CHAPTER 2
Boyfriend
Kinabukasan ay maaga akong nagising para hindi ako abutan ng traffic sa Marcos Highway at kahabaan ng pila sa Igorot Park kung saan ang sakayan papuntang Bakakeng.
Habang kumakain kami ng almusal nina tita ay bigla akong naubo kaya mabilis kong kinuha ang baso ko na may lamang tubig. Bahagya ko pang kinati ang lalamunan ko na sana ay hindi nalang ako pansinin ni tita.
"Madalas na iyang pag-ubo mo ha? Ilang buwan na ba iyan?" Pero mukhang hindi pa rin pabor sa akin ang tadhana.
"Ah baka dahil sa panahon lang, ta! Malapit na mag December at lumalamig na ang simoy ng hangin!" Hindi ko alam kung sumobra na ba ako sa pagiging OA pero ayoko lang masermunan dahil maaga pa para ron.
"Siguraduhin mo lang. Dahil kapag sakit iyan nako, gastos na naman." Umiiling na wika pa niya. Sinubo niya muna ang kanin niya, nginuya pagkatapos ay nilunok ito bago pa man dagdagan ang sasabihin niya. "Ang dami ko ng nagastos sa'yo. Halos wala na akong magastos sa sarili kong anak." Napayuko ako sa sinabi niya, bahagyang nahiya.
Gusto ko man siyang bayaran kapag nakapagtrabaho na ako, alam kong malabo nang mangyari iyon dahil mukhang hindi na nga ako aabot sa graduation. Kung puwede nga lang tumigil na ako sa pag-aaral, pero isa ito sa mga gusto kong gawin bago mawala—ang mag-aral.
"Eh hindi naman nagpapadala mga magulang mo. Parang walang anak na walang pake sayo." Hirap kong nilunok ang kinakain ko dahil tama naman siya. "Hindi ko alam bakit ganyan ang mga magulang mo. Samantalang ang ibang magulang kapag walang pera na ipanggagastos sa anak ay maghahanap sila ng paraan para may maipadala." Tuloy-tuloy na wika nito.
"Para silang binata't-dalaga." Hindi ko masisisi si tita sa sinabi niya dahil alam at ramdam ko na may punto ang tinuran niya.
Isa rin iyon sa dahilan kung bakit lumayo ang loob ko sa mga magulang ko. Mas mahal nila ang isa't-isa kaysa sa nag-iisang anak nila. Nag-iisang anak na nga lang ako, pero wala pa rin sa akin ang atensyon.
Mabuti na lang ay natapos din agad ang almusal namin. Hahatid niya pa ang pinsan kong si Kylie sa school niya, hindi na ako sumabay sa kanila dahil maghihintay pa sila ng taxi e paalis na rin ang jeep kaya doon na ako sumakay.
Kinuha ko ang cellphone sa bag ko tiyaka ang earphone ko. Lagi kong kasangga ang musika kapag nag-over think na ako. Parang nakaugalian ko na lang din magpatugtog simula nung bata pa ako para hindi ko marinig ang mga sinasabi nila.
I don't wanna die or fade away
I just wanna be someone
I just wanna be someone
Dive and disappear without a trace
I just wanna be someone
Well, doesn't everyone?
And if you feel the great dividing
I wanna be the one you're guiding
'Cause I believe that you could lead the way
I just wanna be somebody to someone, oh
I wanna be somebody to someone, oh
I never had nobody and no road home
I wanna be somebody to someone
And if the sun's upset and the sky goes cold
Then if the clouds get heavy and start to fall
I really need somebody to call my own
I wanna be somebody to someone
Someone to you
Someone to you
Someone to you
Someone to you
While listening to this song, I suddenly pity myself—even if I hate the word pity. While everyone had someone there, here I am throwing self pity for myself.
Gusto ko lang din maramdaman yung alaga at pagmamahal ng ibang tao sa akin. Iyong hindi ko na kailangan magpanggap na malakas para tanggapin nila. Ayoko rin namang makita nila ako na nanghihina dahil ayokong awa lang ang nararamdaman nila sa akin.
