Nakangiting umibis ng sasakyan ang magkasintahan pababa ng kanilang sasakyan. Agad na nagdaop ang kanilang mga kamay. Ilang sandali pa ay nasa tanggapan na sila ng malaking mansion ng mga Velasco. "Mano po Lola..." si Freya na inihalik sa noo ang kulubot na isang kamay ng matanda. "Kumusta ka na hija?" magiliw nitong tanong sa kanya. "Ayos lang po ako, pasensiya na po kung ngayon lang ako nakapunta Lola." "Naiintindihan ko," nakangiting tango ng matandang nakaupo sa wheelchair, "Mabuti nalang at mayroon tayong family dinner ngayon." Agad nangunot ang noo ng dalaga na bumaling sa kasintahan, nagkibit lang rin ito ng kanyang balikat. Sumunod sila sa matandang itinutulak na ang wheelchair ni Joy, isa sa mga kasambay nila Julian. "Pasensiya na po Lola kung nakapantulog pa po ako." nahihi

