CHAPTER 1
Things
"How do you know my name?" Pagtataray ko sa kanya. Parang hindi niya ako nakita kung gaano ako kahina habang umiiyak dito sa isang sulok ng hospital.
Kasi dito lang ako magaling, ang magpanggap na matibay ako pero ang totoo durog-durog na ako. Na may isang malaking pader ang nakaharang sa puso ko pero sa likod ng malaking pader ay basag-basag na mga baso.
"You're quite famous in our campus." He shrugged his shoulder. "They say you were fierce and such but what I saw earlier stated the other wise." Marahas kong pinunasan ang mga luha sa mata ko dahil sa sinabi niya.
Mula sa kahinaan ko kanina ay bumundol ang inis sa puso ko dahil may nakakita kung gaano ako kahina. Na maging ang kaibigan kong si Trisha ay hindi ako nakita sa ganong kalagayan. Na kahit nandoon siya noong operasyon ko ay hindi ko pinakita sa kanila na nanghihina at natatakot ako sa kung ano man ang magiging kalabasan ng operasyon.
Pero ang lalaking ito na ngayon ko lang nakita at nalaman ang pangalan ay siya pa ang makakakita kung gaano ako kahina. At ayoko na may makakita kung gaano ka-lubog ang buhay ng isang Artemis
I am not Artemis for nothing.
"You forgot what you saw earlier." I said like I was trying to hypnotize him or something. He just seriously looked at me and then he chuckled.
"What? Do you have spell or something?" Mapaglarong tanong niya sa akin. Lalo akong nainis sa ginawa niya pero inirapan ko na lang siya.
Angelo Jo Castielle, I think I heard his surname before. Tiningnan ko siyang mabuti pero nakatingin lang siya sa akin na tila manghang-mangha.
"Please. Forget what you saw earlier." Halos mapapikit ako dahil hindi ko makilala ang boses na ginamit ko sa kanya, halos magmakaawa ako na huwag sabihin sa iba.
Dahil ayokong malaman nila, gusto ko lang makilala nila ang Artemis na may matigas na puso. Hindi ang Artemis na nakakaawa. At ayaw na ayaw kong kinakaawaan ako ng mga tao na para bang kinabukasan ay mawawala na ako sa mundo.
Which is true, anytime soon I will leave this f*****g world. We don't have enough money to maintain what my body needs. Maybe I'll just accept it, acceptance is the only key for me to enjoy my remaining days.
"Care to share why are you crying?" Maingat ang pagkakatanong niya sa akin na para bang kapag nagkamali siya sa paggamit ng tono ng boses niya ay may mababasag. "If you tell me, I promise, I will forget what I saw earlier." He even raised his right hand as if he's reciting the Panatang Makabayan.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo kaya napatingin siya sa akin. Napansin ko ang pagiging balisa niya dahil sa pagtayo ko, nasulyapan ko pa ang pagbaba niya sa kamay niya na tila balak hawakan ang kamay ko ngunit napigilan niya lang.
"Louisian ka?" Tanong ko sa kanya, kung ka-school mate ko siya at ka-campus pa siguradong galing din siya sa mayayamang pamilya.
"Yeah." Kaswal ang pagkakasagot niya. Tumango ako.
"Kumakain ka ng corn dog?" Tutal ay nasa General Luna na rin ako, kakain na rin ako ng corn dog. Trisha introduce that food to me and I somehow like it.
"What the sudden shift of mood?" Naguguluhan na tanong niya sa akin.
Sinong hindi hahanga sa bilis ng pagpalit ko ng emosyon? Kung kanina ay lugmok na lugmok ako ngayon ay parang walang nangyari. Puwede na nga siguro akong maging artista.
Pinaka-ayoko talaga ang kinakaawaan ako kaya bago pa ako kaawaan ng lalaki sa harapan ko ay inayos ko na ang sarili ko.
