“Where are we?” tanong ng dalaga nang makarating sila sa kanilang destinasyon.
“Home,” maikling tugon niya at inalalayan itong makababa ng chopper.
“Wow!” laglag-pangang bulalas nito ng mapagmasdang mabuti ang paligid.
There were never-ending green fields right before them.
Ekta-ektaryang lupain iyon na taniman ng palay. At sa pinakagitna ay may dalawang palapag na bahay na napapalibutan ng iba’t ibang klase ng puno na nagsisilbing pinakabakod niyon.
At habang papalapit sila roon sa naghahalong dilim at liwanag, noon lang nasilayan nang tuluyan ng dalaga ang itsura ng bahay. Napatigil ito sandali. At sa nagniningning na mga mata ay nilingon s'ya.
“This is…” hindi muna nito itinuloy ang sasabihin. Bagkus ay muli nitong iginala ang humahangang paningin sa paligid.
“Old?” birong dugtong niya.
Lumipad ang mga mata nito sa kan’ya kasabay nang mariing pag-iling.
“Beautiful…” anito at muling itinuon ang pansin sa nasa harap nila. “What do you called on this one?”
Napataas ang sulok ng kan’yang mga labi.
“Does a house need a name, too?”
Tumango ito. “Of course! This beautiful house needs a name.”
Natawa na s’yang tuluyan.
“Then, how about you gave it a name?” sakay niya sa sinasabi nito.
Mabilis itong lumingon sa kan’ya. “Oh… I’d gladly do that.” At kunwa’y nag-isip ito. “How about a green glass-woody house? What do you think?”
Hindi makapaniwalang napailing siya.
Nanilos naman ang nguso nito. “Does it sounds weird?” tila batang tanong nito.
Tila nauubusan ng pasensyang napatirik na lang ang mga mata niya ere. “Fine… Anything that suits you,” napapahinuhod na wika niya at nauna ng maglakad papasok sa loob ng bahay.
“Why? I think that name really fits this place. Green for the fields and glass-woody for the design of this house.” At muli ay humahangang iginala nito ang mga mata sa loob niyon.
Hindi naman na siya nakipagtalo pa rito.
The house was made of wood and glass. Its foundation was the sturdiest kind of tree na hinayaan lang sa orihinal na itsura nito pati na ang tekstura at nilagyan lang ng barnis para hindi pasukin ng anay. And its wall was mostly made of thick glasses na para bang kahit anong gawing suntok mo roon ay hindi mababasag.
Its interior decoration was very neat and simple. Walang masyadong gamit at kung ano-anong palamuti na kalimitang makikita sa bahay ng mga mayayamang tao. All she could see around her was color brown and white. Very masculine and earthy. Lahat ng furnitures ay gawa rin sa kahoy pati na ang hagdanan noon paakyat sa ikalawang palapag.
But, what captured her eyes most ay ang mga naglalakihang in-house plants na nakalagay sa iba't ibang sizes ng paso na puti at itim, na nakalagay sa bawat sulok ng buong bahay. Para bang lalo lang iyong nagbigay nang napakaaliwalas na pakiramdam.
“I couldn’t even believe na mararanasan kong tumira sa ganitong klaseng bahay.” Ang narinig pa niyang wika ni Sylvia habang walang sawang iginagala ang mga mata sa loob niyon.
Napangiti s’ya. “Do you want to see your room?” tanong niya rito.
Mabilis naman itong tumango.
“Come. Follow me.” At muli ay nagpatiuna na s’ya rito.
Walang pag-aatubiling sumunod sa kan’ya ang dalaga.
Bumungad sa kanila ang mini salas sa ikalawang palapag na may open balcony, na nagdudulot ng napakasariwa at malamig na hangin sa buong lugar. Bahagya pang napayakap sa kanyang sarili si Sylvia ng umihip ang malakas na simoy ng hangin mula roon.
“It’s quite colder here kahit walang aircon,” aniya.
“Pansin ko nga,” tumatango-tangong wika nito at napabaling sa isang sulok ng salas.
Kunot-noong lumapit ito doon.
“Is this… a telescope?” hindi makapaniwalang tanong nito habang pinagmamasdan iyon.
At hindi pa ito nakontento. Hinawakan pa nito ang napakalaking bagay na iyon ng may paghanga.
Natigilan naman siya at mabilis na lumapit dito upang pigilan ang mga kamay nito.
Nagtatakang tiningala s’ya nito.
“I’m sorry, but this one is vintage.” Seryosong wika niya rito.
Napataas naman ang isang kilay ng babae at tahimik na binawi ang hawak niyang kamay nito, bago muling iginala ang mga mata sa paligid.
“This is a huge house. Where are your parents?” curious na tanong nito pagkaraan nang ilang sandali.
He sighed. “U.S.A.” maikling tugon niya.
“Are they staying there for good?” usisa nito.
