Chapter 15

1243 Words
“Yes, Zaragosa. Any update?” tanong ni Bernard sa tauhan ng tawagan ito. “Yes, Boss. I was just about to call you pero naunahan n'yo ako,” tugon nito. “What is it?” Kunot-noong tanong niya. “The main target died last night.” Napatayo siya sa narinig. “Why? What happened? Nakita mo ba kung sino ang gumawa noon?” sunod-sunod na tanong niya rito. “He's been camping inside his apartment for three days in a row kaya naisipan ko ng pasukin. Nakita ko na lang na nakahandusay ang katawan niya sa sahig at wala ng buhay. I searched his apartment at nakuha ko ang isang bomb detonator, laptop, pati na ang cellphone nito. But the trace of his killer or any intruder was nothing. At sa palagay ko suicide ang nangyari,” salaysay ni Zaragosa. Napahilamos siya sa kan’yang mukha. “Are you sure?” “Yes, Boss. Hindi ako umaalis ng pwesto ko gaya ng sabi mo. And the odd thing is that his death was so clean. Walang bahid nang kung anong senyales ng suicide o ano pa man. Wala rin akong nakitang medical equipments or anything na makapagtuturong may itinurok s’ya o may ininom na gamot. Hindi ko naman pwedeng galawin ang kan’yang katawan because it’s beyond my capabilities. So, I just took some pictures and left his body to the police.” “But you have his things right?” “Yes.” Mabilis nitong tugon. “Do you want me to send them to you?” “No.” Umiling siya na parang nakikita nito. “I’ll get them by myself.” At napatingin siya sa orasan. “I’ll be in the office in thirty minutes. Doon na lang tayo magkita.” “Okay, Boss. And one more thing…” “What?” “He has this kind of mark at the back of his ear. Letter F with a crescent.” Napakuyom ang kan’yang kamao sa narinig. “Alright. I also need your footages. Get them done before I arrive.” Utos niya rito. “Noted, Boss.” At pagkuwa’y nagpaalam na ito. Napahilot sa kan’yang may sintido si Bernard habang nagpapaikot-ikot sa kan’yang silid. Hindi niya akalaing ganoon kadaling ididispatsa ang kan’yang lead ng organisayong kinabibilangan nito. Wala na s'ya ngayong ibang pagpipilian kun’di ang paamuhin si Sylvia nang tuluyan. Lumabas siya ng kanyang silid at tinungo ang sa dalaga. Hindi iyon nakakandado kaya madali siyang nakapasok. The woman was sleeping so peacefully on top of her bed while from time to time, smiles. Hindi niya napigilang damhin ng mga daliri ang mamula-mula nitong pisngi. And the warmth coming from it was driving him so mad! Bahagya siyang napapikit while trying to control himself. Kung hindi s'ya aalis sa mga sandaling iyon ay baka tuluyan na siyang mawalan ng kontrol sa sarili. Dagli s’yang lumabas ng silid ng dalaga at tinungo ang chopper. Alas-singko pa lang noon nang hapon at nasisiguro niyang makababalik siya roon bago maghatinggabi. Bago tuluyang umangat ang chopper mula sa lupa ay nilingon muna niya ang bahay. Para bang may malakas na pwersang humihila sa kunya pabalik doon. At hindi niya maintindihan ang sarili. Noon lang s’ya nakaramdam ng tila pag-aalinlangan pagdating sa kan’yang trabaho. And he can’t let that feelings win. Mabilis niyang ipinilig ang ulo at kaagad na pinasibad ang sasakyang panghimpapawid. ** Naalimpungatan si Sylvia nang makarinig ng marahang mga yabag mula sa labas ng kanyang silid. