Lumawak pa ang mga ngiti doon ni Freya nang mapag-alaman niyang naroon ang maleta na kanilang dinala sa honeymoon. Umaasa siyang may makokolekta siya doong impormasyon upang bumalik ang kanyang mga alaalang nawawala pa rin. “Talaga po, Ate Delia?” hindi niya na maitanggi pa ang excitement na kanyang nararamdaman, naalala niyang may mga paborito siyang damit na dinala noon. “Opo, Senyorita.” “Pwede niyo po ba akong samahan doon upang kunin ito?” pinagsalikop niya pa ang dalawang palad na mayroon na sa kanyang pakikiusap, “May mga gamit po kasi akong paborito na alam kong iginayak ko patungo ng aming honeymoon. Nais ko sana iyong makita, ayos lang po bang abalahin kita ngayon sa iyong ginagawa?” Mahinang tumawa doon si Delia, natutuwa pa sa pagiging thoughtful ni Freya. “At saka baka na

