Chapter 17 (Part 2) Confused Pagkatapos namin mag-usap ni Allan ay natahimik kaming pareho hanggang sa nagsawa na ang dalawa kakapicture at sumama na sa amin sa cottage. “Tahimik niyo?” Puna ni Triscia habang binubuksan ang isang chips. “Kanina pa kami nag-uusap no! Napagod na kami.” Sabi ni Allan. Well, totoo naman na kanina pa kami nag-uusap ang kaso nga lang ay pareho kaming natahimik, nanahimik ako para makapag-isip. Si Allan siguro para iprocess pa ang pinag-usapan namin. “We? Napapagod ka pala?” Tanong ni Gabi tiyaka naupo. Si Triscia naman ay nakatayo sa harapan namin tiyaka niya kami inalok ng chips kaya kumuha kami. “Si Angelo?” Tanong ni Triscia dahil mukhang napansin niya na wala si Angelo, e kanina lang siya ang kasama ko. “Sinundo sina tita.” Sabi ko tiyaka ngumuy