Tumango s'ya.
“May Dad is a U.S. Navy General kaya natali sila ng Mommy ko roon. Hindi niya makayang iwan ang trabaho niya at ilang beses na rin nila akong pinipilit na roon na tumira, ngunit mas gusto ko pa rin dito sa Pilipinas.” Kwento niya.
“So, you’re an only child.” Kumpirma nito sa iniisip.
“Parang ganoon na nga,” kibit-balikat na tugon niya.
“What do you mean?”
“I am their only biological child. Pero may adopted brother and sister ako.”
“Pilipino rin?”
Muli s'yang tumango.
“I guess you have a very kind and loving parents. Ang swerte n'yong magkakapatid,” komento nito na hindi naitago ang pananaghili sa tinig.
Siya naman ang napakunot-noo.
And at the back of his mind, ito na ang pagkakataon niya para tanungin ang dalaga ng tungkol sa sarili nito nang hindi nito nahahalata.
“Why? Aren’t your parents not like that?” kunwa’y hindi interesadong tanong niya.
“I am an orphan since I was seventeen years old. Mabait din naman ang mga magulang ko at mapagmahal din, kaya lang kinuha sila sa amin nang mas maaga,” natatangay na sagot nito.
“May kapatid ka rin?” muli niyang pag-uusisa sa paraang hindi nito mahahalata.
Tumango ito pero mabilis ding umiling.
“Anong klaseng sagot ‘yon?” natatawang tanong niya rito.
“Only child din ako,” ang maikling sabi nito.
Bahagyang napataas ang sulok ng kan’yang mga labi. Mabilis niyang nakuha na may kapatid ito subalit itinatago lang iyon ng dalaga.
Ngunit, bakit? At sa paanong dahilan? Tanong niya sa sarili. At sa sulok ng kan’yang mga mata ay pinagmasdan itong maigi.
“By the way… aren’t you gonna show me my room?” pag-iiba nito ng usapan.
Nakahalata ‘ata ito sa ginagawa niya.
Ngumiti siya at lumapit sa isa sa tatlong pintuan nakapinid doon malapit mismo sa pinaka-salas.
“Here’s your room,” aniya ng buksan ang pintuan.
At tumambad dito ang napakaaliwalas na silid na may floor to ceiling na glass window. Na ang tanging laman ay isang queen sized bed na may puting bedsheet, bedside table na may cute na lampshade na yari sa kahoy, isang mini cabinet, dalawang malalaking in-house plants sa isang tabi, at isa sa palagay nito'y makatawag pansing dekorasyon doon-- ang painting ng kilalang Filipino artist na si Fernando Amorsolo. The Maiden in a Stream kung hindi ito nagkakamali ng pagkakakilala sa title niyon.
Bigla ay pakiramdam nito'y nag-init ang buong paligid habang pinagmamasdan ang painting. Pagkuwa’y umikot ito sa kama at binuksan ang isa pang pintuan.
Namimilog ang mga matang nilingon s’ya nito.
“A-Are this supposed to be my bathroom?” kandautal na tanong nito.
Nakangiting tumango s'ya.
“Liked it?”
“W-What…? Are you sure?” hindi makapaniwalang tanong nito na hindi pinansin ang sinabi niya.
Muli nitong iginala ang paningin sa loob ng banyo.
“Bakit may mali ba dito?” tanong niya na ikinapitlag nito. Nasa likuran na kasi s'ya nito at ginaya ang ginagawa nitong paglilibot ng mga mata sa loob niyon.
“This is made of glass. Ibig sabihin kitang-kita ang kung sinuman na gagamit nito mula sa labas!” bulalas nito.
Tuluyan nang lumapad ang pagkakangiti niya.
“It’s not really a clear glass. Silhouette lang ang makikita sa labas at hindi buong-buo. At isa pa, tayong dalawa lang ang tao sa bahay na ito. Ang mag-asawang katiwala ay nakatira sa kabilang panig ng palayan kasama ang iba pang magsasaka. Kaya ligtas na ligtas ang maligo rito kahit walang saplot.” Paliwanag niya na may halong panunukso.
Isang masamang tingin ang iginanti nito sa kan’ya, bago ito umalis sa pagkakatayo sa harapan niya at naupo sa gilid ng kama.
“I love and hate your architect. Sana man lang ginawang kahoy na lang ang paligid ng banyo,” nakangusong reklamo nito.
“I’ll take that as a compliment,” natatawang wika niya.
Muling nanlaki ang mga mata nito.
“You mean…” hindi na nito naituloy ang sinasabi ng maintindihan ang ibig niyang sabihin.
“Yes.” Paglilinaw pa rin niya sa iniisip nito.
“Then, binabawi ko na ang sinabi ko. I hate you as an architect of this house.”
Napailing na lang siya sa mabilis na pagbabago ng isip nito.
Women! Sigaw ng isip niya.