"Ayaw mo? Okay lang. Sige. Una na ako." Tinuro ko ang pintuan kung saan ang labasan pero bago pa ako makaalis ay tinaas ko ang panyo niya. "Labhan ko muna, hanapin nalang kita sa campus." Dagdag na wika ko bago ko siya tinalikuran at naglakad papalabas.
Ngunit isang kamay ang humawak sa pulso ko, napasinghap at napalundag ako sa gulat. Hindi ko inaasahan na sa hawak lang niya ay may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Sanay naman ako na may humahawak sa kamay ko na lalaki, of course, I dated! Pero kakaiba ang hawak niya.
"Wait." He licked his lips. Awkwardly, I carefully remove my hand to his. "Let's eat corn dog, then."
Sabay kaming lumabas sa hospital. Sa may baba katapat ng Cedar Peak ang mga stall na may tindang corn dog. Malapit din ito sa Mang Inasal kaya sandali akong natakam sa Chicken Inasal.
Nagulat ako nang siya ang magbayad. Pero nagkibit-balikat lang siya tiyaka kinain ang kanya. To be honest, para lang sandwich na may hot dog ito pero may kung ano ang nagpapasarap.
"Bakit hindi mo kasama ang kaibigan mo?" He asked while he's seriously eating his corn dog. Umangat ang isang kilay ko dahil alam kong ngayon pa lang niya natikman iyon.
"Do you also know my friend?" I asked him with disbelief. Bakit parang ang tagal na niya akong kilala gayong ngayon pa nga lang kami nag-usap. Kung hindi nga lang common ang pangalan niya na Angelo ay baka nakalimutan ko na ang pangalan niya.
"Trisha Fuentes, isn't it?"
"Wait. Are you a stalker?" Bahagyang tumaas ang tono ng boses na nagamit ko dahil sa pagkabigla. He chuckled.
"I'm not. As I said, you both are quite famous in SAMCIS. Don't you know that?" Tila sinampal niya pa sa akin na wala akong kamalay-malay sa campus namin.
"Why are you in the hospital anyway if you're not stalking me?" Pagtataray ko sa kanya, kung kanina ay iniisip ko na baka may ginawa lang siyang importante at napadaan lang siya sa inuupuan ko pero ngayon biglang nag-iba ang tingin ko sa kanya.
"Oh, don't accuse me, woman." He chuckled. Hobby ba niya ang pag-chuckle? Well bagay naman sa kanya. "My cousin was confine there." He explained.
"Oh talagaa? Sinong pinsan aber?" Hindi talaga ako naniniwala. Tiyaka isa pa, bakit kami magkikita sa ganong sitwasyon? Kung kailan mahina pa talaga ako?
"Iverson, he's my cousin. And his sister currently confine in the hospital because of fever. Happy?" Napaurong tuloy ang dila ko sa sinabi niya. Napanguso nalang ako tiyaka pinagpatuloy ang pagkain ko.
"This one is good." Pagpuri niya sa corndog habang tumatango at nginunguya ito.
"Ngayon ka palang nakatikim niyan?" Anak mayaman talaga siya ano? Baka mcdonalds ang streetfood para sa kanya.
"Hmmm." Tumango siya tiyaka tumingin sa akin. "Yep, this is my first time with you." Napangiwi ako. Ngayon palang siya nakatikim niyan?
Hanggang sa narealize ko na, maraming mga bagay din pala ang hindi ko nagagawa. Gusto ko ring magawa ang mga bagay na kailanman ay hindi ko narasanan na paniguradong naranasan na ng mga kasing edad ko.
"Lalim ng iniisip ha?" He said and chuckled again. Para akong napabalik sa reyalidad dahil sa tanong niya.
"Wala." I shrugged my shoulder. Pilit na hindi iniintindi ang naiisip ko. Dahil baka kapag nag overthink pa ako sa harapan niya ay mag breakdown ako.
