“Why are we here? Bakit dito tayo nagpunta?” takang tanong ni Sylvia kay Bernard ng makitang pumasok sila sa underground parking ng MBGC.
Nag-park muna ang lalaki ng sasakyan bago s'ya nilingon, at pagkuwa’y itinaas ang salaming suot.
Para namang tumigil ang mundo ni Sylvia ng mga sandaling iyon habang pinagmamasdan ito. Bakit para yatang habang lumilipas ang mga araw ay lalo itong gumagwapo sa paningin niya? At ang l*nt*k niyang puso ay walang tigil sa pagkabog na para bang sasabog iyon anumang sandali.
She took a long deep breathe in silence.
Napansin naman niyang ngumiti ang binata.
“Don’t hold your breath for that long. Maraming araw din tayong magsasama, and who knows? Baka mas malala pa rito ang makita mo,” panunundyo nito nang mapansin ang ginawa niya.
Agad na nagkulay kamatis ang mukha niya.
Hindi niya alam na nahuli pala nito ang pagtitig niyang iyon dito, pati na ang pagpapakawala niya nang malalim na buntong-hininga.
Nakakahiya! Kagat-labing hiyaw ng kan’yang isip.
“Hey! Chill… I was just joking.” At inalis ang pagkakabit ng seat belt niya pagkatapos ay umibis ng sasakyan at pagbuksan s'ya ng pintuan.
Natatarantang bumaba naman siya.
“B-Bakit ba talaga tayo naririto?” muling ulit niya sa tanong kanina na hindi nito sinagot.
“It’s faster if we travel here,” anito bago isinara ang pintuan at kinuha ang mga gamit niya sa likod, pagkuwa’y nagpatiuna ng maglakad.
Mabilis naman s'yang sumunod dito habang magkasalubong ang mga kilay.
“How can we travel here? At saka kailangan ba talagang hiwalay kami ng tutuluyan ni T’yang Natty?” naguguluhang tanong niya sa binata.
Tumigil ito sandali at nilingon s’ya.
“Yes. Mas mabuting hiwalay muna kayo ng pagtataguan ni T’yang Natty mo. Dahil hindi pa rin natin alam ang ginagawang preparasyon ng mga kalaban. We cannot risk both of your lives kung saka-sakali man na matunton ng mga humahabol sa ‘yo ang pinagtataguan natin. I hope you trust me on this one,” paliwanag nito.
Nakakaunawang tumango naman siya rito.
Ngumiti ito.
“Good… Let’s go.” At tuloy-tuloy itong pumasok sa isang private elevator. Ang private elevator na tanging mga boss niya lang ang gumagamit.
He hit the only button there at maya-maya pa’y mabilis na iyong umaandar paakyat.
She knew na may sariling chopper ang mga Monte Bello. Pero imposible naman iyong ipagamit sa kanila lalo na sa kan’ya. She was just an ordinary employee. At napaka-importante naman niya kung iyon nga ang sasakyan nila papunta sa kung saan lupalop man siya dadalhin ng binata.
Ngunit ang hinala niya ay lalong tumibay ng ang elevator ay tumigil sa mismong rooftop ng MBGC. At bumungad sa kanila ang hugis tutubing sasakyang panghimpapawid.
“A-Are we really gonna ride that thing…?” namamanghang tanong niya kay Bernard.
Nakangiting lumingon ito sa kan’ya at tumango. Pagkuwa’y muli nitong isinuot ang sunglass at inalalayan siya sa kan’yang may siko papunta sa chopper.
Pagdating doon ay maingat s’ya nitong inalalayan pasakay. He also fixes the seat belt and headphones for her.
“Are you ready?” excited na tanong nito.
Napakapit s'ya bigla sa braso nito.
Ang pagragasa nang matinding kaba sa kan’yang dibdib ay halos bumibingi sa kan’ya.
“W-Wait… Are you sure you can fly this thing?” may pag-aalinlangang tanong niya rito bago iginala ang mga mata sa loob niyon. Ang nadaramang kaba kani-kanina lang ay nahalinhan ng takot.
She never rode that kind of transportation for God’s sake!
“Of course! I am a great pilot kung hindi mo naitatanong.” May halong pagmamayabang na tugon nito at bahagya pang tinapik ang kan’yang kamay, bago ito gumilid doon at sumakay sa pilot seat.
