Hindi mapawi ang mga ngiti sa labi ni Freya nang bagtasin na ng kanilang sasakyan ang NLEX. Hindi na rin siya makapaghintay na makarating ng Baguio na unang beses niyang gagawin dahil ni minsan ay hindi pa siya nakakarating sa lugar kung kaya ay hindi matatawaran na kasiyahan ang dulot nito sa kanyang kalamnan tuwing naiisip na kasama ang asawa. Hindi pa man natatapos ang kanilang kasal ay may mahabang listahan na si Freya ng kanyang mga gagawin sa nasabing lugar. Gusto niyang magtungo sa Strawberry Farm na nasa La Trinidad Benguet, nais niyang akyatin ang Grotto of Lourdes, nais niyang pumunta sa Botanical Garden, sumakay ng bangka sa Burnham Park at kumuha ng maraming mga litrato habang suot ang pambansang kasuotan ng tribong nakatira sa lugar na pupuntahan. Hindi niya rin palalagpasin n