Nang matapos akong kumain ay bumili rin ako ng palamig. Binilhan ko na rin si Angelo tutal siya naman ang nagbayad sa corn dog namin.
"Saan ka pala nakatira?" Tanong ko sa kanya. He looked at me with amusement now since he's not expecting that I'll ask his whereabouts.
"Whoah. You asked me?" Sabay turo pa niya sa sarili niya. Kung hindi lang ito gwapo mukha siyang tanga sa itsura niyang amuse na amuse habang nakaturo pa sa sarili niya, hindi pa rin makapaniwala.
"Wala mukha ka kasing may auto, makikisabay sana ako." Kung ngayon lang siya nakakakain ng corn dog, malamang sa malamang ay may auto ang rich kid na ito.
Pero syempre joke lang iyong sinabi kong makikisabay ako sa kanya dahil gulat na gulat pa siya sa pagtatanong ko. Wala na lang akong masabi sa kanya, wala na rin akong gagawin sa town kaya uuwi na lang ako para makapagpahinga.
"Kahit hindi mo sabihin, ihahatid kita." He said. Alam kong ngayon pa lang kami nagkakilala at nagkausap pero totoo pala iyong magaan ang loob mo sa isang tao kahit na kakakita niyo palang no? O kaya siguro, nakita na niya ako sa kahinaan ko kaya wala na akong dapat pang itago sa kanya.
"Saan ka nakapark?" Tinuro niya ang binabaan namin kanina. Kaagad akong napaungol dahil ayoko ng umakyat pa. Ang tirik kaya ng General Luna at nakakahingal, madali na rin pa naman akong hingalin ngayon.
"Aakyat ulit tayo?" Maybe I sounded demanding pero ayoko lang maubusan ng hininga no.
"If you want, you'll wait for me here." Tumango ako bilang pag sang-ayon, mas ayos na iyon kaysa sumama pa ako sa kanya sa pag-akyat. "You wait here, okay." Sinenyas niya pa ang kamay niya na para ba akong batang iiwanan niya at basta-basta nalang aalis sa puwesto kapag umalis siya.
"Oo nga." I said. Ngumiti siya tiyaka bahagyang tumakbo paakyat.
Dahil wala akong magawa habang hinihintay ko siya ay nagcellphone na lang ako. Hanggang sa naisipan kong i-search ang pangalan niya sa f*******:. Kumunot ang noo ko nang makita kong nagsent pala siya ng friend request sa akin.
Simple lang ang DP niya, he's wearing a gray shirt, black pants, a black body bag and a pair of brown boots. I think hindi sa Pilipinas ang background niya. I clicked his profile and I was right, he's in Thailand.
Sana all may pang Thailand.
I accepted his friend request. Siguro ay naririnig at nakilala na niya ako sa campus. Wala siyang masyadong post, may iilang shares lang siya tungkol sa basketball, typical boys.
Halos mapairap pa ako sa shinare niyang memes. Isang picture lang ng maliit na bottle ng coke na naka lutang sa tubig pagkatapos ay may label na coke float. What's with his humor? Pero ang dami pa rin nag-haha react sa share niya kahit hindi nakakatawa, most of them are girls—maybe they like him that's why even if it's not funny they still react haha on it.
Nabalik lang ako sa huwisyo nang may narinig akong bumusina. Mabilis kong tinago ang cellphone ko sa bag tiyaka tiningnan ang puting kotse sa harapan ko. Binaba niya ang bintana kaya sigurado akong siya iyon, mabilis akong pumasok dahil baka masita pa kami. Bawal yatang mag stop dito.
"Where are we?" Tanong niya habang nakatingin sa harapan. Natural lang dahil siya ang driver.
"Sa may Tacay Road." I said. "Malapit sa Easter." Parang namemorize ko na iyon kapag sumasakay ako ng taxi.
"Okay, then." He said smiling.
