Pumupungay ang mga matang binuksan ng dalaga ang pintuan ng kanyang silid. Tumambad sa kanya ang isa sa kasambahay nila. Nag-aalangan kung iistorbohin niya ang among dalaga sa kanyang gagawing pagpapahinga. "Bakit po?" "Mayroon po kayong bisita." Agad nandilat ang singkit na mga mata ni Freya sa narinig. Malakas na dumagundong ang sariling puso sa loob ng kanyang dibdib. Hindi man niya tanungin ang kasama sa bahay ay sigurado siyang ang nobyo niya ito. "Ano pong hitsura niya?" tanong ng dalaga na kagat-kagat na ang ibabang labi niya, "Matangkad po ba?" senyas niya, "Maputi? In short gwapo po ba?" Sunod-sunod na tumango sa kanya ang kasambahay na naguguluhan na. Alam niya na kahit hindi sabihin ng among dalaga ay kasintahan niya ito. "Pakisabi pong natutulog ako." anitong isinarado na

