Malakas silang humalakhak sa ginawa nitong mahinang pagsigaw. "Sorry na baby hindi kita mayakap ngayon dahil nag dri-drive ako." Maliit na ngumiti ang dalaga, tuluyan nang napawi na ang galit sa kasintahan. "Sinabi ba ni Kuya Froylan sa'yo ang address ng tirahan namin?" Nangunot ang noo ni Julian, si Aleigh ang kanyang pinagtanungan. "Magkaibigan kayo ng kolehiyo kaya alam mo siguro ang bahay namin." "Hindi si Froylan ang nagsabi sa akin," tugon nitong ikinalingon ng dalaga sa kanya, "Totoo na alam ko ang bahay na iyon, pero hindi ko alam na lumipat na kayo. Hindi mo 'yon nabanggit rin sa akin Freya." Hindi siya sumagot sa sinabi nito. "Si Aleigh ang nagtext sa akin." "Si Aleigh?" kunot-noong tanong ng dalaga sa nobyo, tumango ito. "Oo si Aleigh, pumunta ako sa lumang bahay niyo

