Chapter 6 (Part 2) Intramuros Hanggang sa handa na akong matulog pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang huling sinabi sa akin ni Angelo. Habang nakatingin ako sa kisame at hawak-hawak ang labi ko ay iniisip ko pa rin ang mga salitang binitawan sa akin ni Angelo. Those three words meant so much to me, those three words made me feel special, made me feel worthy, made me feel happiness and I didn’t imagine that those three words gave me life. “Totoo? Bati na kayo ni Angelo?” Pagkulit sa akin nina Allan. Kakatapos lang ng klase namin ngayon, bukas ay Sabado. Wala kaming pasok. “Ano ba iyan.” Inalis ko ang pagkalingkis nina Allan at Triscia sa dalawang braso ko, mabuti nalang at hindi na kinalingkis ni Gabi ang kamay niya sa akin. Kahit na malamig ay naiinitan ako sa kanilang tatlo dahil

