Kinabukasan, nagising si Sylvia nang maramdamang may masuyong humahaplos sa kanyang may balikat. Nakangiting nagmulat s’ya ng mga mata at ang gwapong mukha ni Bernard ang nagisnan niya. Nakaharap ito patagilid sa kan’ya habang ang isang kamay nito ay nakaalalay sa may ulo nito.
“Good morning,” he greeted with so much sexiness, then smiled.
“Good morning…” paanas na tugon niya habang pinaglalakbay ang mga mata sa mukha.
Wala na yata siyang maiipintas pa sa isang ito. Akalain mong mas gwapo pala ito kapag ganoong bagong gising? And she didn’t even know na may ganoong klase pala ng lalaki. Na mas nagiging kaakit-akit sa napakalamig na umagang iyon.
His unruly hair was giving him an oozing sexiness. Ang namumungay nitong mga mata na hindi niya alam kung dala ba iyon ng puyat kagabi, ay kakaiba ang mga kislap at kabigha-bighaning pagmasdan. His showing stubbles was reminding her of how hot he is last night. At kung paanong ang pagdampi ng mga iyon sa kan’yang balat ay nagbibigay nang napakasarap na kilabot at nakakapakiliti.
Wala sa loob na itinaas niya ang isang kamay at dinama ang mga iyon.
“I like this,” aniya rito.
“And why is that?” nakataas ang kilay na tanong naman ito.
“Wala lang. Parang mas bagay lang sa ‘yo,” kibit-balikat na tugon niya.
Amused na napailing ito.
“Hindi ba mas nakakatakot akong tingnan kapag may ganito?”
“No,” mabilis niyang sagot kasabay ng pag-iling. “Well… it makes you look like a bad boy. But bad boys are too hard to resist. Ganoon ang dating mo sa ‘kin.”
“So, inaamin mo na ngayon na may gusto ka na rin sa ‘kin?”
Namula ang kan’yang magkabilang pisngi.
“Will I surrender myself to you if I’m not?” lakas-loob na balik-tanong niya rito.
He shrugged. “I don’t know. Pwede namang nadala ka lang sa ginagawa ko,” tugon nito at muling pinaglakbay ang isang kamay sa kan’yang may balikat. Naghatid iyon nang napakasarap na pangingilabot sa kan’yang buong katawan.
Napapikit siya at bahagyang ibinuka ang bibig.
“And you’re doing it again,” paanas na wika nito.
Naramdaman niya ang pagtama ng mabangong hininga nito sa kan’yang may pisngi kaya napamulat siya. Eksakto namang nagtama ang kanilang mga mata.
“W-What do you mean I’m doing it again?” she said while stammering.
Mahigpit siyang napahawak sa hugpungan ng kumot malapit sa may dibdib niya, kasabay ng pagsiksik niya ng sarili sa kinahihigaan. Pagkatapos ay wala sa loob na binasa niya ang kanyang mga labi.
Narinig niya ang marahas nitong paghugot ng hininga. Pagkuwa’y walang sabi-sabing idinikit ang ibabang bahagi ng katawan sa kan’yang may hita.
Nanlalaki ang kan’yang mga matang napatitig dito.
“B-But we almost slept at dawn,” inosenteng sabi niya rito.
Napangiti ito. “Maybe I got so addicted to you.” At siniil siya nang nagbabagang halik. Wala namang nagawa si Sylvia kun’di ang magpaubaya sa binata.
Siya man kasi ay hindi kayang tikisin ang matinding atraksyong nadarama niya rito.
**
And starting that day, Sylvia’s life became colorful. Walang araw na hindi siya masigla, tumatawa, at higit sa lahat, kinikilig. Bernard made sure that she felt like that every day. And she was so contented by it. Pati ang mga problema niya sa buhay ay nakalimutan na niya.
“Will you stop doing that?” aniya at pakunwang umirap dito.
“Ang alin?” patay-malisya namang tanong nito sabay ngiti.
“’Yan… ‘yang pagtitig mo at pagngi-ngiti mo sa akin.”
“At ano namang problema doon?” tanong nito na mas lalo pang ngumiti at tinitigan s’ya.
“Eh, hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko, eh.” Reklamo niya at muling itinuloy ang paggagayat ng mga gulay na lulutuin niya. “Wala ka bang ibang gagawin?” dagdag na tanong niya at sinadyang ipinahalata rito na naabala s’ya.
Napahalukipkip ito. “Wala naman,” anito sabay kibit-balikat.
Napailing na lang s’ya.
“Hindi ka ba kailangan sa opisina mo? I mean… halos magdadalawang linggo na tayo rito. Baka hindi mo na iyon naaasikaso nang maayos dahil sa ‘kin.”
“I can handle my work. In fact, wala namang problema kasi nagtatrabaho rin naman ako habang naririto.”
