Chapter 19 Triscia May mga requirements kami na kailangan ihabol sa loob ng one week after the midterms. At may prof naman na ngayon pa lang nagpapagawa ng assignment para panghatak sa grades, next week kasi ay University week na ng SLU kaya dagsaan panigurado ang mga booths and program, kasama na rin ang laging ginagawa ng SLU taon-taon ang Lantern Parade. Grabe rin nilakad namin ni Triscia noong nakipag-participate kami. Buti na lang at natapos ko na ang mga requirements ko kaya nakatulala lang ako kina Triscia habang nandito kami sa mini john hay ulit, favorite spot ata namin ito dahil napapaligiran ng mga pine trees, malamig at tahimik. Malayo sa mga estudyante. Kasama rin namin sina Allan at Gabi ngayon, hindi namin alam kung nagkaroon ba ng problema sa grupo nila dahil madalan

