Chapter 19 (Part 2) Free Pagkatapos namin magyakapan ni Triscia ay para kaming tangang nanahimik habang magkatabi pagkatapos ay biglang tatawa at iiyak tapos ay biglang mananahimik ulit. Ilang minuto rin siguro kaming ganon, baka kung may makakita sa amin ay mapaghinalaan nila kaming baliw. “Triscia.” I called her. Tumingin siya sa akin, siguro pwede ko ng sabihin sa kanya ang isang gumugulo sa isipan ko na hindi ko masabi kay Angelo dahil tungkol ito sa kanya. “Hmm?” Tanong sa akin ni Triscia na tila handang makinig sa sasabihin ko. “Tingin mo ba mahal talaga ako ni Angelo?” Hindi ako nagdududa doon, ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin at hindi rin ako bulag para hindi ko iyon makita. “Gaga ka ba?” Biglang nag histerikal ang boses ni Triscia dahil sa tanong ko. “Oo naman! Mahal