"In-add mo pala ako sa f*******:?" I asked. Bahagya siyang natigilan dahil sa tanong ko pero marahan siyang tumango na para bang batang nahuli. "Why? Do you really know me noon pa?"
"I saw your post." Simpleng sagot niya.
"Post? Ang dami kong post." I said, napaisip tuloy ako kung alin doon ang nakita niya.
"The one you posted that you're a cancer survivor." Napaawang ang labi ko. Marami ngang shares iyon, hindi na ako magtataka na nakarating pa pala sa kanya iyon. "I find you brave, that's why I stalked you. I was a little bit shocked when you're also studying at SLU. That's why I added you." Tumango-tango ako, kaya pala. "Kaso snob ka." He pouted.
"Hoy! In-accept na kita no!" I said. He chuckled. "Tiyaka ang daming nag-add sa akin non!"
"Wow famous." Pang-aasar niya sa akin habang natatawa. "But really, you're so brave. Fighting that kind of illness is no joke. Plus you even motivate warriors to keep going. I really admire you for that." Sumulyap siya sa akin tiyaka ako binigyan ng matamis na ngiti.
Bigla ko tuloy naalala ang usapan namin ni Doc kanina. Mapait akong napangiti, unti-unting namumuo ang mga luha sa mata ko pero wala na akong magawa dahil ito marahil ang kapalaran ko.
"Paano kung malaman mo, isang araw na mamatay ka na. What will you do?" Unti-unting nawala ang matamis na ngiti niya. Napalitan ito ng seryoso, hindi rin nakaligtas sa paningin ko kung paano lumitaw ang ugat niya sa kamay dahil sa paghigpit niya ng hawak sa manibela.
"Gonna f*****g do what I want to do." Matigas na sagot niya. "Especially those things I don't have the chance to do so."
Siguro nga, kailangan kong gawin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa na magapapasaya sa akin. O ang mga bagay na masasabi kong 'naranasan ko rin gawin iyan'. Para at least, bago ako mamatay hindi ganon ang panghihinayang ko.
Because at least, I did these things.
Let me experience watching overlooking view with someone's special to me talking about things, experience dancing in the club, experience getting drunk until I passed out, to explore some places and f**k let me experience how it feels to have boyfriend.
"Do you know why I'm at the hospital?" I caught his attention but he needed to focus on driving.
Mas okay siguro na sabihin ko sa kanya dahil wala akong balak sabihin sa iba. Kahit kay Trisha na kaibigan ko. Ayokong mag-alala at kaawaan ako. I want her to enjoy her life without worrying about me, she's been kind to me, she deserves every happiness in this world.
"Why?" Napapaos ang tanong niya na tila kinakabahan sa rebelasyon na sasambitin ko.
"I was diagnosed with lung cancer." I chuckled even if I felt tears in my eyes. Damn, sabi ko tanggap ko na pero bakit ang sakit pa rin? Gusto ko lang huminga ng matagal sa mundo pero bakit pinagkakait pa rin sa akin?
Bakit ang daya? Bakit pinagkakait ang kasiyahan sa akin? Hindi ko na nga maramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya, hindi ko pa rin ba maramdaman ang huminga ng matagal sa mundo?
Nagulat ako sa biglang pagpreno niya pagkatapos ay tumingin siya sa akin. Hindi ko tiningnan kung anong sinisigaw ng mata niya at ayokong tingnan dahil baka naawa siya sa kalagayan ko.
"Don't look at me with pity." I said looking straight in front reminding myself not to look at him. "You're the only one who will know this. Isang rason kaya ayokong sabihin sa iba dahil ayoko ang kinakaawaaan ako." I firmly said kahit na naiiyak na naman ulit ako.
"What is your plan?" Hindi ko alam kung tama ang pagkakarinig ko pero bahagyang nanginig ang boses niya, nag-alangan kung itatanong niya iyon sa akin.