Sa may Caltex kaharap ang Igorot Park ako bumaba tiyaka nagmadaling naglakad papunta sa sakayan. Mabuti nalang two inch lang ang suot kong heels. Walang uniform sa SLU except sa iilang course, kasama na ang tourism na course.
Nagbayad na ako ng nine pesos tiyaka sumakay sa jeep. Mabuti at hindi ko naabutan ang rush hour, kung hindi baka paikot na linya na ang maabutan ko. Maabutan ko pa ang hindi pag-usad ng sasakyan sa Marcos Highway.
Ilang minuto lang din ang biyahe at nakarating na kami. Sinuot ko na ang ID ko tiyaka bumaba na ng jeep.
Habang papasok kami sa entrance ay nagulat pa ako dahil biglang nag alarm ang alarm, walang ID ang nauuna sa akin kaya pinatabi siya ng guard. Akala ko, nakalimutan kong nilagay ang ID ko.
Pagpasok ko sa classroom ay wala pa si Trisha kaya umupo na ako sa upuan namin.
"Hoy!" Nagulat ako ng bigla akong pitikin ni Allan na may pagka arte-arte, pagkatapos ay kinuha niya ang isang upuan para itapag sa akin.
"Aga-aga namimitik ka? Kung hampasin kaya kita?" Akma ko pa sana siyang hahampasin sa librong hawak ko pero kaagad niyang sinandata ang kamay niya, hindi ko alam kung sinandata ba niya o pinapakita niya lang sa akin ang bagong manicure niya.
"Nakita kita nung Sabado!" Akala ko kung ano ang sasabihin niya sa akin.
"Eh ngayon hindi mo ba ako nakikita?" Umirap siya sinabi ko pero agad niya ring hinawakan ang braso ko tiyaka ako bahagyang inalog-alog.
"Ano ba!" Sabay hampas ko sa kamay niya na inaalog ko dahil nahilo ako bigla. Natatawa niya iyon inalis and then he crossed his legs.
"Kalerkey ka! Hindi mo man sinabi na close pala kayo ni Castielle!" Wait, parang narinig ko na ang apilido na iyon. Ito ang ayaw ko sa sarili ko e, ang dali kong makalimot ng pangalan.
"Castielle?" Pagtatanong ko habang iniisip ko kung saan ko nga ba narinig iyon. Pero isang lalaki lang ang kasama ko nung Sabado. "Ah si Angelo Jo Castielle?"
"Oo girl!! Bakit magkakilala kayo?" Nilagay pa ni Allan ang siko niya sa lamesa pagkatapos ang kamay nito sa kanyang baba habang nagbebeautiful eyes at hinihintay ang sagot ko.
"Nagkita lang kami sa General Luna." Balewalang sagot ko, ayaw ko naman na sabihin pa sa kanya na nagkita kami sa hopspital dahil baka humaba lang ang usapan.
"Mga bakla, good morning! Agang chismis niyan. Anong aten?" Pambungad ni Trisha tiyaka nilagay ang bag niya sa lamesa at naupo.
"Eh itong si Artemis, kasama si Angelo noong Sabado!" Pagchika agad ni Allan. Ka-close namin si Allan pero may sarili siyang circle of friend. Kaming dalawa ni Trisha lang talaga ang laging magkasama.
"Castielle? Close kayo?" Gulat na tanong ni Trisha sa akin. Napasinghap ako, minsan talaga pahamak bunganga ni Allan.
"Nakita ko lang siya sa General Luna." I answered. Totoo na nagkita lang kami—aksidente sa Notre Dame Hospital pero mas okay na iyong General Luna.
"Ha? Anong ginagawa mo sa General Luna?" Takang tanong ni Trisha sa akin.
"At anong ginagawa ni papi Angelo roon at nagkita kayo?" Dagdag na tanong ni Allan na mas interesado pa sa ganap ni Angelo, ano pa bang aasahan niya?
"May binili lang ako sa watsons." Pagpapalusot ko. "Kay Angelo, ewan ko. Nakita ko lang siya sa watson."
"Pero sa may kainan ng corn dog ko kayo nakita gorl! Nagkainan ba kayo?" Umirap siya sa bunganga ni Allan.
