Nagising si Sylvia mula sa huni ng mga ibon sa paligid. Nakangiting bumangon s'ya at lumabas ng kanyang silid. Papasikat pa lang noon ang araw at hindi siya makapaniwala sa kan’yang nakikita mula sa may balcony.
Kung maganda mula sa itaas ang sunset, mas maganda naman sa lugar na iyon ang sunrise. Kakaiba ang dating nang unti-unting pagsilay ng mga sinag ng araw sa silangan, habang tumatama ang mga iyon sa berdeng palayan. Para bang mas lalong tumitingkad ang kulay niyon.
The whole surrounding looks greener and fresher. Kaya hindi niya napigilang mapapikit at punuin ng sariwang hangin ang kanyang dibdib.
Makaraan ang ilang sandali ay nakangiting nagmulat s’ya ng kan’yang mga mata. Nanatili siya sa kinatatayuan habang walang sawang pinagpapala ang mga mata sa tanawing nakikita niya sa kan’yang harapan.
Maraming ibon na nagliliparan doon na may iba’t ibang kulay. Bukod sa mga iyon ay may mga namumukadkad ding iba’t ibang klase ng bulaklak sa ibaba. At tawag pansin sa kanya ang sadyang nakahilera na sunflower na pagkaganda sa pinatingkad nitong kulay dilaw na bulalaklak.
Tahimik niyang minasdan ang napakapayapang paligid.
“I’m loving this place,” aniya sa sarili.
Subalit ang pagmumuni-muni niyang iyon ay naputol nang makarinig siya nang malakas na tunog ng kung ano mula sa ibaba. Napatingin siya roon at ganoon na lang ang kan’yang pagkatigalgal ng makita kung sino ang naroon.
Bernard was cutting some firewood without his clothes from the waist up!
Tulalang napatitig siya sa katawan nito na wala yatang maiipintas ang kahit na sino sa pagkaperpekto niyon. He was like a Greek god na bumaba sa lupa upang pagpalain ang buong lupon ng mga kababaihan. At hindi niya napigilang mapalunok ng ang pawis mula sa pisngi nito ay namaybay pababa sa dibdib nito, papunta sa tila batong mga abs nito pababa pa sa…
Bigla siyang napatigil at mabilis na iniiwas ang mga mata mula sa katawan nito. Pagkuwa’y ipinaypay niya ang dalawang kamay sa kan’yang magkabilang pisngi.
Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang buong paligid kahit pa nga napakalamig nang pang-umagang simoy ng hangin doon. At kahit hindi niya tignan ang sarili sa salamin ay alam niyang namumula iyon. At nasisiguro niyang singpula iyon ng rosas na nakita niya sa ibaba kanina.
Nang unti-unting mahimasmasan ay muli niyang sinilip ang binata sa ibaba. Pero mukha yatang nagkamali s'ya ng ginawa.
Malakas siyang napasinghap nang muli nitong hatawin ng palakol ang isang malaking kahoy na nagpalabas sa malalaking muscles nito sa katawan. Agad niyang tinutop ang bibig upang hindi makalikha ng ingay, ngunit huli na para doon. Nakangiting nakatingin na sa kan’ya si Bernard.
“Okay ba…?” malakas nitong tanong habang nakapaskil sa mga labi nito ang pilyong mga ngiti.
Mabilis siyang umatras sa kinatatayuan at dagling tumalikod. Pagkuwa’y malalaki ang mga hakbang na nagmartsa s'ya pabalik ng kan’yang silid at agad na isinara ang pintuan niyon. Tutop pa rin niya ang walang tigil sa pagkabog na kan’yang dibdib.
Pakiramdam niya ay pinangangapusan siya ng hininga at nanlalambot ang kan’yang mga tuhod. Tila nauupos na kandilang unti-unti s'yang napaupo sa sahig.
Ilang beses s’yang huminga nang malalim upang payapain ang pusong kanina pa nagwawala.
She never get affected by a man this much kaya hindi niya napaghandaan ang sandaling iyon. All those kind of feelings that she felt at that moment was all new to her. At hindi niya kayang panghawakan ang mga iyon.
Nang maramdamang kumalma na ang puso niya, pumasok siya sa banyo at mabilisang naligo.