“Iyon naman pala. Di pumunta ka muna sa opisina mo at asikasuhin mo na muna ang trabaho mo. Tatawagan na lang kita kapag nakaluto na ako.” Hantarang pagtataboy niya rito.
Napataas naman ang isang kilay nito.
“Ayaw mo talagang naririto ako?” nananantyang tanong pa nito.
Umiling s'ya. “Hindi naman ako mawawala at wala namang mangyayaring masama sa ‘kin.”
Sasagot pa sana ito ng tumunog ang cellphone nito.
Napangiti s’ya.
“See?” turan niya na binigyan ito ng ‘I told you so' look. “Sige na… baka trabaho na iyan. Ako na ang bahala rito.” At hindi pa siya nasiyahan sa sinabi at itinulak ito palabas ng kusina.
“Fine…” natatawang sabi nito.
Pero bago s’ya nito tuluyang iwanan sa kusina ay binigyan muna s’ya nito ng isang mabilis na halik sa kanyang mga labi.
Kilig na kilig na inihatid naman niya ito ng tingin hanggang sa mawala na ito.
**
“Bernard…” ani Sebastian sa kabilang linya.
“Yes? May problema ba?” kunot-noong tanong niya nang mahimigan ang pagkabahala sa tinig nito.
“Someone installed a listening device on my office and I want you to check it right now.” Agarang utos nito.
“Wait. How does it happened? Mas hinigpitan ko na ang security sa floor area ng mga executives and I also added security cameras there,” aniyang mas lalo pang dumami ang mga gatla sa noo.
“I also don’t know. Di ba sabi mo patay na ‘yong sumubok na pasukin ang system ng kompanya?”
“Yes. Pero hindi ko pa rin natutukoy kung sino ang nasa likod nang lahat ng ito. Malinis lahat ng gamit na nakuha ni Zaragosa sa apartment niya, maliban na lang sa sinadya talaga s’yang patahimikin ayon na rin sa autopsy report. And of course, the bomb detonator was not really functioning. Sinusubukan pa lang siguro niyang gumawa noon. Aside from that, wala pa rin akong lead sa tangkang pagpatay kay Miss Asuncion. Peke ang plaka ng kotseng ginamit noon ng tangkain s'yang sagasaan kaya mahirap i-trace.” Mahabang paliwanag niya sa kaibigan.
“Then do something,” mariing wika nito na ikinataas ng kanyang kilay. “Hindi ko gustong may umaali-aligid na mga kriminal dito sa kompanya. Baka mamaya pati ang pamilya ko mapahamak. Kung talagang may kinalaman ang lahat ng ito kay Miss Asuncion, gaya ng sinasabi mo, bilisan mo na ang pagkilos. Because our enemy is getting nearer.”
“At ano pa ba sa tingin mo ang ginagawa ko?” At pagkuwa’y sinilip niya si Sylvia sa may kusina na pangiti-ngiti habang nagluluto. “I am trying my best here para makakuha ng impormasyon dahil alam kong si Miss Asuncion lang ang makapagbibigay noon sa atin. Hindi ko naman s’ya pwedeng pwersahin na magsalita. Baka lalo lang mabulilyaso at mauwi sa wala ang lahat.” Iritableng dugtong niya.
“Well, you’re not doing your best kung gano'n. You’re with her for almost two weeks now at wala ka pa ring nakukuha na kahit na ano. Kailan ka pa naging mabagal sa trabaho mo?” iritado na ring tanong nito.
Napakuyom ang kanyang kamao, pagkuwa’y huminga nang malalim.
“Alright… Susubukan kong makakuha ng impormasyon sa kan’ya ngayon. At tungkol naman sa problema sa opisina mo, I’ll send my men na eksperto sa paggawa ng listening device. We don’t know na baka hindi lang listening device iyan kaya h'wag mo munang gagalawin.”
“I know that. Kaya nga tinawagan kita kaagad,” mabilis na wika nito.
Wala sa sariling napatango siya. Nakalimutan n'ya nga palang ex-graduate din ito sa military. And Sebastian also knew some basics on security systems.
“Okay. I’ll call you again”
“Please do. Dahil ayoko nang patagalin pa ang nangyayaring ito. Kung kalaban ba namin sa negosyo ang may kagagawan nito o kung sinumang sindikato na ang gusto lang ay takutin kami at perahan, wala akong pakialam. Basta gusto ko nang matapos ito as soon as possible,” anito sabay baba ng telepono.
Napatingin na lang s’ya sa maliit na aparato sa kan’yang kamay.
“Same here… same here…” wala sa sariling sabi niya.
Siya man ay gustong-gusto na ring mahuli ang kung sinumang iyon. Dahil sa ganoong paraan lang s’ya patatahimikin ng konsensya niya.