Hindi kumukurap na pinagmasdang maigi ni Sylvia ang mabilis na pagkilos ng mga kamay ng lalaki, habang kung ano-anong buton sa harapan nito ang pinagpipindot. Maya-maya pa’y narinig niyang malakas na umugong ang chopper kasabay nang mabilis na pag-ikot ng elisi niyon. Napapikit pa s'ya at mahigpit na napakapit sa kan’yang seat belt nang unti-unti na iyong umangat sa rooftop.
“Oh my God… Oh my God… Oh my God…!” nagpapanic na sigaw niya nang tuluyan na iyong lumipad sa himpapawid.
Isang malakas na halakhak naman ang narinig niya mula sa kan’yang earphone. Kaya napamulat siya ng mga mata at masamang tiningnan ang lalaki sa kan’yang tabi.
“Relax…” anito habang ngingiti-ngiti pa rin. “Wala naman akong balak na ihulog ka rito,” dagdag pa nito na lalong ikinasama ng tingin niya sa lalaki.
“Looked,” anito sabay nguso sa ibaba.
Sinundan naman niya ng tingin ang itinuturo nito. At ganoon na lang ang pagkamangha niya sa nakikita.
Even though the city was a bit crowded, hindi pa rin maikakaila ang ganda niyon mula sa itaas. And the magnificent sunset from the horizon was really amazing! The colors it created in the sky was extraordinary. At hindi mo basta-basta makikita ang ganoong tanawin kung nasa kalupaan ka lang.
“You liked it?” narinig niyang tanong ni Bernard.
Nagniningning ang mga matang nilingon niya ito kasabay nang sunod-sunod na pagtango.
“Well, I’m glad to know that. Akala ko hindi mo magagawang i-enjoy ang mga nakikita mo ngayon dahil sa kasalukuyang sitwasyon mo,” komento nito habang patuloy sa pagpapalipad ng chopper.
“Well, I almost forgot about that in a moment.” Malakas na wika niya at luminga sa labas. “Never in my wildest dream that I’ve gonna experienced this. And it really fascinates me how exactly this kind of object flies. Ganito pala ang pakiramdam ng nakasakay sa chopper. Para bang may humahalukay sa t'yan mo na hindi mo mawari. And you could feel all the excitement rushing through your veins. Na para bang gusto mo na lang sumigaw at tumawa ng malakas.” Punong-puno ng excitement na sabi niya rito nang muli itong lingunin.
“You’re very brave for a first-timer. Kung sa iba-iba siguro baka nagsisisigaw pa rin iyon hanggang ngayon. And that would just upset me dahil hindi ako makakapag-concentrate sa pagpapalipad nito.”
Napataas ang isang kilay niya.
“Don’t tell me this is your first time flying with a first-timer?”
“Yes, it is.” Tumatango-tangong tugon nito. “I never let anyone ride with me without any experienced riding this kind of thing at all. Dahil once na magkaroon ng aberya, pare-pareho lang kaming mapapahamak at iyon ang iniiwasan kong mangyari,” paliwanag nito.
“But how about me?” amused na tanong niya rito.
“Of course, you’re exempted to that,” mabilis na sabi nito. “Hindi ko naman hahayaang may mangyaring masama sa ‘yo lalo na at ako ang kasama mo. Mamamatay muna ako bago mangyari ‘yon,” dagdag na banat pa nito.
Natatawang naiiling na lang s’ya sa narinig.
“I won’t fall for that kung iyon ang gusto mong mangyari.” Biro niya rito kahit pa nga kilig na kilig na siya sa mga sandaling iyon.
Pero seryoso itong lumingon sa kan’ya.
“Who said I’m joking?” tanong nito kasabay ng pagpapakawala nang isang malalim na buntong-hininga. “That is the most sincerest thing I’ve said to someone, especially to a woman. Ikaw lang naman itong hindi naniniwala sa akin.” Tila may paghihinanakit na sabi nito.
At muli ay hindi niya napigilang pamulahan ng mukha. Hantaran kasi kung magsabi ito nang totoong nararamdaman nito.
“I never expected you to trust me on other things, but I want you to believe me on this matter. I am a man of few words. But with you… I could talk like forever,” anito na lalo niyang ikinailang.
Gosh! Kailan ba titigil ang lalaking ito?
“But don’t worry… I won’t force you to like me. Hindi pa sa ngayon. For now, my only priority is your safety. So, let’s just enjoy each other’s company and the view below us,” nakangiting dagdag pa nito at ekspertong minaniobra ang sinasakyan nila.