Mabilis nilang inasikaso ang kanilang kasal. Kaagad iyong naitakda nang makapagpasa sila ng kumpletong requirements na mga kailangan. Napagkasunduan nila na maging private na lang ang kasal na gaganapin sa malawak na garden ng mansion ng mga Velasco. Mga piling bisita lang din ang pupunta, mga kaibigan lang nilang dalawa at ilang piling mga kamag-anakan. Hindi na nagawa pang imbitahan ni Freya ang ilan sa kanyang mga kaibigan sa paaralan. Bagay na hindi niya na magawang ipilit pa sa kanila ngayon. "Mama, hindi ko na po ba talaga kailangang mag-aral?" muling tanong niya sa ina na nakaupo sa tabi nito. "O sige Freya mag-enroll ka ngayon at itigil natin ang kasal mo sa araw na ito." pilosopong sabat ni Aleigh na kasama nila sa silid. Nasa mansion na sila ng mga Velasco na nagagaya