"Just accept my fate. Maybe, this is enough time for me." I heard him sighed. "Go on, drive." Utos ko sa kanya dahil ayokong nakatingin siya sa akin habang nagsasalita.
"You're not planning to undergo medication?" Umiling ako.
"I think this is enough." Wika ko sa kanya habang kinukumbinsi rin ang sarili ko na tama na. Hindi na ako aasang gagaling pa. Simula yata nung bata ako ay lagi akong nasa hospital.
"You asked me what my plans are, right?" I smile. "I wanted to do the things I didn't have the chance to do." I copy what he said.
Tahimik lang siyang nagmamaneho, hanggang sa niliko na niya ang kotse papasok sa Ferguson Road kung saan ang Easter College at malapit ang sa amin.
Habang nasa biyahe ay ang dami kong naiisip na gagawin ko kung sakali bago ko man linasin ang mundong ito.
"Dito na lang." Sabay turo ko sa gate nina tita. Tinabi na niya ang sasakyan niya para ihinto iyon. Seryoso pa rin ang pagkakahawak niya sa manibela. "Salamat pala." Tumango siya sa sinabi ko.
"Tiyaka, please. Huwag mo na sanang sabihin pa sa iba ang sinabi ko sa'yo." I said. Tumango siya na parang bata na walang magawa kung hindi sumunod sa kung ano man ang sasabihin ko.
Napasinghap ako dahil mukhang hindi na siya magsasalita. Kaya inalis ko na ang seat belt ko. Hinawakan ko na ang bukasan ng pintuan ngunit napahinto ako nang sa wakas ay nagsalita na rin siya.
"Do you have plans? What will you do?" Tanong niya na parang hirap na hirap sambitin ang mga salita.
"Plans before I die?" I casually asked him. Kaagad tumama sa akin ang matalim niyang tingin na tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"Don't," hirap ang pagkasabi niya. "Just don't say that." Bahagya akong natawa, parang hindi pa siya sanay na may taong magpapaalam?
"Why? That's the truth. I only have months and as day passes by, I will only have days." Bumuntong hininga siya, halos ramdam ko ang bigat ng paghinga niya.
"But to answer your question, I'm still sorting out the things I wanted to do in my mind." I smiled at him.
"Would you mind if I join you to do those things?" He asked me with his bloodshot eyes. Nagulat ako sa tanong niya pero kaagad din akong nakabawi.
Wala namang masama kung kasama ko siya diba? Magaan na rin ang loob ko sa kanya, mukha siyang mabuting tao at mukhang hindi gagawa ng masama. Besides, may kasama akong naiisip na kailangan ko talaga sa tabi ko.
Mas masaya rin siguro kung may bago akong naging kaibigan bago ako mawala. Pero hindi ba napakaselfish ko kung sakaling iiwan ko sila rito? Kay Trisha pa lang ay nakokonsensiya na ako.
"Madali ka bang ma-attach?" I asked him. Kasi kung oo, hindi ako papayag sa gusto niya.
Surely, Trisha will move on if that happens. Papaalaga at papabantayan ko rin siya sa boyfriend at kapatid niya. Nag-aalala ako sa kaibigan ko dahil parang kapatid na ang turing namin sa isa't-isa.
"Why are you asking me that?" Nalilitong tanong niya sa akin.
"Kasi kung oo, hindi ako papayag na makasama ka."
"But why?" Bakas pa rin ang lito sa mga mata niya habang tinatanong niya sa akin iyon.
"Kasi ayokong may maiwan na masasaktan." Kaya ayoko na rin magkaroon pa ng maraming kaibigan dahil ayokong maraming masaktan sa pagkawala ko.
"No." He replied. Ngumiti ako tiyaka tumingin sa kanya ay tumango.
"Okay. Payag na ako." Siguro hindi nga siya ganon kadaling ma-attach.
At sana hindi siya nagsinungaling sa sinabi niya.
"Let's do those things together." He said.