Ilang saglit silang nagtitigan na dalawa hanggang kapwa na may luhang kumiskislap sa mukha nila. Walang anu-ano ay biglang lumuhod sa kanyang harapan ang binata. Dinukot sa bulsa ang kahong lalagyan ng ring. "Please...marry me baby...please..." umang nito sa singsing. Mabilis na napatakip si Freya sa kanyang bibig, muling umaatake ang kanyang emosyon na di niya mawari. Ang buong akala niya ay nagbibiro lang ito kaya sinakyan niya, nangyong nandito na kinakabahan na siya. "Wala pa tayong isang taon baby pero gusto na kitang ayain na magpakasal." patuloy ng binata. "Two months nalang naman." nguso ng dalagang hindi maitago ang labis na saya sa mga mata. "Gusto na kitang makasama sa iisang tahanan." patuloy ni Julian na lumuluha pa rin, "Gusto kong nasa tabi kita tuwing umaga kapag ididi