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at ang malamlam na liwanag ng b'wan ang sumalubong sa kan’ya. Naupo siya sa ibabaw ng kama at kinuha ang pambisig na orasan sa maliit na lamesa. Alas-dos nang madaling araw ang nakalagay doon. Madali siyang tumayo habang napapailing. Dalawang araw pa lang siya kung susumahin sa lugar na iyon ngunit pakiramdam niya ay matagal na s’ya doong nakatira. Ni hindi niya naranasan ang mamahay sa kauna-unahang pagkakataon. At tila sinadya talaga ng kapalaran na dalhin siya roon, dahil bukod sa payapa ang lugar ay maganda rin ang epektong dulot ng klima roon sa kan’yang pangangatawan. Bigla ay naging mamula-mula ang kan’yang kutis at kakaiba ang kislap ng kan’yang balat. Tinungo niya ang pintuan at marahan iyong binuksan. Napakunot-noo siya nang makitang patay lahat ng ilaw sa buong kabahayan. Tinungo niya ang balkon at sinilip ang buong paligid. Nakahinga siya nang maluwag ng makitang maaliwalas ang kalangitan at punong-puno iyon ng nagkikislapang mga bituin. Ang b'wan na bahagyang natatakpan ng ulap ay hindi nabawasan ang taglay nitong liwanag na tumatanglaw sa sangkalupaan. It gives a rare magical vibes na sa fairytale stories n'ya lang nababasa. Maya-maya’y napukaw ang kan’yang pansin ng huni ng mga kuliglig. Tila iyon musika sa kanyang pandinig. Bahagya siyang napapikit at napangiti nang maramdaman ang masuyong pagdampi ng pang-umagang hangin sa kanyang balat. Sa isip ay hindi siya magsasawang tumira sa lugar na iyon. “You’re up.” “Ay kabayo!” napatalong bulalas niya nang marinig si Bernard mula sa kan’yang may likuran. Mabilis niya itong hinarap. “You’ll give me a heart attack, you know?” bahagyang angil niya sa binata habang sapo-sapo ang tumatahip na dibdib. Hindi makapaniwalang napailing ito. “Kanina pa ako dito hindi mo lang napansin.” Depensa nito sa sarili. Ilang beses muna siyang huminga nang malalim upang supilin ang nagwawala niyang puso bago ito tinugon. “Bakit gising ka pa?” “I can’t sleep. Ikaw bakit gising ka pa?” balik-tanong nito. “Same reason. Napahaba ang tulog ko kaya imposible na akong dalawin ng antok.” “Yeah… I guess so,” sang-ayon nito at naglakad palapit sa kinatatayuan niya. “Ni hindi mo nga nagalaw ang iyong hapunan,” dagdag pa nito. Wala sa sariling napakagat-labi s'ya. “Sorry… nagustuhan yata ng katawan ko ang lugar na ito and made me sleep like sleeping beauty,” hinging-paumanhin niya na sinabayan pa ng pagbibiro. At mula sa liwanag ng b'wan ay kitang-kita niya ang pagtaas ng sulok ng mga labi nito. “You must be exhausting yourself from work kaya ganyan ka matulog ngayon.” Umiling siya. “I rarely get better sleep kahit hindi ako pagod sa trabaho. Ganoon ako sa amin. Madalas hatinggabi na ako nakakatulog at nagigising din sa madaling araw. Tapos noon ‘di na ako makatulog.” Kumunot ang noo nito. “Bakit naman?” “I don’t know… I just can’t,” kibit-balikat na tugon niya at mabilis na iniiwas ang mga mata rito at tumingin sa malayo. Pinagmasdan naman siya nitong maigi. “You’re having nightmares, do you?” pagkaraan nang ilang sandali ay tanong nito. Hindi naman s’ya sumagot. Isang malalim na buntong-hininga lang ang itinugon niya rito. “I do have nightmares, too. Countless times…” Napatingin siya sa binata ng mahimigan ang pinaghalong guilt at pait sa tinig nito. “Why? What happened?” Ito naman ang huminga nang malalim at tumingin sa malayo. “Because I trusted someone I shouldn’t have. At dahil doon, malaki ang nawala sa akin. Kaya hanggang ngayon, I still blame myself for everything that I did and for everything that happened.” Mabigat sa dibdib na tugon nito. Nakaramdam naman siya ng awa para dito. “I-I’m… sorry… I didn’t know.” Ang tangi niyang nasambit. Nilingon siya niya ito at seryosong tinitigan siya sa kan’yang mga mata. “You did the right choice for not trusting me at all. Baka lalo ka lang mapahamak kapag ginawa mo iyon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD