Chapter 23 Walk Halos hindi pa rin ako makapaniwala habang pababa ako ng bus. Hindi ko alam kung kasali ba talaga ito sa tour namin o pinadagdag ni Angelo para matupad ang bucket list ko. Pero duda ako na kasali ito sa tour, sa palagay ko talaga ay pinadagdag ito ni Angelo. Pagkababang-pagkababa ko ay bunganga ni Allan ang bumungad sa akin. Sabay-sabay kasi silang tatlo na lumapit sa akin para salubungin ang pagbaba namin ni Angelo. Kaya may iilan tuloy na tumingin sa amin. Paano kasama na sila kanina sa circle with the block ang kaso lang ay lumapit sila sa amin. “Gaga ang tagal niyo ah!” Bunganga ni Allan. “Akala ko gagalaw mag-isa bus eh.” Makahulugang sabi nito kaya napairap na lang ako. “Tara na raw! Pasok na raw tayo!” Anyaya ni Gabi sa amin. Mabuti na lang din ay kasama ko s