"Bunganga mo talaga kahit kailan." Trisha said pero humagikgik ito at nag-apir pa silang dalawa.
"Hindi pa raw kasi siya kumakain ng corn dog kaya pinatry ko." Sana naman tantanan na ako ni Allan tungkol kay Angelo.
"Ay paano kung hindi pa siya nakakain ng ano papa try mo rin ba?" Sabay silang natawa ni Trisha na may kasama pang paghampas sa mesa.
"Kung pag-untugin ko kaya mga ulo niyo?" I said sarcastically.
"Kung ulo namin ni Angelo, bet!!" Sinenyas-senyas niya pa sa ere ang daliri niya.
"Gaga bakla ang witty mo!" Pagsakay pa ni Trisha sa kanya.
"Mga bastos." Saad ko.
"Aywow. Virgin ka lang pero hindi na virgin ang salita at pandinig mo. Huwag kami." Pangontra ni Allan sa akin.
Laking pasalamat ko nang dumating na ang prof namin kaya tinantanan na ako ng dalawa. Pero gusto kong bawiin ang pagpapasalamat ko dahil nagkaroon ng biglaang group activity.
Hindi kami magkagrupo ni Trisha kaya nahiwalay kami. Mabuti na lang din, masisipag ang mga ka grupo ko kaya agad akong natapos. Sa susunod pa na meeting pa naman ipapasa ang activity kaya kinuha ko ang maliit kong notebook sa bag at ballpen para magsulat.
Nothing special with this spring note book. Maliit lang siya na kasya sa bulsa, plain na black lang din ang cover niya. Kulang na lang ay may nakalagay na death note.
I clicked my pen for it to close, nalagay ka sa baba ko ang isa kong kamay pagkatapos ay pinaglaruan ang kanang kamay ko na may hawak ng ballpeng habang nag-iisip ng isusulat.
Napanguso ako. Kahit isang buwan na boyfriend lang, para maranasan ko kung paano magkaroon ng isa. Lagi nalang sa libro o kdrama ako kinikilig. Ang kaso nga lang, sino naman ang jojowain ko?
Ang weird lang kung bigla kong tatanungin ang isang kaklase ko kung pwede ba siyang maging boyfriend ng one month? Ang weird din kung bigla akong magrereply sa mga nagchachat sa akin na tumigil na dahil hindi ko pinapansin.
"What's that? Are you dying?" Kaagad akong nairita dahil don. Tiningnan ko ng masama si Erica.
"Don't you know the word privacy?" Katabi ko siya kaya hindi ko na kailangan lakasan pa ang boses ko, para hindi na rin kami makaagaw ng eksena.
"I'm just asking?" Painosenteng tanong pa niya. May mga tao talaga na chismosa ano? Hindi mo naman pinapabasa sa kanila pero pilit silang nakikialam.
"And I'm also asking if you don't know the word privacy?" Iritang balik na tanong ko sa kanya. "Even a child know that." Lumaki kang walang respeto. Gusto ko sanang idagdag pero pinigilan ko ang sarili ko.
"So, you're dying." She concluded. Sarap tusukin ng ballpen ng mga taong pakialamera.
Mabait naman ako pero ewan ko ba bakit ako naiinis sa babaeng ito. Kung baga, siya yung pabida sa klase namin. At ayoko talaga na pinapakialaman ang mga gamit ko katumbas ng ayokong pakikialam sa buhay ko. Especially, when I didn't give them the rights to meddle.
"We are all dying." I rolled my eyes. That's the truth, the only difference is time.
Mabuti at natapos na ang subject namin kaya umalis na ako sa tabi niya. Pagkaupo pa lang ni Trisha sa tabi ko ay agad na siyang nagrants na hindi pa raw sila tapos sa activity. Ang daming dumbell sa grupo nila kaya kailangan pa nilang gawin mamaya.
Buti ay napakalma niya ang sarili niya ng kinuha niya ang phone niya tiyaka nanood ng kpop. Mahilig ako sa kdrama pero hindi ako mahilig sa kpop, si Trisha mahilig sa dalawa.
