Chapter 18 Girl Mabuti na lang din at natuloy ang plano namin mag review, nag chikahan pa kasi ng ilang oras sina Triscia na akala mo ang tagal ng araw bago sila nagkita. Tapos ay nagdesisyon na rin silang mag-review. Pagkatapos naming mag review, ang dalawa ay susunduin ng mga boyfriend nila habang ako naman ay sasabay na kay Angelo. Nakangusong nakahawak sa gate nila si Allan nang hinatid niya kami palabas. Sakto rin at nandoon na sina Rustom tiyaka si Gilyan na boyfriend ni Triscia. “Mabuti na lang talaga at sa bahay namin ginanap iyong review no?” Pagpaparinig sa amin ni Allan bago kami tuluyang magpaalam sa isa’t-isa. Para siyang tarsier kung makahawak sa gate nila. “Kasi kung hindi sa amin, sa akin lang walang susundo.” Nakangusong sabi pa nito sa amin. Natawa ang mga lalaki dah

