Ang plano nilang muling pagpunta sa bahay nina Freya ay hindi na naman natuloy dahil bago pa sila makaalis ng mansion ng mga Velasco sumama na kaagad ang pakiramdam ni Freya at muli na naman itong naduduwal doon. Wala tuloy choice ang dalawa kung hindi manatili na sa lugar. Gustuhin ‘mang pagbigyan ni Julian ang kanyang asawa ngunit hindi niya magawa ang mga iyon. Kailangan niyang mas unahin ang kalagayan ng kanyang asawa bago ang kagustuhan nito ngayong mangyari. Hindi naman niya ito pinipigilan na magtungo sa kanila, ayaw lang umayon ng panahon sa kanilang kagustuhang mangyari ng mga sandaling iyon ngayon doon. “Invite na lang natin sila ng dinner.” suhestiyon ng matandang Donya nang kumain sila ng tanghalian at makita ang hindi maipintang hitsura ni Freya, alam niyang nais nitong