Hindi pa rin s’ya kampante sa mga sinabi ni Bernard kagabi tungkol sa banyong iyon. Hindi pa rin maalis sa isip niya na may makakakita ng hubad niyang katawan, kahit pa nga parang anino lang iyon. It was still her naked body that was wide open to the eyes of anyone. At hindi niya gusto iyon.
Nang matapos sa paliligo ay agad siyang nagbihis ng isang gray na shorts at puting v-neck na t-shirt at bumaba. Dederetso na sana siya sa may kusina nang bigla siyang napatigil sa kagitnaan ng sala.
Mula sa kinatatayuan ay kitang-kita niya kung paanong naglagay ng tubig sa baso si Bernard at uhaw na uhaw na iniinom iyon. At hindi niya sukat akalaing may tao palang kahit umiinom ng tubig ay napaka-sexy pa ring tingnan.
Nakakapanuyot ng lalamunan!
Hindi rin alintana ang layo ng pagitan nila sa isa’t isa, kung paanong ang buong presensya nito ay damang-dama niya mula sa kan’yang kinatatayuan. Ganoon kalakas ang dating nito sa kan’ya.
At ang akala niyang mga damdamin na naitaboy sa paliligo kanina ay muli lang ding bumalik habang pinagmamasdan niya ang lalaki. Bigla ay para s'yang ginitian ng pawis sa noo. Kagat-labing ipinagpatuloy niya ang pagmamasid dito.
“Your eyes are making holes in me,” biglang sabi nito ng lingunin siya.
Napahawak s’ya sa kanyang dibdib dahil pakiramdam niya’y lumukso ang kan’yang puso mula roon ng magtama ang kanilang mga mata. Hindi niya malaman kung saan ito titignan. Para siyang isang daga na nasukol sa isang tabi at hindi makagalaw.
At kitang-kita niya kung paanong sumilay ang pilyong mga ngiti sa mga labi nito.
“Gusto mo na bang mag-almusal?” tanong nito nang hindi hinihiwalayan ng tingin ang kan’yang mga mata.
Hindi naman s’ya makasagot. Nananatiling nakatitig lang s’ya sa lalaki na para bang ito lang ang tanging nakikita niya sa mga sandaling iyon.
At tila nananadya naman ang lalaki dahil pakunwang bahagya nitong inilabas ang dila at binasa ang mga labi. Hindi pa ito nakontento at pinaraanan ng mga daliri ang mamasa-masang buhok, bago namumungay ang mga matang tinitigan s'ya.
“Gutom ka pa ba?” mapang-akit na tanong nito.
Bigla namang natauhan si Sylvia at mabilis na ipinilig ang ulo. “I—I… I should get some fresh air,” kandautal na wika niya at mabilis itong tinalikuran.
Subalit, hindi pa man siya nakakaabot sa main door ay nahagip na ni Bernard ang kanang braso niya. Napapitlag siya sa lakas nang tila kuryenteng nanulay mula sa mga palad nito papunta sa kan’yang balat deretso sa kan’yang puso, and made her heart beats erratically.
Ngangang napatingin siya sa binata.
“I’ve told you, you'll see a lot more.” Seryosong sabi nito habang iginagala ang mga mata sa mukha niya. Natuon ang mga iyon sa nakabuka niyang mga labi.
Tumaas ang isa pang kamay nito at dumapo iyon sa kan’yang may baba. Pagkatapos ay marahang isinara nito ang mga labi niya.
“You’re making me lose my mind, did you know that?” mahinang sabi nito at pagkuwa’y binitawan s'ya. “At hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakayang pigilan ang sarili ko.” Pagkasabi noo’y dere-deretso na itong umakyat sa itaas.
Siya naman ay halos maubo na sa paglanghap ng hangin nang mawala ito sa kanyang paningin. Pakiramdam niya inubos lahat ng lalaki ang kan’yang lakas, pati na ang kakayahan niyang mag-isip.
Hanggang kailan ba niya pagtitiisan ang ganoong klase ng damdamin? Ni wala siyang kapangyarihan para iwasan ito. And it will be unethical on her side kung gagawin niya iyon palagi. He was just helping her. Siya ang humingi noon dito.
But her help must be putting her into a dire situation. At hindi niya alam kung paano pa titikisin ang sarili oras na akitin siyang muli ng binata.