Chapter 29 Story Of course… Of course they will react that way, I already expected it but then why am I still hurting this way? It hurts...so much. Huminga ulit ako tiyaka ko pinigilan ang mga luhang gustong tumulo sa mga mata ko para nang sa ganon ay hindi na maging isyu ang pag-iyak ko. Lagi kasi nilang sinasabi na masyado akong madrama kapag ganun kaya para hindi na lang sila makaisip pa ng isang bagay na sasabihin sa akin ay pipigilan ko na lang kahit na medyo mahirap. “Saan ka kukuha ng pagpapagamot?” Tanong ni tita. Patayo na sana ako kaso nga lang ay nagtanong na si tita kaya umayos ako ng upo tiyaka marahan na ngumiti sa kanya bago sumagot. “Ah kina tita Devi po, may foundation sila for those suffering from illness and less fortunate at the same time.” Pagpapaliwanag ko. Kum

