Nang sumunod na mga araw ay mas lalo pang naramdaman ni Freya ang hatid ng kanyang pagbubuntis. Nandiyan iyong tinatamad pa siyang bumangon at kumain. Nagpatuloy ang pamimigat ng kanyang buong katawan na alam niya ang dahilan. “Hindi mo ba ako ihahatid sa labas, Baby?” paglalambing ni Julian kay Freya isang umaga na kinailangan niyang maagang magtungo ng kanyang opisina. “Ihahatid.” nguso ni Freya sa kanya at iinot-inot nang bangon upang bumaba na ng kanilang kama, sabog pa ang bawat hibla ng kanyang buhok at halatang antok pa. “Sandali lang, kukuha lang ako ng aking balabal dahil baka mahamog sa labas.” Tumango lang at ngumiti si Julian na matamang pinagmasdan ang tinatamad na galaw ng kanyang asawa. Maliit nang sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang tunguhin na nito ang lalagyan ng ka

