Chapter 20 Cafe In The Sky Mag-isa akong pumasok sa jeep pagkatapos kong magbayad kay ate. May iilang pasahero ang nakatingin sa akin pero yumuko lang ako para matakpan ng buhok ko ang aking mukha habang patuloy ang pagluha ko. Bakit naman kung kailan malapit na akong mamatay tiyaka ko siya makikilala? Bakit ang hirap niyang bitawan? Bakit ako nasasaktan ngayon kung ako ang bumitaw? Wala ako sa sarili habang pauwi, maging noong bumaba ako sa town para sumakay sa jeep na dadaan sa amin. Nakakapagod pa naman akyatin ang terminal sa palengke. Somehow, walking in this cold weather made me feel a bit comfortable… a bit. Since, it was always him who would make me at peace, who will comfort me and whom I considered home. Pagkarating ko sa bahay ay kaagad akong dumeretso sa kusina para

