malabo ng mangyari iyon. Hinding-hindi ko isusumbat sa anak ko ang lahat ng mga bagay na binibigay ko sa kanya o kahit na ang pagkain na binibigay ko. Dahil sabi nga ni Angelo, iyon ay responsibilidad ng isang magulang kaya hindi dapat isumbat sa anak. At isa pa, malabong mangyari na, ikakasal ako at magkaroon ng sariling pamilya. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko sa ramyeon, ganon din naman siya. Hindi na siya nasalita non na tila malalim din ang iniisip. Siguro ay isa ito sa gusto ko kay Angelo, na irerespeto niya ang pagiging tahimik ko. Isa siguro siya sa mga tao na malakas ang pakiramdam. Nang matapos kaming kumain ng ramyeon ay kinuha ko ang cellphone ko na nasa lamesa para tingnan ang oras. Napangiwi ako ng makita na alas otso y media na pala. “Hindi ka ba hinahanap sa inyo?” I asked. Umiling siya. Tumayo na ako para magyayang umuwi, may pasok pa kami bukas. Kaagad niyang napakiramdaman iyon kaya tumayo na rin siya. “Hatid na kita.” Kaagad na sabi niya pagkatayo niya palang. Sabay kaming naglakad palapit sa daan. Buti na lang at nakatabi ang sasakyan niya. “Huwag na. Diyan lang naman, one minute lang.” Sambit ko nang nasa tapat na kami ng waiting shed sabay tinuro ang paakyat sa amin. Malapit lang naman talaga ang bahay nina tita dito sa waiting shed, ilan hakbang lang ay nasa tapat ka na ng gate. “I insist.” Napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang hindi ko na mababago ang desisyon niya. Kaya naman sinabayan niya akong maglakad. Parang nasasayangan ako na malapit lang ang bahay nina tita dahil gusto ko pa siyang makasamang maglakad ng matagal. Kapag kasi galing ako sa church, gabi na—ako nalang ang mag-isang naglalakad dahil hindi kami sabay nagchachurch ni tita para may kasama si Kylie. Iniisip ko na t’wing naglalakad ako ay kung anong pakiramdam ng may kasama. A walk with someone special to you under the moon and stars while the cold breeze of Baguio embracing you both. Ngayon ay alam ko na kung anong pakiramdam pero madali lang ipinaranas sa akin. Dahil ilang segundo lang ang nakalipas ay nasa tapat na kami ng gate. “Salamat.” Ngumiti ako sa kanya habang marahan na niyakap pa ang sarili ko gamit ang dalawang kamay ko dahil kahit na may jacket akong suot ay namumuo pa rin ang lamig sa aking balat. “No worries. You can call me anytime.” He said. “If you’re on the darkest side of life, call me and we will both talk to Him.” He smiled sweetly at me. Teka lang.. Parang nakita ko na siya dati, hindi dahil nakikita ko siya sa campus! Sa church! Tama! Nakikita ko siya palagi sa church, siya iyong nakikita kong tumitingin sa akin noon pero hindi ko nalang siya pinapansin dahil baka assuming lang ako. T’wing gabi ako nagcha-church kaya ngayon nasinagan ng buwan ang kanyang mukha ay parang naalala ko na palagi ko pala siyang nakikita sa church, ang kaso nga lang ay hindi ako matandain pagdating sa mukha. “Wait! Same ba tayo ng church?!” Gulat na tanong ko sa kanya. He chuckled. “Wow.” Natatawang saad niya. “Talagang wala kang pakialam sa mga tao sa paligid mo no?” Dapat ba akong ma-offed? Pero totoo naman ang sinasabi niya kaya I rolled my eyes na lang. “But to answer your question, yes, we’re churchmate.” He said. “Ha! Ang layo naman? Diba sa General Luna ka pa nakatira?” Sabi niya sa akin noon sa Gonshen land towers siya nakatira. Maybe he rented a place there. “What did I say that?” He chuckled, he’s obviously teasing me. “Just kidding, I have a place there but we lived in Avelino street.” “So, where are you really living?” Kunot noong tanong ko dahil sa pagtataka. “In your heart.” I rolled my eyes and showed my disgusting face to him. He chuckled because of my reaction, bakit a trip niya laging tumawa kapag nakikita niyang paiba-iba ang reaction ko? “Just stay at General Luna for months since our house is under renovation.” He explained. “Pero ngayon ay gawa na kaya sa Guisad ka na ulit magchurch?” I asked. “Kahit naman nasa GenLu ako, sa Guisad pa rin ako.” He said. I nodded. Umihip ang hindi masyadong malakas na hangin pero sobrang lamig naman ang dala nito kaya marahan kong hinaplos ang braso ko. “Sige na, baka mapagalitan pa ako kay tita.” I said. Tumango siya. Tumalikod na ako sa kanya tiyaka binuksan ang gate at dahil isasarado ko na iyon ay nakita ko pa rin siyang nakatayo sa harapan ng gate namin. “May kailangan ka pa?” Tanong ko sa kanya hanggang sa narealize ko na suot ko pa pala ang jacket niya kaya natataranta ko itong hinuhubad. “Ay wait lang, jacket mo pala.” Hindi ko pa nahuhubad ay pinigilan na niya ako. “Okay lang. You can have it.” Hmm, ayoko namang maging choosy since mabango ang jacket niya, amoy mamahalin na pabango. “Ah. Do you need something?” Tanong ko habang nakahawak pa ang dalawang kamay ko sa gate dahil hindi ko masara, ang panget naman ng ugali ko kung isasara ko na lang kaagad kahit na nakatayo pa siya sa harapan namin. Though, may pagkama-attitude naman talaga ako minsan pero mabait sa akin si Angelo kaya deserve niya ang kabaitan ko. “Wala. Pasok ka na.” He answered. Dahan-dahan akong tumango tiyaka marahan na isinasara ang gate pero nang kaunti nalang ay masasara ko na nang tuluyan ay biglang nagsalita si Angelo. “Artemis, you are loved.” He smiled
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD