Natatakam na ang hitsura ni Freya habang matamang nakaupo sa dining table at hinihintay na maluto ang soup na ginagawa ni Julian para sa kanya. Panaka-naka ang silip ng mga kasama nila sa mansion sa bandang kusina, lalo na si Delia na aliw na aliw sa tanawing iyon ng mga amo nila. Minsan lang iyon kung mangyari kung kaya naman ang tanawing iyon sa kanila ay labis na iba. “Matagal pa ba iyan?” hindi na nakatiis na itanong ni Freya habang pinagmamasdang mabuti ang mukha ni Julian na naliligo sa kanyang sariling pawis, halatang nahihirapan ito sa kanyang ginagawa ngunit wala siya doong choice kung hindi ang gawin. “Nagugutom na kaming dalawa.” Payak na tumawa si Julian sa tinurang iyon ni Freya, mahina namang natawa na doon si Aleigh na saglit lang na bumaba upang kumuha ng tubi