Kaya nilabas ko na rin ang akin para mag scroll sa social media. Pagbukas ko palang ng data ko ay kagaad nag pop ang pangalan ni Angelo kaya in-open ko iyon sa messenger para mabasa ang chat niya.
Angelo Jo Castielle: good morning! Do you have vacant today?
Artemis Charelle Brioso: *sent a photo*
Tinatamad akong itype ang mga vacant kaya sinent ko na lang sa kanya ang schedule ko.
Angelo Jo Castielle: awit. hindi tayo same ng vacant.
Artemis Charelle Brioso: why?
Angelo Jo Castielle: pero same tayo uwian, hatid kita?
Artemis Charelle Brioso: pano kapag ayaw ko?
Angelo Jo Castielle: hatid pa rin kita.
"Huy. Hintayin mo ako mamaya ha?" Bahagya pang binangga ni Trisha ang braso ko habang tutok pa rin siya sa pinapanood niya.
"Mamaya?"
"Eh kasi nga diba hindi kami natapos sa activity. Tapusin lang namin mabilis mamaya. Sabay tayo umuwi." Tumango ako pagkatapos ay binaling ulit ang tingin ko sa cellphone ko.
Artemis Charelle Brioso: kasama ko si Trisha.
Angelo Jo Castielle: edi sabay natin ;)
Artemis Charelle Brioso: hintayin ko pa siya tapusin activity nila.
Angelo Jo Castielle: we'll wait for her then.
Napabuntong hininga ako dahil mukhang desidido talaga si Angelo na sabay kaming umuwi.
"Trisha." Pagtawag ko sa atensyon niya pero bahagya niya lang ginalaw ang leeg niya para sabihin na nakikinig siya dahil seryoso pa rin siya sa pinapanood niya.
"May kasabay tayo mamaya, ayos lang?" Friendly si Trisha kaya walang problema kung may kasama man kaming bago sa kanya. Pero syempre I need to ask her opinion first.
"Sino?" Tutok pa rin siya sa pinapanood niya.
"Angelo." Unti-unti siyang humarap sa akin. Sa wakas ay nakuha ko ang atensyon niya.
"Castielle?" She made it sure, I nodded. "Anong meron sa inyo?" Puno ng pagdududa sa boses niya.
I guess I need to lie about why I suddenly got close with Angelo.
"Magkaibigan lang."
"Hindi mo siya naikukuwento sa akin. Tapos ngayon bigla kaibigan mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ahm. Magkachat kami." Pagsisinungaling ko pa.
"Wala kang sinasabi sa akin noon na may kachat ka." Tila nagtatampong wika nito sa akin.
"Hindi pa kasi sure iyon." I said. Hirap kaya kapag biglang nawala ang pinagmamalaki mong kachat.
"Eh ngayon? Sure na?"
"Sure na magkaibigan kami." Paglilinaw ko.
Lumipas ang mga oras. Nang mag lunch na ay pumunta agad kami ni Trisha sa seminary para hindi kami maubusan ng maupuan. Pagkatapos ay bumalik din kami sa classroom namin, nagsimula ulit mag discuss ang mga prof namin hanggang sa ma-uwian na.
"Hintayin niyo na lang ako sa mini John Hay." Tumango ako sa sinabi niya tiyaka pumunta sa mini John Hay ng campus.
Dumaan pa ako sa oval, tinext ko na rin si Angelo na magkita nalang kami sa mini John Hay. May mga upuan at lamesa ang nandoon. Inalis ko muna ang mga tuyong dahon bago ako naupo.
Napasapo pa ako sa dibdib ko dahil bahagyang hiningal, sa susunod magdadala na ako ng tumbler para tubig. Bahagya pa akong naubo kaya napayakap ako sa sarili ko.
Nagulat nalang ako nang may nagpatong na itim na trench coat sa balikat ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Angelo na matamis ang ngiting iginawad sa akin.
Umupo siya sa tabi ko.
"How's your day?" Sandali akong napaisip sa tanong niya. Wala naman masyadong nangyari ngayong araw.
"Ayos lang. Ikaw?" Ngumuso siya kasabay ng pag stretch niya sa kaniyang kamay.
"Tiring as usual. Graduating eh." Kibit-balikat na sagot niya. Oo nga pala, mas ahead siya sa akin ng one year. Business Management ang course niya. "Did you already sort out the things you wanted to do?" Maingat ang pagkakatanong niya sa akin.
Ngumuso ako tiyaka kinuha ang maliit na notebook sa bag ko. Tiningnan ko ang nakasulat doon at isang number pa lang ang nandoon!
"Ay oo nga pala! You could help me with this." Sabay pakita ko ng sinulat ko. Baka may kakilala siya na puwedeng ireto sa akin.
"Get myself a boyfriend?" Pagbasa niya. Tumango ako kahit na medyo nakakahiya baka akala pa niya jowang-jowa na talaga ako.
"Oo. Baka may kakilala kang you know pwedeng ireto kahit isang buwan lang." I chuckled awkwardly. Lalo na nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa maliit na notebook, lalo pa itong nanliit dahil sa malaking palad niya.
"Why do you need a boyfriend?" Mababaw ang boses na gamit niya habang tinatanong niya iyon sa akin.
"Listen to this." Agad kong kinuha ang cellphone ko tiyaka ang earphone ko, binigay ko sa kanya ang left ear piece.
I just wanna be somebody to someone, oh
I wanna be somebody to someone, oh
I never had nobody and no road home
I wanna be somebody to someone
"There. The song said it all." I explained. "If you didn't get it, wala pa akong nagiging boyfriend." I said. Gusto kong maranasan ang magkaroon ng isa. "And home does't feel like home anymore." Siguro kaya sabik din akong magjowa ay dahil wala akong maramdaman na pagmamahal sa bahay.
"So you're asking me for help to find you a boyfriend?" Tumango ako habang nakangiti. Panigurado naman ako na maayos ang mga kaibigan niya.
"Oo. Pwedeng kaibigan mo mga pinsan mo." Mukhang maganda ang lahi, hindi na ako lugi. Sana lang, maganda ang ugali dahil wala rin ang itsura kapag bumagsak sa ugali.
"May gusto ka ba sa mga kaibigan ko or pinsan?" Madilim ang ekspresyon na binigay niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong may gusto? E hindi ko nga kilala mga kaibigan at pinsan mo." Gwapo nga pero tanga minsan. He licked his lips.
"Do you really want to have a boyfriend?" Paninigurado niya. Agad akong tumango.
"Oo nga no! Kung pwede nga lang si Allan, siya na lang yayain ko ang kaso pareho kami ng bet." Nakangusong saad ko tiyaka kapag nagpatulong ako kay Allan baka sa mga fuckboy pa ako mapunta, ganon ang circle of friends non.
"Why don't you just make me your boyfriend?" Tumatango-tango pa siya habang sinasabi niya iyon.
"Ha?!" Gulat na tanong ko sa kanya. Napaharap tuloy ako sa kanyang wala sa oras pero seryoso lang ang pagtitig niya sa akin.
"I can be your boyfriend." He said seriously, looking to my eyes.
"Ha? Why you?" Alam kong malamig dahil binigay nga niya sa akin ang coat niya pero naramdaman ko ang bahagyang pamumula ng pisngi ko.
"Why not me?" He said. He's full for himself.
"Pero ayoko ng commitment."
"See, you're not ready to enter a relationship and yet you want one." He said. Ngumuso ako dahil tama siya.
"But I really want to feel what it felt like before I die." Sambit ko gamit ang maliit na boses. He sighed heavily.
"But if you want to experience then let me be your boyfriend." Sumeryoso ang mukha ko sa sinabi niya.
"Don't attach too much." Pagpapaalala ko sa kanya. Baka makalimutan niya ang usapan namin kahapon.
"Sure." But it didn't sound convicing though.
"Wala ka bang girlfriend? Baka may girlfriend ka. Huwag na lang." I said, makakahanap pa naman siguro ako ng iba.
"I don't have one." He said. "We'll explore things together so it's much better if I'm your boyfriend."
"Okay." Kibit-balikat na sagot ko. Choosy pa ba ako?
"Angelo Jo V. Castielle; Artemis Charelle Brioso's boyfriend." He said.
Things to do before I die #1 Boyfriend: √